Chapter 3

22 7 0
                                    

*****

REINA

Nakarating ako sa school. Ayon nga lang late ako. Nagsimula na ring mag-lecture si Prof. Pero dahi naiintindihan naman niya ang kalagayan ko ay pinapasok na lang niya ako at pinaupo.

Nakatingin naman sa akin ang mga kaklase ko, ang mga mata nila ay nagtatanong kung ayos na ba ako. Malamang. Edi sana 'di ako nag-aksaya ng oras para pumasok ngayon.

Nilingon ko Craig sa likod. Abala siyang ngumunguya ng marsmallow. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Isumbong ko siya diyan kay Prof eh, hehe. Umirap na lang ako sa hangin saka ako dumukot ng notebook sa bag ko at nagsimulang magsulat ng mga nakasulat sa pisara.

Inabot kami ng break time at himala namang hindi ako nakatulog sa upuan ko. Gusto ko pa kasing inisin si Craig. May kasalanan pa ang gagong 'yan sa akin. Ang lakas ng trip niyang dalhin ako sa bahay niya.

Nang makalabas na si Prof ay nagsitayuan naman ang mga kaklase ko, habang si Marybeth naman ay nilapitan ako.

"Ayos ka na ba, Reina?"

"Hmm.." tumango ako saka ako tipid na ngumiti. "Ayos na ako tol. Salamat nga pala sa pagtulong sa akin sa bar."

"Ay hehe wala 'yon, saka tinulungan naman kami ni Craig eh. Siya ang kalmado sa amin pero alam kong kinakabahan na rin siya sa lagay mo no'ng gabing 'yon." Napakamot lang ako sa ulo.

"Sige na, Reina, alis na kami ni Jacob. Mag-ingat ka ha?" Tumango lang ako sa kaniya.

Pinanood ko naman silang umalis dalawa. Tsk, madalas ata silang magkasama ngayon? May something ba sa dalawang 'yon?

Napaismid na lang ako.

Sinulyapan ko naman si Craig na kinakausap na si Kolas sa likod. Hindi pa talaga ako tinitingnan ng hayop. Putangina niya. Masyado ba siyang apektado sa pang-titrip ko sa kaniya kagabi? Buwiset.

Bumuga na lang ako sa hangin saka ako lumapit sa kanila. "Hoy." Kinalabit ko siya. Natigilan naman siya saka niya ako tiningnan.

"Kailangan mo?" asik niya sa akin. Kulang na lang talaga magkasalubong na nang tuluyan ang kilay niya. Ang sama ng tingin sa akin, parang gago. 'Di naman inaano.

"Samahan mo 'ko papuntang cafeteria. Dali, 'wag ka na magreklamo, hindi ka gold."

Napaawang lang siya pero agad rin namang tumalima.

"Anong gusto mo? Ako na mag-oorder," aniya nang makarating kami sa cafeteria. Sinimangutan ko lang siya. Hindi ko sinabing siya ang bibili ng pagkain ko, ang sabi ko lang samahan niya ako. Pwe.

"Sasama ako."

"Ako na." aniya saka ako tiningnan ng masama.

"Hindi ako lumpo, kaya kong bumili ng mag-isa okay? Ang sama talaga ng ugali mo ano?"

Iling-iling na lang niya akong hinayaan. Pagkarating namin kay ate Beyang ay saka ko na dinukot ang pitaka ko sa bulsa.

"Par, dalawang siopao, at dalawang banana chips nga, dagdagan mo na lang rin ng pampalamig gaya ng dati."

Bahagya pa siyang napangisi nang makita niya ang kasama ko. Nanunukso ang tingin niya pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Noted, tol." Kinindatan niya ako ay agad rin naman siyang tumalima.

Close kami niyan eh. Hindi na mabilang kung ilang beses na niya akong tinulungan no'ng nakakatulog ako habang kumakain dito sa cafeteria.

Ang cool din ni ate Beyang dahil sa mga tattoos at peircing niya sa mukha. Kung pagbabasehan iyon ay talagang mapagkakamalan mo siyang adik. But nah, kilala ko si ate Beyang. Ang bait-bait niyan sa lahat, maangas lang kung maglakad pero babaeng-babae 'yan. Mas straight pa sa straight. Hehe

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon