Chapter 9

9 4 0
                                    

A/N: Nasira ang kuko ko, 'di ako makapag-type ng maayos HSHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHS

REINA

Maaga akong nakarating sa school, sa hallway pa lang ay sobrang ingay na ng mga estudyante, may naghihiyawan pa sa bench habang nanonood ng soccer. Gusto ko sanang huminto para manood kaso baka mas lalo lang ako maaasar sa ingay nila.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa building namin. Napahinto ako nang madatnan ang isang lalaking sumisilip sa bintana ng classroom namin.

Napakamot ako.

Nakalimutan ko ang pangalan niya. Pero nasisiguro kong siya 'yong lalaking nambugbog ng kaklase ko kasi nalaman niyang nililigawan ng kaklase ko ang babaeng gusto niya. Siraulo daw ang isang 'to eh.

"Hoy," tawag ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?"

Gulat siyang napalingon sa akin, nanlalaki ang singkit niyang mga mata. Napasilip rin ako sa loob, walang tao pero nandoon na ang mga bag ng mga kaklase ko. Anong kailangan ng hudas na 'to?

"Wala." Agad rin niya akong tinalikuran saka siya nagtatakbo sa pasilyo.

Napakamot ako.

"Anyare do'n?" nagtatakang tanong ko.

Pumasok na lang ako sa loob at saka ko tingnan ang dulo kung saan nakapwesto ang upuan ni Craig, wala pa ang bag niya, hindi pa siya nakakarating. Naaasar ako sa kaniya, bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at hindi man lang siya bumalik kahapon. I don't know what the heck happened to him, pero nasisiguro kong hindi siya okay

"Good morning, world!"

Napangiwi ako nang marinig ang hiyaw ni Nomi. Lumingon ako sa pintuan, tsk, muhang good mood ang isang 'to.

Napasulayap ako sa buhok niya.

Naka-rebond.

"Nagbabato ka ba?" Asar na tanong ko sa kaniya.

Patawa-tawa niya akong nilapitan. "Ano ba, chill ka lang, umagang umaga nagsusungit ka. At himala atang.." Tinabingi niya ang ulo niya para sumulyap sa likuran ko. "Ikaw pa ang naunang pumasok kay Craig.. uy anong meron ha?"

"Nothing important." ngiwing sambit ko.

"Okay, if you say so." Ngumisi lang siya sa akin saka siya niya binato ang bag niya sa basurahan. Loko-loko talaga.

"Nice, 3 points 'yon!"

"Ah, i love my life!" Pahabol niya. Sinundan niya 'yon ng mahabang tawa.

Napabuntong hininga na lang ako saka tahimik na napasubsob sa upuan.

***

"Uy," napatingala ako.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang maaninag ang mukha ni Craig. Mas kalmado na ang mukha niya ngayon, nakangiti na ulit siya na parang timang.

"Oh?" Asik ko.

"Ang ganda ng pagbati mo sa akin 'no?" Nakasimangot niyang anas sa akin. May dala-dala siyang tray ng pagkain, at.. mukha talaga siyang wala ng dinadalang problema.

Anak ng.. eh anong trip niya no'ng nakaraan? 'Wag niyang sabihing, doppelganger niya 'yon galing Parallel World? Nah, ang korni niya kung gano'n.

"Sino bang matutuwa kung mukha mo makikita ko? At ano bang ginagawa mo rito?"

"Malamang kakain." Aniya na puno ng sarkasmo.

Napakamot ako.

Tama naman siya. Pero naaasar pa rin ako.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon