*****
CRAIG
Napasubsob na lang ako sa upuan ko, habang nakikinig kay prof. Blangko rin ang upuan ngayon ni Reina, dahil dinala ko ulit siya sa clinic, para makatulog siya ng maayos. Ayaw kasi niyang ginigising kapag bigla siyang inatake. Iniwan ko na lang rin ang pagkain niya doon sa maliit na mesa katabi ng kama.
Mabilis na natapos ang klase kaya dumiretso na lang rin agad ako sa clinic, nang buksan ko ang pinto ay nakita ko siyang kalmado lang na nakaupo sa kama, 'di rin siya nag-abalang tingnan ako, her face is just blank, empty.
"Reina."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Mukhang wala siya sa mood niya, at nanatili lang ang mga mata niya sa akin.
"Kumain ka na ba?"
Hindi siya sumagot at walang ganang humiga na lang ulit sa kama. Bumuntong hininga ako saka ko hinila ang isang upuan at nilapit iyon sa kama niya. Nakatitig lang siya sa kisame at mukhang malalim ang iniisip niya.
"What's wrong?" Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita.
"Nothing." Bumuga siya ng hangin. "I just hate myself."
Bago pa ako makasagot ay nagsalita na agad siya. "Bakit ka ba nandito?" Kunot-noong tanong niya.
Hindi ko maitago ang ngiwi ko dahil sa tanong niya. "I want to see you."
"Di kita gustong makita."
"I know."
"Ayaw ko sayo."
"I know."
"Ang panget mo."
"I know."
"Ngina mo, ang tino mo kausap, tadyakan kita diyan eh." Asik niya sa akin. Tumawa lang ako ng mahina saka ko siya pinitik sa noo. "Ihahatid kita sa bahay n'yo."
"Gusto ko rito matulog."
"Nah, ayaw mong matulog rito, you're not comfortable."
Napabuga siya. "Kilalang-kilala mo na ata ako. Crush mo 'ko 'no?"
"Feeler."
"Tse, 'wag mo nga ako tingnan naaasiwa ako sa'yo." Tumawa lang ako. Damn, ang ganda talaga ng babaeng 'to. Yikes.
Ahm. Nakakainis mang sabihin pero mas maganda pa siya sa ibang mga babae rito sa campus. I mean look at her dude. Hanggang balikat lang ang haba ng buhok niya, hindi ko siya nakikitang nag-aayos, hindi siya gumamit ng pampaganda dahil obviously hindi na niya kailangan iyon. She has a natural beauty.
At ganoon rin si Marina, naging crush ko iyon no'ng 3rd year highschool and maybe hanggang ngayon. Leader siya ng cheerleading squad, ang hinhin niya ring kumilos, at sobrang bait niya, understanding at nasa kaniya na ang lahat. But nah, hindi ako naglakas-loob na sabihin sa kaniya iyon.
Hindi ako masyadong kilala sa school, kunti lang din ang mga close ko. Hindi ako sumasali ng mga sports.
I don't know how to play basketball and soccer, but I'm good at chess, I love to sing pero pili lang ang nakakarinig ng boses ko. I know how to play guitar and piano, but I don't think those are enough for a woman to like me.
"Hoy," tawag sa akin ni Reina. Natigil tuloy ako sa kakaisip. "Sabing wag mo kong titigan eh." Napangiwi lang ako.
"Hindi kaya kita tinitigan, nagbabato ka ba?"
"Tanga, kanina ka pa nakatanga sa akin, anong iniisip mo ha?"
Inis na ibinalin ko ang paningin sa mesang may pagkain. "Marina."
"Ah, si Marina? 'Yong may balat sa pwet kasi laging nagkakafracture dahil sa pagsasayaw? Bakit crush mo?" Muli ay nilingon ko siya. Saka ako tawa-tawang napatango.
"Mas maganda naman ako doon, sa akin ka na lang kasi."
Napatitig ako sa kaniya saka ako tumawa ng malakas.
"H-hoy, ngina nito, anong tinatawa-tawa mo diyan?" Singhal niya sa akin. Sinipa niya ako sa balikat pero sinuklian ko lang siya ng tawa.
"Masyado ka na atang masaya sa akin," Ngiwing saad niya. "Mukha ba akong clown sa paningin mo? Tsk, ang ganda ko kaya. Siguro gusto mo 'ko." Dugtong niya.
Naitulak ko tuloy siya ng mahina. "Dami mong sinasabi, natawa lang naman ako."
"Diyan kasi 'yan nagsisimula eh, kapag kasi natatawa ka sa mga biro ko, ibig sabihin no'n attach ka sa akin. Gusto mo ba ako?" Buwiset niyang tanong sa akin.
"Paulit-ulit ka, 'di nga kita gusto!" Asar na asik ko sa kaniya.
"Eh bakit namumula 'yang pisnge mo?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sure ka bang 'di mo 'ko gusto? Baka magbago pa isip ko at panagutan ko iyang feelings mo sa akin," masuyong sabi niya sa akin.
Taasan ang balahibo ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka niya bahagyang dinampi ang labi niya doon.
"B-bitawan mo nga ako!" Hinila ko pabalik ang kamay ko kaya malakas siyang natawa.
"Tingnan mo, nauutal ka rin, dampi lang 'yan sa kamay ha, paano na lang kaya pag diyan na.." nginuso niya ang labi ko saka siya tumawa ng malakas. Nag-eenjoy pa yatang asarin ako. Kainis.
"Don't worry Craig, kahit lagi mong dinedeny ang feelings mo sa akin, pananagutan pa rin naman kita." Ngumisi siya sa akin. 'Yong ngising nakakaloko. Napakagat na lang ako sa labi ko saka ako napatayo.
"Alis na ako!"
"Uy, uy biro lang!" Tumawa siya saka niya biglang hinablot ang kamay ko. "Ang dali mo namang maasar! Maupo ka nga!"
"Ikaw kasi! Bitawan mo nga ako, aalis na ako."
Nagbago ang ekspresyon niya pero alam kong nang-aasar na naman iyan. "Okay, alis na. Dito ako matutulog."
Napabuga ako ng hininga. "I hate you."
Bumalik ang ngisi sa labi niya. "Di mo lang ako matiis eh. Nagbibinata ka na boi!" Inirapan ko lang siya saka na naman niya ako tinawanan.
"Nakakainis ka alam mo ba iyon, ha?" Sinamaan ko siya ng tingin at nanatili naman sa labi niya ang isang ngiti. She found it amusing, at nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Hoy," sundot niya. "Parang nagbibiro lang eh."
"I hate you."
"Correction, you like me."
"Kapal ng mukha mo."
"I know." Ngumisi lang siya sa akin. "I have something to tell you nga pala."
Napasimangot ako. "Ano 'yon?"
"Dito ka, ibubulong ko na lang."
"Bakit pa ibubulong? Dalawa lang naman tayong nandito?" Kunot-noong tanong ko.
"Basta."
Kahit labag sa loob ko ay lumapit ako sa kaniya, siya naman ay nilapit sa tenga ko ang bibig. Nangilabot ako nang dumampi sa tenga ko ang labi niya. Naramdaman kong binuka niya ang labi niya kaya't naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tungki ng tenga ko. Fuck.
"I want to fuck you.."
"Really, really hard.."
![](https://img.wattpad.com/cover/268761778-288-k71617.jpg)
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...