****
REINA
Napabuga ako ng hangin. Hindi niya ako pinapansin.
Kanina ko pa napapansin iyang abnoy na 'yan. Kung makaasta siya ay parang hindi niya ako nakikita ah? Hindi ako tanga para hindi mapansin iyon. At kapag nagsasalubong ang mga mata namin ay siya rin mismo ang umiiwas. Parang tanga lang.
Tinitigan ko siya ng matagal. Makikita ang asar sa mukha niya. Kanina pa kasi siya kinakantyawan ng mga mahadera kong mga kaklase, at hindi ko naman alam kung bakit.
Ah, ewan. Pinanindigan ata niya ang pagiging abnoy niya, hehe. Jezuz cries.
Lumipas ang mga oras at sa wakas uwian na. Nauna na akong lumabas sa mga kaklase ko. Hindi na rin ako nag-abala pang magpaalam sa kanila, dahil tulad nga ng sinabi ko kanina ay maaga akong uuwi sa apartment.
Agad rin akong nag-abang sa gilid ng kalsada para pumara ng traysikel. Iilan pa lang din ang mga estudyanteng nandito sa labas. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon.
Akmang papara na ako nang may tumawag sa akin.
"Reina!"
Napalingon ako sa likuran at ngiwing tinitigan ko naman si Craig mula sa pwesto ko. Napakamot ako sa pisnge.
"What?"
Hinabol niya ang hininga niya bago niya ako sinagot. "Sumabay ka na sa'kin."
Napaiwas siya ng tingin matapos niyang sabihin iyon.
Sarkasmo akong napangisi. "Ang lakas ng sayad mo 'no? Matapos mo akong hindi pansinin kanina, ay aayain mo akong sumabay sa'yo ngayon? Suntukan na lang oh!" maang na bulyaw ko sa kaniya.
"Ikaw na nga inaaya, choosy ka pa?" balik niyang bulyaw sa akin. At dahil sa inis ko ay hinila ko ang buhok niya, mariin ko iyong hinawakan.
"Aray! Ano ba, Reina! Bitawan mo nga ang buhok ko!" Angil niya.
Pero hindi ko siya pinakinggan. Patuloy ko pa rin siyang sinasabunutan! Ang walangya, hinila rin ang buhok ko. Alam kong marami nang estudyante ang nanonood sa amin ngayon, pero pareho kaming walang pakialam ni Craig doon.
Inabot kami ng ilang minuto bago kami tumigil sa ginagawa. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan sa isa't isa bago kami sabay na natawa dahil sa itsura namin ngayon.
"Abnormal ka!"
Napataas ang kilay ko saka ako ngumisi. "Look who's talking?"
"Tsk, inaya ka lang nananabunot ka na." Nakanguso niyang bulong. "Ang sakit kaya."
Hinawi ko na lang buhok ko saka ako lumakad papunta sa kotse niya. Sumunod rin naman siya at agad akong pinagbuksan ng pinto.
"Ang sama ng ugali mo." Nakasimangot niyang sinarado ang pinto. Binaba ko naman ang salamin ng bintana saka ko siya dinungaw mula doon.
"Cute mo tol, tara na dito." Ngising anas ko sa kaniya. Hindi niya ako tiningnan at binuksan na lang niya ang driver seat saka siya umupo doon.
Napakamot ako sa pisnge ko. Aba't siya pa talaga ang nag-iinarte ah? Tsk.
"Ang sabi sa akin ni ate ay isama raw kita sa bahay. Sasabihin ko sana sa'yo kanina pero abnoy ka. 'Di ka namamansin."
Luminga patagilid ang mukha niya, saka siya biglang ngumiti. "Sorry hehe."
Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang lumapit sa akin saka ako maingat na niyapos. Napasimangot pa ako nang maramdaman ang pagtibok ng puso niya. Ang huling nangyari ay naka-selt belt na ako.
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomansaNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...