Chapter 12

7 4 0
                                    

A/N: korni

***

CRAIG

"Gusto ko ng pinya." Mahinang sambit ni Cristita sa akin.

Hindi pa siya nakakakilos ng normal, mahina pa ang katawan niya.

"Saglit lang, hihiwain ko muna."

Tumango siya.

Kanina lang siya nagising, hinahanap niya si mama kaso umuwi na 'yon sa mansion at si tito naman ay may pinagkakaabalahan sa kompanya niya.

Natigil ako sa paghiwa ng pinya nang bigla na lang bumukas ang pintuan.

"Hello motherfuckers!" Hiyaw niya.

Bumuga ako ng hangin saka nagpatuloy sa paghiwa ng pinya.

"Bakit ka nandito?"

"Awit, hindi ba ako welcome rito ha, Craig?" Kunwaring nagtatampong anas niya. 'Di ko na lang siya sinagot, naramdaman ko namang lumapit siya kay Cristita.

"Kumusta ka na, Cris?"

"Obviously, I'm not okay." Pabalang na sagot nito sa kaniya.

"Tangina, magkapatid talaga kayo eh 'no?"

Humalakhak lang ako. "Huwag ka kasing magtanong kung obvious naman, ito Cris oh." Inabot ko sa kapatid ko ang pinya.

"Pahingi naman ako niyan 'tol.." ani Fidel na nakanganga pa habang nakatingin sa pinyang hiniwa ko.

Inabot ko naman sa kaniya ang pinggan. "Hmm."

Nagpasalamat siya pagkatapos.

"Saan ba si tita? Akala ko pa naman makakadaldalan ko siya ngayon. May bago kasi akong tsimis tungkol sa crush ko eh. And dude, damn it, she fucking kiss me.." ngumisi siya na parang siraulo.

"I'm handsome you know, at hindi na ako magtataka kung shoshotain niya ako, I am fucking blessing."

Ngumiwi lang ako. "Pinagtitripan ka lang non."

Ngumisi siya, "Wala akong pakialam, I don't care kung inoobserbaran niya lang ako, it's fucking obvious, you know, kahit pa ipagkalat niya, wala akong pakialam, I'm attracted to her dude, and i don't care kung masusuka man siya sa akin."

Umiling lang ako. "Siraulo ka nga, pareho kayo ni mama."

"Mas lamang nga lang si tita, minsan lang matino, hehe."

"Pero pareho lang kayong may sira sa utak." Ngumisi ako matapos ko siyang lingunin.

Hindi lang isang beses siyang nangbugbog ng kaklase ko, binabakuran rin kasi ni Mayo 'yong babaeng gusto ni Fidel, but yeah, nagiging matino naman ang lalaking 'to, madalas lang talaga siyang walang modo pag dating sa school.

Payatot lang 'yan pero ang bigat-bigat ng kamao niyan, and yes, naging punching bag na rin ako ng gago. Akala kasi niya trip ko rin si miss Vil, tsk, tinitingnan ko lang naman eh tapos agad na niya akong sinugod.

Buti na lang talaga at may umawat sa kaniya.

"Blame our family, dude." nguya-nguyang sambit niya.

***

"Yeah, nandito na sa mansion, oh bitch, I am fucking serious here, pumunta ka na rito bago pa kita sunduin diyan sa bahay mo!" Asik ni mama sa kausap niya sa phone.

"Hindi mo gugustuhing itutok ko ang baril sa ulo mo--fucking good, thanks dude!"

Bumuga ako ng hangin. Kailangan ko na atang maniwala sa sinabi ni tito Jeremy sa akin na may bipolar disorder talaga ang mama ko, at mukhang sa kaniya pa ata nagmana si Fidel na imbis kay tito Jeremy at kay tita Felicia.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon