Chapter 5

20 5 0
                                    

*****

REINA

"Nagkakasundo na sila ng alaga kong aso, palagi rin namang nakabantay ang apo ko kay mingming kaya hindi siya nakakalabas ng bahay." ngiting anas ni Manang Celia.

Inabot niya sa akin ang pusa ko. "Buti na lang at hindi siya lumalayo kapag aalis siya dito sa apartment mo, saulo niya ang pamamahay niyo kaya hindi siya naliligaw."

Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Oo nga po. Maraming salamat po sa pag-aalaga kay mingming."

"Walang anuman. Mauna na ako ha? Magluluto pa kasi ako, mag-iingat ka parati ha?" Tinanguan ko lang siya. Hinintay ko pa siyang makaalis bago ko tuluyang sinarado ang pintuan.

"Meow." Tiningala ako ni mingming. Ngumisi ako sa kaniya. "Miss mo ba ako ha?"

"Meow." Sagot niya. Oo daw.

Hinimas ko na lang ang ulo niya saka ko siya nilagay sa ibabaw ng mesa para pakainin. Sanay na akong dito siya pakainin, wala naman akong arte pagdating kay mingming.

Nilapag ko naman sa mesa ang paborito niyang kinakain. Ngumiyaw naman siya na parang nagpapasalamat ata. Ngumiti lang ako saka ko hinimas ang balahibo niya.

Maganda ang balahibo ni mingming, palibhasa'y isang Persian Cat. Hindi siya kagaya ng mga normal na pusa na nakikita ko sa kalsada. May lahi ang isang 'to.

Sa totoo lang ay nakita ko lang ang pusa na 'to sa daan, mukhang naligaw ata, may kwintas rin siya sa leeg na may nakasulat na cristita at hanggang ngayon, suot-suot pa rin 'yon ni mingming kaso medyo nabubura na ang pangalan na Cristita sa kwintas niya.

Iyon nga din sana ang ipapangalan ko sa kaniya kaso may pututoy siya. Mukhang pangalan ata ng amo niya ang Cristita.

Nang matapos na siyang kumain, ay saka ko na nilapag ang milk niya.

Angas rin ng pusang 'to, alagang-alaga kaya talaga ang taba-taba.

"Meow." Tiningnan niya ako. Para niyang sinusuri ang mukha ko.

"Oo, inaantok na ako, matulog muna ako rito." Hindi ko na hinintay pa ang ngiyaw niya dahil tuluyan na talaga akong nilamon ng dilim.

***

Nagising ako, madilim, sobrang dilim, sinubukan kong tingnan ang relo ko, pero wala akong nakita, wala akong makapa. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Reina!"

Nilibot ko ang paningin ko dahil sa sigaw na 'yon. Pamilyar pero hindi ko mawari kung kaninong boses.

"Meow." Nagulat ako nang makita ko ang pusa ko. Masaya ang mukha niya nang ilahad niya sa akin ang kamay niyang kyot.

"Reina, tara." Imbis na magtaka ako kung bakit siya nakakapagsalita ay tinanggap ko na lang ang kamay niya. Saka kami naglakad, naglakad sa dilim, naglakad sa kawalan.

Hindi ko alam kung nasaan na kami, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay kasama ko si mingming, ang pusa ko.

"Reina!"

Muli ko na namang narinig ang sigaw na 'yon. Huminto kaming dalawa ni mingming, hinahanap ko kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon, pero wala talaga akong makita kundi kadiliman.

"Reina! Gising!"

Tuluyan akong nagising, napatayo ako saka hinabol ang sariling hininga. Napahawak ako sa magkabila kong tuhod, saka mahinang napamura.

Panaginip. Panaginip lang.

"Reina, a-ayos ka lang ba?" Napatingala ako, saka ko nakita si Craig. Nag-aalala ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon