Chapter 16

7 4 7
                                    

REINA

"Nandiyan ho ba si Rodolpho?" tanong ko sa isang matangkad na lalaki na nakasandal sa pader.

"Um, nasa loob, pasok ka." Ngumiti siya sa akin, kaya naman ay bahagyang nawala ang mga mata niya. Hm, mukhang japanese ata ang isang 'to ah?

"Salamat."

Papasok na sana ako nang bigla akong kalabitin ng lalaki.

"Kaibigan ka ba ni Rodolf? Anong pangalan mo?"

"Ah, oo, tropa kami, magkaklase rin. Reina ang pangalan ko, ikaw?"

Tipid siyang ngumiti. "Valorant."

"Nice to meet you, sige pasok na ako, salamat tol,"

Agad rin akong pumasok sa loob. Ang linis at ang laki. Kahit ilang beses na akong nakapasok sa bahay nila ay hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko. Kahit ang dugyot ng pangalan ni Rodolpho ay bumawi naman sa bahay nila.

Napakamot ako ng ulo. Nakalimutan ko palang itanong kung nasaan si Rodolpho doon kay Valorant. Tsk. Ang hirap kayang hagilapin ng gagong 'yon, kung saan-saan pa nga 'yon nagsusuot.

Dose anyos na kami pareho, at sa klase pareho naming nakahiligan ang music, lagi rin kaming nagkakasama dahil nag-pa-practice kami ng gitara kahit ang totoo ay magaling na kami doon. But, well, we love to play guitar.

"Watching the video that you sent me. The one where you're showering with wet hair dripping. You know that I'm obsessed with your body. But it's the way you smile that does it for me..."

Natigilan ako nang may marinig na boses na kumakanta. Nilibot ko ang paningin ko, saka iyon dumapo sa isang kwartong hindi ko pa napapasukan kahit kailan. Madalas kasi akong nasa music room nila Rodolf kaya hindi ko nalilibot ang kabuohan ng bahay nila pati ang ibang room dahil baka pagalitan pa ako.

Pero, alam kong, hindi si Rodolf ang kumakanta ngayon, I know his voice, parang effortless na bass. Malalim at matigas pero masarap sa tenga, at itong kumakanta ngayon? Malamya at the same time, malamig. Definitely not him. Tsk.

"It's so sweet, knowing that you love me. Though we don't need to say it to each other, sweet. Knowing that I love you, and running my fingers through your hair. It's so sweet..."

Nakagat ko ang sariling labi. He's good. He's fucking good at singing. Nang makalapit na ako sa pintuan ay dahan-dahan ko iyong binuksan. Dumungaw ang ulo ko sa siwang ng pintuan at doon ko nakita ang isang lalaking nakatalikod sa akin.

Bahagya niyang tinigil ang pag-i-strum ng gitara, dahil siguro narinig niya ang pag-bukas ng pinto.

"Has mom arrived yet?"

Napakurap ako nang bigla siyang tumayo saka lumingon. Ang kaninang bored na mukha ay biglang nalukot nang makita niya ako.

"Who are you?" Bumalik sa walang buhay ang mukha niya saka niya nilapag ang gitara sa kama.

"Rodolpho's girlfriend maybe?" Nang-aasar niyang ani sa akin. Ngumiwi na lang ako saka ako tuluyang pumasok sa loob. Sinara ko naman ang pinto at nakangusong tinitigan siya.

"Whoa, are you gonna fuck me or what? Bakit mo sinara ang pinto?" Maang na tanong niya sa akin.

Gusto ko sanang tumawa dahil ang lutong ng pagkasabi niya ng fuck pero hindi ito ang tamang oras para sa ganong bagay.

Napakamot na lang ako sa pisnge ko saka ko tinuro ang gitara sa kama. "That thing, I want to borrow that."

"This guitar? Marunong kang mag-guitar?"

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon