Chapter 10

8 5 0
                                    

REINA

"Sabihin mo nga, may sira ba sa utak 'yong mama mo ha?" Singhal ko kay Craig. Pati siya ay hindi rin makatingin sa akin ng diretso dahil siguro nahihiya siya sa mga pinagsasabi ng mama niya.

"Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya kung magsalita." ngiwing sambit niya. "Hindi ko rin alam kung bakit bigla-biglang nababago ang mood niya."

Umupo na lang ako saka ko sinandal ang ulo ko. Hindi ko inakalang ganoon pala ang mama niya, kung para sa iba normal lang 'yon, para sa akin hindi. Kung paano nagbago ang reaksyon at mukha niya kanina ay parang.. kakaiba.

O baka nagpapraning lang ako.

"Knock knock!" Napaayos ako ng upo nang biglang may kumatok sa pintuan, hindi naman 'yon nakalock kaya hindi na ako nagtaka nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang isang lalaking matangkad. Sa tingin ko ay 6 footer ata.

"Tito," tumayo si Craig.

"Where is your mother?" Mariin akong napalunok nang biglang magtagpo ang mga mata namin.

"Ah, lumabas siya tito."

"At sino itong kasama mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko kay Craig. "Para siyang natatakot, parang alam ko na ang ginawa ng mama mo sa kaniya." Tumawa siya ng mahina.

"Hello there, young lady!" Kinaway niya ng bahagya ang kamay niya saka ako nginitian.

Ngumiti ako. "Hello po."

Sa isang tingin mo palang sa kaniya ay malalaman mo na talagang may lahi siyang Japanese, at ang cute ng accent niya. Pero si Craig, hmm, mas lumamang ang dugong pinoy niya, siguro ay pinoy 'yong papa niya, at japanese naman ang mama niya.

Hindi ako fan ng Japan pero alam ko ang mga itsura nila.

"Sige na, i gotta go, kakausapin ko lang ang mama mo, saka, tawagan mo ako agad kapag nagising na si pamangks ha?"

"Sige tito,"

Muli niyang binuksan ang pinto saka siya lumabas. Ah, hindi siya nakakaintimidate, mukha siyang sociable, at mabait. Ibang-iba sa mama ni Craig.

"Uy," tawag ko kay Craig na abalang maglaro ng robbery bob, naririnig ko kasi ang boses no'ng matandang may dala-dalang dospordos.

Napaangat ang ulo niya.

"Anong pangalan nila?"

Napakamot siya ng ulo. "Nawala sa isip kong ipakilala sila sa'yo,"

"Rina, ang pangalan ni mama, at Jeremy naman ang pangalan ni tito, pareho silang may lahing hapon, pero dito rin sila sa Pilipinas pinanganak."

Napatango ako. Kung gano'n tama ako.

"May dugong hapon ka rin kung gano'n?" tanong ko.

"Oo, kaming dalawa ng kapatid ko, pero hindi pa kami nakapunta sa Japan, hindi na bumalik doon si mama simula no'ng pinanganak niya kami."

"So, hindi mo pa nakita ang lola at lolo mo?" Gulat na tanong ko ulit.

Tumango siya. "Wala akong ideya kung bakit hindi sinasabi sa akin ni mama ang tungkol sa isyu na 'yon. Pati rin ang papa namin ay hindi pa namin nakita ni isang beses."

"Eh ang tito mo? Nakita niya na ba?"

Umiling siya. "Walang sinasabi si tito na may kinalaman kay mama at sa pamilya nila. Nakatikom lang ang bibig niya. At hindi ko naman pwedeng pilitin siya sa hindi niya gusto, masyadong pribado si tito."

"Saka.." ngiwing sambit niya. "Hindi ko na rin gugustuhing makilala ang papa ko, wala akong maramdamang galit sa kaniya, pero ayos na ako na wala siya." Huminga siya ng malalim.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon