REINA
"Hindi ka pa rin ba uuwi? Alas siyete na ng gabi Craig, pinapaalala ko lang," asar na asik ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin. Ang walangya nakikipagharutan pa rin kay mingming na walang nang ginawa kundi ang ngumiyaw na parang humahagikhik pa yata dahil sa kiliti.
"Hoy, tigilan mo nga 'yan! Umuwi ka na sa inyo!"
Natigilan naman ako nang bigla niya akong tiningala habang nakalupagi pa rin sa sahig. Ngumiti siya saka agad tumayo at nagpagpag.
"Dito ako matutulog, angal ka?"
Napahilot ako sa sentido ko.
"Bahala ka sa buhay mo, tabi!" Tinabig ko siya palayo sa akin saka ako nagpapadyak papunta sa taas. Narinig ko naman ang tawa niya sa baba pero ayaw ko na siyang lingunin pa dahil baka hindi na ako magdadalawang-isip at tadyakan ko siya sa sikmura.
Pumasok na ako sa sarili kong kwarto. Hinayaan ko na lang rin na nakapatay ang ilaw dahil mas gusto ko pa ngayon ang madilim dahil bored ako.
Napaigtad ako nang bigla na lang may tumunog. 'Yon pala ay cellphone kong nasa drawer. Tsk. Matagal ko na ring hindi nagagamit itong cellphone ko dahil hindi naman ako mahilig sa social media. Ginagamit ko lang 'to para sa komunikasyon namin ni ate...na hindi ko na alam kung nasaan ngayon. Basta ang alam ko, may trabaho siya pero hindi ko alam kung saan.
Napabuntong-hininga ako nang malamang si ate nga ang tumatawag. Isang buwan na rin ang lumipas at ngayon na lang siya ulit tumawag sa akin. Ewan ko ba sa kaniya, kagaya ko ay hindi rin niya nakihiligang gumamit ng cellphone.
Sinagot ko ang tawag.
"Hey, stupid!" Bati niya sa akin saka siya malakas na tumawa.
"Abnoy. Bakit ka napatawag?"
Umupo ako sa kama ko saka ko hinarap ang bintana. Hinawi ko rin ang kurtina kaya may maliit na liwanag na nakapasok sa loob.
"Duh? Kailangan ba may rason para tumawag sa'yo?"
"Yep, hindi mo naman ako tinatawagan pag hindi importante, kilala kita ate."
Matunog siyang napangisi. "Kilala mo nga ako. By the way, malapit na birthday mo ah? I just want to ask you kung anong gusto mo?"
Natahimik ako. Ngayon ko lang rin naalalang ang birthday ko. Hindi talaga dumapo kahit kailan sa isip ko ang araw ng kaarawan ko. Madalas si ate lang ang nagpapaalala sa akin. Honestly, wala akong pakialam doon. Mag-de-dese nwebe na rin ako, pero wala akong mahagilap na bagay para kahit kunti naman ay maging masaya ako sa birthday ko.
"Wala akong gusto ate."
"I know, ganyan rin ang sagot mo sa akin noon, pero bibisitahin rin naman kita diyan, bakasyon-bakasyon lang, nakakabagot rin kasing mag-isa rito sa apartment,"
Napangiti ako. "I'll take that as a gift, anyway."
"Hmm, kita na lang tayo sa 21 tol."
"Aasahan ko 'yan ate."
"Sige na, tsk may pupuntahan pa ako ngayon, bye!"
Pinatay na niya ang linya kaya naman binitawan ko na ang cellphone saka ako humilata sa kama. Malaking palaisipan rin sa akin ang mga ginagawa ni ate. Hindi ko talaga alam kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon? Kung anong trabaho niya at kung nasaan siya ngayon?
Ang sabi niya ay nasa Metro Manila lang siya, kung tutuusin puwede ko siyang mapuntahan kahit anong oras pero ang problema, hindi niya sinasabi sa akin kung saan ang eksaktong lugar.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang bumukod sa akin. Tsk. Ang laki rin ng pera na pinapadala niya. At ang ibang pera naman na hindi ko naman na kailangan ay nasa bank account ko, wini-withdraw ko lang iyon kapag nangangailangan na talaga ako.
Malaki ang utang na loob ko kay ate. Dahil kung wala siya ay hindi ko talaga kakayaning mag-isa lalo na at may sakit akong potangina.
Huminga na lang ako ng malalim saka ko sinara ang kurtina kaya't bumalik na naman sa madilim ang kwarto ko.
***
Salubong ang kilay kong nilapitan si Craig. Natutulog siya sa sala habang ang pusa naman ay nakapatong sa tiyan niya. Hindi man lang siya kumuha ng tela o damit man lang para pang-kumot? Right, walang makikitang gano'n rito dahil nasa taas iyon. Pero bakit hindi man lang niya ako sinabihan?
Ngiwing bumalik na lang ako sa taas para kunin ang kumot ko, gagamitin ko na lang pang-kumot iyong bed sheet ko. Nang makabalik ako sa baba ay agad ko siyang kinumutan.
Mahina ko siyang dinuro sa noo. "You're an idiot, tsk."
Tinitigan ko muna ang mukha niya at hindi ko mapagkakailang ang ganda ng lahi nila. Mula sa mga kilay niya pababa sa mga labi niya ay ang ganda ng pagkahulma. Lumayo na ako sa kaniya pagkatapos ko siyang purihin. Duh, mas maganda pa rin ang lahi ko. Fuck him.
Sabay kaming dalawa ni Craig pumasok sa school kinabukasan. Kagaya ng inasahan ko ay sa parking lot pa lang ay sari-saring mata na ang nakatingin sa amin, karamihan sa kanila ay mga kaklase namin. Alam kong iba na naman ang mga iniisip nila sa aming dalawa. Well, they all wrong.
Nakisabay lang naman ako kay Craig. Ang kapal naman siguro niyang makitulog sa apartment at hindi man lang niya ako isasabay?
And for the second time. Nakita ko ulit ang bahay na tinutuluyan niya ngayon. Kung tutuusin hindi siya ganon kalakihan pero maganda at malinis. Hindi nga halatang lalaki ang nakatira doon dahil ang linis talaga.
Umalis rin naman kaagad kami doon, pagkatapos niyang maligo at magbihis ng uniporme.
"Naks! Anong eksena 'yan mga tih? Sabay pasok genern?" Biglang sumulpot sa kung saan si Nomi. Kasama naman niya si Marybeth na tipid lang na nakangiti sa aming dalawa ni Craig.
"Ang baboy mo, alam mo ba 'yon? Nakisabay lang ako sa kaniya." Umirap ako saka ko sinukbit ang bag ko.
"Defensive mo, tse! Tara na nga Marybeth, hayaan muna natin ang dalawa baka may pag-uusapan pa." Pareho silang napahagikhik. Inilingan ko na lang saka ko nilinga si Craig na abala pa rin sa pag-ayos ng necktie niya.
"Akin na!" Singhal ko saka ko hinila ang necktie niya para ayusin. Dese otso na pero di pa rin marunong mag-ayos ng necktie. Pwe!
"Ang bayolente mo talaga kahit kailan!"
"Pumirme ka nga! Sakalin kita diyan eh." Kagaya ng sinabi ko ay umayos nga siya at nanahimik na. Mabuti naman. Nakakarindi kaya ang mga reklamo niya.
Nang matapos na ako ay nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa room ay nasa amin pa rin ang tingin ng mga kaklase namin. Hinayaan ko na lang silang gawin iyon.
"Pareho kayong absent kahapon, tapos ngayon sabay kayong dalawa pumasok? Ang totoo? Nagde-date ba kayong dalawa o ano?" Pang-aasar sa amin ni Mayeng.
Matunog akong napangisi. Ang totoo ay wala ako sa mood para sakyan ang mga asar nila at hindi ko rin alam kung bakit basta naaasar ako.
"It's not your business anymore, Mayeng. Even if we fuck right infront of you, that. is. not. your. business. anymore. Entiendes?"
"Whoa, whoa! What the heck! Ang init ng ulo mo ngayon Reina ah?" Tawa-tawang komento naman ni Kolas saka sila nagtawanan ni Mayeng.
"Hoy, Craig, may ginawa ka bang kalokohan kaya nagkaganyan si Reina ha?" rinig kong tanong ni Jacob sa likod.
"W-wala 'no, inaasar n'yo kasi kaya ganyan." Sagot naman ni Craig. Huminga ako ng malalim. Kasabay naman no'n ay ang pagpasok ni Nomi at Marybeth. May hawak-hawak pa silang pagkain at alam ko na agad ma pumunta pa silang cafeteria para bumili.
"Oh mga gago, pagkain! Libre ko na!" Hiyaw naman ni Nomi, ang sunod na nangyari ay nag-aagawan na sila. Pati si Craig ay nakisali na rin sa kanila kaya literal na naging zoo na ang classroom dahil sa ingay. At ako? Mas lalo lang ako naiirita.
Tumayo ako dahil hindi na talaga kaya ng tenga ko ang ingay nila pero bago pa ako makalabas ay bigla na lang may sumigaw.
"Reina! Gaga, may tagos ka!"
***
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...