Chapter 19

10 3 0
                                    

*****

REINA

"Akala ko ba sa 21 pa ang uwi mo? October 19 pa ngayon ah?" takang tanong ko kay ate na abala pa rin sa pakikipaglaro kay mingming sa lapag.

"Ah, iyon ba? Wala, bored ako eh."

Tinitigan ko siya mula sa pwesto ko. Posible bang mapansin na nagsisinungaling lang siya? Ah ewan. Mula sa bulsa ng short ko ay kinuha ko ang cellphone ko at saka ko pasimpleng kinuhanan ng litrato ang dalawa.

"Ang tino ng sagot mo." saad ko. Saka ko ibinalik sa bulsa ko ang cellphone.

"Maganda kasi ako."

Hinayaan ko na lang siyang magbuhat ng sariling bangko, saka ako tumayo at lumakad papunta sa kusina kung nasaan si Craig.

Nang makapasok ako ay nakita ko siyang naghihiwa ng karne. Tinitigan ko ang mukha niya. Tss, kahit saang anggulo ay ang perpekto ng mukha ng punyeta. Wala akong mapuna.

Sayang.

Napakamot ako. "Tulungan na kita diyan."

Napalingon siya sa akin. Iyong mga mata niya ay bahagyang nanlaki. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil para siyang tanga. Lumapit ako sa kaniya at saka ko inagaw ang kutsilyong hawak niya.

"Nakakagulat ba ang kagandahan ko?" Pang-aasar ko sa kaniya. Nanatili lang siyang tahimik kaya ibinalin ko na lang sa paghihiwa ang atensyon ko.

"Wag mo 'kong titigan."

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, nang bigla siyang magsalita.

"Ahm, birthday mo na pala sa 21? Bakit hindi mo sinabi?"

"Nakalimutan ko eh." Tinago ko ang lungkot sa boses ko saka ko siya tiningnan. "Ngayon alam mo na, kaya 'wag ka ng mag-inarte diyan."

Sumimangot siya. "Hindi ako nag-iinarte."

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko. "Halikan kita diyan eh."

Agad siyang umiwas ng tingin sa akin, gusot-gusot ang mukha niya. Gusto ko sana siyang tawanan pero ewan at wala ako sa mood ngayon para doon.

Kinalabit ko siya. "Anong regalo mo sa akin?"

Napakibit-balikat siya. "It's a secret. But don't worry, alam kong magugustuhan mo ang regalo ko." aniya na puno ng confident sa sarili.

Ah, yeah, whatever.

Ilang minuto din kaming nasa loob lang ng kusina at nagluluto--well siya lang pala ang nagluluto dahil ang tanging ginagawa ko lang ay ang maghalo at maglagay ng mga kung anong anek-anek doon sa kaldero.

Hanggang sa matapos kami ay sabay-sabay na rin kaming kumain. At kagaya nga ng inasahan ko ay ang daming tanong ni ate sa aming dalawa. Pinagliban lang ata niya iyon kanina dahil gusto niya munang unahin ang panonood ng telebesyon at pakikipaglaro kay mingming.

Nanatili lang akong tahimik at hinahayaang si Craig ang sumagot sa mga tanong ni ate. Nakakatamad mag-explain sa kaniya, lalo na at iba ang pinapahiwatig ng mga mata niyang nakatingin sa aming dalawa.

Bahala siya kung anong isipin niya.

And now, nasa loob na ako ng kwarto at nakatunganga na naman sa kisame. Kanina pa nakaalis si Craig, matapos naming kumain ay nagpaalam na siya sa aming dalawa ni ate.

Mukha ring nahihiya siya kay ate, dahil hindi siya makatingin ng diretso sa kaniya. Nahihiya ba siya dahil nalaman ni ate na nakikitulog siya sa apartment ko? Duh, ang tagal na niyang mag-labas-pasok rito sa apartment ko at ngayon lang siya mahihiya?

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon