Chapter 6

7 4 0
                                    

CRAIG

"I-welcome naman natin ang bago nating kaklase guys! Mag-party tayo!" Bida ni Nomi sa harap. Kakaalis lang din ng Prof at saktong pauwi na kaming lahat.

Ganyan talaga si Nomi, siya halos ang nag-aaya sa amin kapag may bagong kaklase, kagaya na lang no'ng first day pa lang rito ni Reina, nga lang hindi 'yon natuloy kasi wala siya sa mood no'n. Parang siyang galit sa mundo.

"Naku, Nomi, pass muna ako diyan, alam mo namang malapit na ang test natin para sa 3rd grading." Aniya Marybeth.

"Hayp, grabe naman 'yan, isang gabi lang naman eh, saka 'di pa naman bukas ang test natin. Marami pang mga araw para mag-review ka."

Napakamot na lang si Marybeth ng ulo saka napatango na lang. "Oh sige sige na, kailan ba ako nanalo pagdating sa'yo?" Sukong sabi niya.

"Yon oh! Ano, g ba kayong lahat?"

"Wala kaming kawala sa'yo kaya go!" Tili naman ni Tonya.

"Iba talaga kayong mga babae oh." Tumatawang anas naman ni Jacob at nakipag-apir pa siya kay Kolas.

"Hoy." Nabaling ang atensyon namin kay Reina nang bigla siyang magsalita. Bored lang siyang nakatingin sa amin. "Bago kayo mag-saya, tanungin n'yo muna kung sasama rin ba 'yang gagong 'yan." Sinulyapan niya si Keryan.

Napaismid lang ako saka ako napasubsob sa desk ko. Bakit ba nangingialam siya? Sasama ba siya?

"Ay oo nga, gaga ka talaga Nomi!" Natatawa namang saad ni Marybeth.

"Sorry naman 'no, parang excited lang eh, ano Keryan? Sama ka? Dali na!"

Napakamot lang siya sa batok niya. "I don't know."

"Hoy, 'wag ka namang ganyan teh, para ka namang others eh."

"Dali na, pag di ka sumama, pagsisisihan mo." Banta sa kaniya ni Nomi.

Napabuntong hininga na lang si Keryan. "Fine, basta ba sasama 'yang babaeng nasa unahan."

"Ha? Si Reina ba?"

"Oy, Reina, sama ka?"

"Sama na hoy!"

Napahikab lang si Reina habang nakatingin kay Keryan. "Ba't nakadepende sa akin ang desisyon mo? Pake ko sa'yo. Ayaw kong sumama."

"Grabeee!" Tili ni Tonya.

"Wala kang puso, Reina!"

"Reina, please sama ka na, kahit matulog ka lang buong magdamag doon basta sumama ka lang!"

Napakislot naman ako nang bigla akong sulyapan ni Reina. Nakataas ang sulok ng labi niya. "Ikaw Craig sama ka?"

Napakurap ako. Tinatanong niya ba ako?

"A-ah.."

"Ungol ba 'yan? Mag-haharder na ba ako?" Nawindang ako nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas kaya napapahiya akong napasubsob sa upuan.

"Mukhang sasama naman siya, kaya sige sama na ako." Dagdag niya kaya nagsihiyawan ang mga kaklase ko, habang ako naman ay tahimik lang na nakasubsob sa upuan. Fuck.

***

"Magkwento ka naman tungkol sa'yo, Keryan." Nakangiting suhestiyon ni Marybeth sa kaniya. Nakaupo kaming lahat sa mahabang couch. Kagaya ng dati ay nandirito pa rin kami sa bar ni Kolas. Syempre, hindi na 'to libre ngayon.

"Ay tama, magkwento ka naman, Keryan.." tatango-tangong sang-ayon ni Tonya.

"I don't know where to start."

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon