Chapter 20

8 3 0
                                    

*****

REINA

Lunes.

Inasahan ko nang sasalubungin ako ng mga kaklase ko para batiin. October 21 na ngayon, and obviously, birthday ko na. At hindi ako masaya. Basta hindi ako natutuwa.

Alam iyon ni ate. Kaya talaga ayaw na ayaw kong regaluhan ng kung ano-ano dahil imbis matutuwa ako ay maiiyak na lang ako ng walang dahilan. Walang makakapagpakalma sa akin kundi sarili ko lang rin.

"Yow!" Binati ako ni Craig habang ngiting-ngiti pa rin sa akin. Labasan ang mga mapuputi niyang ngipin. Mas lalo tuloy siyang pumogi.

Napasimangot ako.

"Anyare sayo, at high na high ka ata ngayon?"

Humalakhak siya saka ako inakbayan. "Kailangan ba talaga may rason? But yeah, birthday mo ngayon eh," Inirapan niya ako na parang pinaparating sa aking ang bobo ko.

"Tse! Kung makaakbay ka ay parang close tayo 'no? Alis nga."

Hindi niya ako binitawan. Ayos lang namang akbayan niya ako pero iyong mga tinginan kasi ng mga kaklase ko ay parang nanonood lang sila ng eksena sa telebesyon, may halong pang-aasar. Ewan.

"Ang sungit mo talaga."

Sa wakas binitawan na niya ako.

"Mga moves mo talaga, Craig, unpredictable!" Tawa-tawang lumapit sa amin si Mayeng. May hawak na naman siyang kartolina. Well, kasiyahan niyang mang-hampas ng kartolina sa pwet eh. Sino ba naman ako para sitahin siya?

"Mga yawa talaga, minsan nagtataka na ako diyan kay Craig eh." Pang-aasar ni Sean.

Ngumisi ako, saka ko nilinga si Craig na ngisi-ngisi lang ding umiwas ng tingin.

"Asus, nagtaka ka pa eh matagal na naman akong gusto niyan."

"Hindi tumanggi si Francisco oh!" Tumatawang asar ni Nomi.

Napailing na lang ako nang magtawanan silang lahat. At si Craig? Ewan ko ba diyan at ang lakas ng sayad ngayon. Parang hindi ata tinablan ng pang-aasar dahil parang wala lang sa kaniya iyon. Chill na chill lang siyang nakaupo sa isa pang upuan malapit sa akin.

Parang bumalik ata iyong side niya no'ng kabataan pa niya. 'Yong medyo maloko pero may pagkamasungit ang awra. Ganon! Pero hindi ko maitatangging ang gwapo niya sa kahit anong aspeto.

Bumuga ako ng hangin.

Muli akong napatingin kay Craig at sakto namang nilingon niya rin ako. Tipid siyang ngumiti sa akin na siyang sinuklian ko naman.

Ang huling narinig ko na lang ay ang pagbati niya sa akin hanggang sa magdilim na talaga ang paningin ko.

***

"Anong gusto mo sa birthday mo, Reina?" tanong sa akin ni mama. Nakangiti siya sa akin, pero iyong mga mata niya.. hindi umabot doon ang ngiti niya.

"W-wala po ma."

Huminga siya ng malalim. "Kahit wala kang gusto ay lulutuan kita ng paborito mo. Pupunta rin tayo sa ama mo para bisitahin siya, ayos ba?"

Maliit akong ngumiti saka ko siya niyakap.

"Ma!" Pareho kaming napalingon sa pintuan. Nandoon si ate, pero mukha siyang badtrip.

"Umutang ka na naman ba ma? Pinag-tsitsimismisan na tayo ng mga kapitbahay!"

Nagulat ako nang bigla na lang siyang umiyak. "Wag ka na kasing mangutang! Ako ang nasasaktan para sa'yo eh! Nilalayuan na tayo ng mga tao ma!"

Tumayo si mama saka niya nilapitan si ate.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon