Chapter 15

8 4 0
                                    

REINA

Nagising ako sa pamilyar na kwarto, amoy na amoy ko rin ang mabangong alcohol na lumulukob sa buong kwarto. Mariin akong napapikit muli. I knew it. Nasa clinic na naman ako.

Naalala ko ulit ang nangyari kanina, at hindi ko alam kung saan doon ang totoo. Hanggang ngayon ay presko pa rin sa isip ko ang pagkanta ni Craig sa entablado, pati ang mukhang niyang blanko, nasa isip ko pa rin iyon. At si ate? Ewan ko. Hindi ko na alam.

Tumitig ako sa kisame saka ako bumuga ng hangin saka ko naman inilibot ang paningin. Mag-isa lang ako. Pero may mga pagkain namang nakalapag sa table malapit sa akin. Alam kong galing sa mga kaklase ko iyon. Pero.. wala talaga akong ganang ngumuya ngayon ng libreng pagkain dahil gulong-gulo pa rin ako.

I mean, sino bang hindi maguguluhan? Hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon lahat, pero parang hindi talaga eh, kasi naririnig ko ang kanta ni Craig, at ramdam ko naman ang pagyakap ko kay ate, lahat ng 'yon, ay parang totoo.

"Nasisiraan na ba talaga ako?" bulong ko.

Natigilan naman ako nang biglang bumukas ang pinto. Agad rin akong napakagat ng labi nang makita si Craig. Gulat naman niya akong tiningnan saka niya biglang binitawan ang supot na dala-dala niya saka niya ako biglang dinamba ng yakap na siyang kinagulat ko.

"R-reina.."

Nangunot ang noo ko nang marinig ang mahina niyang pag-iyak. What the fuck is that?

"A-aah, nagbabato ka ba?" mahina pero nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Mahina lang siyang natawa saka na naman siya umiyak. Anak ng..

"Hindi pa ako mamamatay, abnoy!" Mahina ko siyang tinabig palayo sa akin. Nakasimangot naman siyang nagpunas ng luha.

"Ang sama mo,"

"Gago, ikaw kaya dambahin ko ng yakap, hindi ka ba mawe-weirduhan? Ang sakit kaya ng dibdib ko, inipit mo!" Asar na asik ko sa kaniya.

Sumimangot lang siya saka niya ulit ako nilapitan at...niyakap.

"H-hoy!"

"Wag ka ngang malikot! Gusto kitang mayakap ngayon!" Singhal niya sa tungki ng tenga ko kaya bahagya akong napangiwi.

"Tsansing na 'yan gago!"

Hindi siya sumagot, at siya na rin mismo ang bumitaw sa akin. Napataas naman ang kilay ko nang makitang nakangiti na siya. Kakamot-kamot rin siya ng ulo na kinuha ang mga binitawan niyang supot doon sa pintuan.

Hanggang sa maupo siya sa tabi ko ay nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. I mean, hinahanap ko sa mukha niya iyong nakita ko doon sa...panaginip ko. Ibang-iba sila.

"Craig.."

"Hmm?"

"Kumakanta ka di ba?"

Natigilan siya sa tanong ko pero agad rin namang tumango. "Hehe, slight lang, hindi na ako kumakanta ngayon eh,"

So, panaginip lang talaga 'yon? O baka hallucination?

Sumandal na lang ako sa board ng kama saka ko bahagyang nilaro ang mga kamay ko. Pangalawang beses na ring nangyari 'to. Pero hindi ganito kalala. Hindi ko naman talaga alam na kumakanta si Craig, kaya nakakapagtakang nasa panaginip ko siya at kumakanta sa entablado. It's weird for me... yet creepy.

"Why did you ask?"

"Hmm, wala lang."

Ngumiti lang ako sa kaniya ng tipid at muli akong humiga sa kama. Hinayaan ko na lang rin siya sa tabi ko. Nakapatong naman ang mga braso niya sa kama at alam kong nakatitig na naman siya sa maganda kong mukha. But whatever, gawin niya ang gusto niya, kung ikakasaya ba naman niya akong titigan araw-araw.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon