Chapter 11

11 5 0
                                    

CRAIG

"Hoy!" Muntikan na akong mapatalon nang bigla na lang may malamig na bagay dumampi sa braso ko, lumingon ako kay Reina, ngisi-ngisi siyang umupo sa tabi ko. Mogo mogo pala ang dinampi niya sa akin.

Mukha ata siyang good mood ah?

"Para sa akin ba 'yan?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

Nanlumo lang ako nang itaas lang niya sa akin ang middle finger niya saka malakas na tumawa.

"Ang swerte mo naman ata boi pag ibibigay ko ito ng libre sa'yo? Ako ang lumabas papuntang cafeteria at possible pang makatulog ako sa hagdanan, baka nategi na ako kung sakali!" Umangat ang sulok ng labi niya.

"Bumili ka ng sa'yo, bitch."

Napasimangot ako. "Patikim lang."

"Kiss mo muna ako, dali dito ka." Bahagya niyang nginuso ang labi niya.

"Hoy gaga, lantod mo!" Mahina siyang tinulak ni Teri, at tumawa lang naman ang gaga na parang nag-eenjoy pa yatang asarin ako. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Di mo kasi ako hinintay eh."

"Bakit naman kita hihintayin? Ano ka gold? 'Lika na kasi rito, kiss mo 'ko."

"Tigil mo nga 'yan!"

"Parang kiss lang eh!"

"Baliw ka na ba? Para ka lang nanghihingi ng simpleng bagay ah?" Salubong ang kilay kong saad.

Tawa-tawa naman niya akong nilapitan, saka niya dinampi ang labi niya sa pisnge ko. "Parang nagbibiro lang eh, cute mo."

"A-ano ba!?" Angil ko.

Baliw na talaga ang babaeng 'to. Maayos pa naman 'yan kanina ah?

Napapahiya akong napalayo sa kaniya. Naririnig ko na rin ang mga asar ng mga kaklase ko, nangunguna doon si Kolas na siyang may mas malakas na boses.

"Tingnan n'yo si Craig oh, namumula ang mukha, parang ngayon lang ata nahalikan sa pisnge amputa.." tawa-tawa namang anas ni Mayo na nakaupo sa teacher's table.

"Ay sus, arte nito, naalala ko pa nga no'ng christmas party natin, hinalikan rin kita sa pisnge no'n kasi niregaluhan mo ako ng wrist watch.." sabat naman ni Mayeng.

Napabuga ako ng hangin.

"Hindi ka nga nagreklamo no'n eh, kasi wala lang 'yon sa'yo, kaya ngayong si Reina na ang humalik sayo, hmm, boi, parang may something ah?" Ngumisi siya, at bahagya rin niyang nilalaro ang kartolina sa kamay niya saka niya iyon pinalo sa pwet ni Kolas na tawa-tawa lang namang humiyaw.

"Yup, nakita ko rin 'yon." ani kolas.

"E-ewan ko sa inyo!" Bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Hinayaan ko na lang silang asarin ako, at ako naman ay tahimik lang na napasubsob sa upuan.

Naramdaman ko namang may dumampi ulit na malamig na bagay sa kamay ko kaya napatingala ako.

"Sa'yo na 'yan, baka kasi umiyak ka. Bakla."

Inirapan ko lang siya saka ko kinuha mula sa kamay niya ang mugo mugo, natigilan pa ako nang may hinugot siya mula sa bulsa ng palda niya saka niya rin yon inabot sa akin.

"Oh, marsmallow."

'Di ko 'yon kinuha kaya napabuntong hininga siya. Pinantayan niya ako. Akala ko kung ano na naman ang gagawin niya pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong duruin sa noo.

"Napakaarte ng budhi mo alam mo 'yon? Kunin mo na, bago pa magbago ang isip ko, at bawiin ko pa 'yang mugo mugo sa'yo."

"Napakasama ng ugali mo!"" Inis na sambit ko.

Napasimangot ako nang bigla na naman niyang nilapit sa tainga ko ang bibig niya saka siya bumulong.

"Since birth pa, tanga."

Bumuga ako ng hininga.

"Tigil-tigilan mo ngang bumulong sa tenga--h-hoy!" Mariin akong napapikit nang marinig ang hilik niya. I knew it. Nakatulog na naman siya.

"Anyare teh? Bakit.. naka-ano 'yan sa balikat mo?" Tanong ni Nomi na kakapasok lang.

"Nakatulog." Ngiwing sambit ko. Bahagya ko namang niyakap si Reina para alalayan siyang maupo sa tabi ko.

"Minsan talaga mag-aalala ka na lang sa kalagayan ni Reina, madalas na siyang tulog eh, kahapon nga, no'ng di ka pa nakakarating eh, nakatulog 'yan sa desk niya at hindi na nagigising kahit anong gawin naming tapik sa kaniya." kwento niya sa akin.

Tumango naman si Teri. "Sa true lang, nagising lang siya kahapon kasi ginising siya ni Keryan eh. Nagtataka na rin kasi 'yon kung bakit raw laging nakakatulog si Reina, ayon pinaliwanag namin."

"Speaking of Keryan, nandito na siya." ani Nomi na nakadungaw sa labas ng pintuan.

"Hi bebe Keryan, nasaan si Tonya?" Malanding lumingkis sa kaniya si Nomi.

"Ha? Hindi ko alam eh."

"Tangina talagang babaeng 'yon." Tawa-tawa niyang binitawan ang braso ni Keryan. Napatingin naman ako sa dala-dala niyang tray ng pagkain, mukhang kakagaling lang niya sa cafeteria.

"Nakita ko nga pala sila Jacob at Marybeth sa Cafeteria, mukhang may seryoso silang pinag-uusapan, tatabi sana ako sa kanila pero hindi nila ako napansing dumating, ano bang meron sa kanila?"

"Ay, naku brad, mukha lang okay ang dalawang 'yon pero may sikreto ang mga 'yon." Aniya Kolas.

"Sikreto?"

"Hmm," tatango-tango niyang hinawakan ang kartolinang tatama na sana sa pwet niya. "Sikretong alam naman naming lahat." Humalakhak siya.

"A-ano bang sikreto nila?" tanong naman ni Keryan.

"Ah, girlfriend ni Jacob si Marybeth, actually, secret girlfriend, saka... kasal na si Marybeth sa iba, sa hindi niya naman mahal, pero hindi kabit si pareng Jacob, kasi bago pa ikasal si Marybeth sa iba eh, mag-on na ang dalawa."

Napakibit-balikat ako. Alam iyon ng lahat, alam iyon ng mga kaklase ko.

"E-eh hindi ba, komplikado 'yon? Bakit hindi na lang siya makipaghiwalay sa asawa niya?"

"Mahirap pre, lalo na at takot si Marybeth sa tatay niyang may-ari ng kompanya, 'yang Eruna Company diyan sa labas? Sa kanila 'yon. Pinilit kasi siya ng tatay niya, ang rason, ay dahil gusto niya na daw magkaroon ng apo.. tarantadong rason di ba? Iba na talaga ang mayayaman ngayon, anak nila ang nahihirapan." Iling-iling naman na saad ni Kolas saka niya hinataw ng kartolina si Mayeng.

"Aray!"

Bumuga na lang ako ng hangin. Right. May kaniya-kaniya ngang problema ang mga tao. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, para matulog.

***

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon