REINA
Napamaang ako.
"Gago ka ba?" Asar na singhal ko sa kaniya.
Ngumisi lang siya, at alam kong natutuwa siya sa reaksyon ko, at dahil sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang binti niyang payat pero tinawanan lang niya ako. Naaasar ako sa katotohanang kinakaya-kaya lang niya ako, but nah, he will never win.
"Ang lakas mong mang-asar tapos ngayon naninipa ka ng binti?" He chuckled.
Sinamaan ko siya ng tingin, saka ko siya mahinang tinulak sa balikat.
"Angas mo ah?" Asik ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya ng tipid, isa pa niyang ngiti diyan, tutusukin ko na talaga iyang mga mata niya.
"You're the one who wish that kiss, Reina."
Kiss mo mukha mo, gilid lang ng labi 'yon. At hello? Bakit niya naman tinotoo? At bakit parang mukhang gagong Craig ang nasa harap ko ngayon? Nag-evolve na ba siya bilang isang bad boy or something?
Napabuga ako ng hangin saka ako umiwas ng tingin. Nabaling ang paningin ko sa field, may mga estudyanteng nakatingin sa amin, siguradong nakita rin nila ang ginawa sa akin ng piste. Tsk, live porn.
Binalik ko ang tingin ko kay Craig, saka ko siya inirapan. "I can also do that, Craig."
He groaned. "Ah, Reina, you can't."
"Inaasar mo ba ako?" Inis kong tanong sa kaniya. "Yabang mo ah? Suntukan na lang oh."
Tumawa lang siya, 'yong tawang nang-uuyam at dahil sa sobrang inis ko ay hinila ko ang kwelyo niya saka ko maangas na nilapit sa akin.
"H-hoy!" Nanlalaking mata na angil niya sa akin. Ramdam ko pa ang mabango niyang hininga na lumapat sa labi ko. Kita ko pa ang adam's apple niyang gumagalaw. Natutuwa ako sa reaksyon niya pero bullshit pa rin siya.
Maliit akong ngumisi. Ano ka ngayong gago ka?
Sinalubong ko ang mga mata niyang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Gusto kong tumawa pero pinili ko munang pigilan iyon.
"The fuck are you doing, Reina? Bitawan mo na nga ako!"
Bitawan my ass.
"Porket nadampi lang 'yang labi mo sa gilid ng labi ko ang lakas na ng loob mong asarin ako?"
"And I can fucking hear your heartbeat, dude," Ngiwing anas ko. Kabado ang gago.
Pilit niyang iniiwas ang sarili niya sa akin pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya kaya hindi niya magawang umatras.
"B-bitaw! Sira na ba 'yang ulo mo?"
Mahina akong tumawa.
"Sino sa atin ang naaasiwa at nauutal ngayon, Craig?"
"O-oo na, oo na, panalo ka na! B-bitawan mo na nga ako!"
"Nah, masyado kang mabilis."
"Ano ba--"
At bago pa siya makawala ay agad ko nang dinampi ang labi ko sa kaniya. Pilit niyang iniiwas ang mukha niya pero agad ko ring hinuli ang pisnge niya. Damn.
I like it.
Nang humiwalay na ako ay hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang gulat, para siyang tanga. Tumingkayad ako para bumulong sa tenga niya.
"So.. what do you think?" bulong ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng balahibo niya nang magsalita na ako. Pigil tawa naman akong umatras palayo sa kaniya
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...