Chapter 30

2.2K 61 29
                                    


Hello my dear readers, sorry sa grabeng delay...as in hehehe. But here I am trying to make ammends char. Peace :-) 

Ok wala ng marami pang salitaan.

***

Umaga na ng magising si Leigh. Ang gaan ng pakiramdam niya, her body is coping very well. Pero nagugutom na siya. Hindi pala siya nakapag hapunan kagabi. 

Nag unat siya.

Ang haba ng tulog niya.

Bumangon siya at agad naligo.

Halos nilipad niya ang kusina, nadatnan niyang hinahanda na ang mesa ng mag inang Erma at John.

"Magandang umaga po.." nakangiti niyang bati.

"Magandang umaga Leigh." Gumanti ito ng ngiti sa  kanya. "Halikat kumain na."

"Tulungan ko na ho kayo."

"Wag na Leigh, upo ka nalang kami na ni inay ang bahala."

"Eh nakakahiya naman. " Kinuha niya ang bowl na hawak nito at siya na ang naglagay sa mesa.

Ngumiti si John at nakita na naman niya ang cute nitong dimples.

"Ang cute mo.." Tukso niya. 

Nahihiyang kinamot nito ang sariling kilay.

"Salamat ikaw din maganda ka."

She giggled.

"Ikaw ha!"

"Sige nat kumain na kayo." Natatawang sabat ni inay Erma sa kanila. "Sige na John may trabaho ka pa."

"Opo inay." Hinila nito ang isang upuan. " Upo ka na Leigh."

"Salamat."Parang batang inamoy niya ang mga pagkain. "Sarap.."

Umupo na rin ang mag ina at nag umpisang kumain.

Habang sumusubo ay pinigilan niya ang sarili na magtanong kung nasaan si Pablo. Ayaw niyang magmukhang nag-ging girlfriend, pero aminado siyang na mi miss niya ang gwapo nitong mukha.

Napabuntunghininga siya.

"Oh bakit? hindi mo ba gusto ang hinanda kong pagkain?" Nag aalalang tanong ni Inay Erma sa kanya.

"Ay hindo ho, ahm..."

Nanginginiti nitong nilagyan ang plato niya ng isang hiwang isda.

"Kung si sir Pablo hinahanap mo, dun siya natulog sa kwarto ni Jo kagabi..baka hindi nagising ng maaga.Kilala ko si Jo eh baka pinahirapan na naman si Pablo."

JO.

Narining na naman niya ang pangalan ng babaeng yun. Sino ba talaga ang babaeng yun sa buhay ni Sir Pablo niya?

Asawa?

Hindi, wala itong wedding ring.

Fiancee?

Posibble?

"Ah.." 

Aray,ang sakit. Parang nalaglag sa lupa ang puso nya at literal na tinapak tapakan ni Pablo habang ang lakas lakas ng tawa na parang iniinsulto siya.

Biglang nawala ang gana niyang kumain.

"Kumain ka na at ng mabalik na ang lakas mo, wag mo na alalahanin si sir Pablo malaki na yon."

"O-Oho."

Pinilit niyang kumain, nakakahiya naman kay Nay Erma kung di siya kakain,

"Sasamahan kitang mamasyal Leigh kung gusto mo." Nakangiting offer ni John sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuya Huwag Po!(SIGE NA NGA!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon