Chapter Four ( Acceptance)

11K 129 7
                                    

"Mag a apply ka?Are you sure?"Nagpalipat lipat ang tingin ng interviewer sa kanilang dalawa ng kanyang yaya.

Tanggap na ang kanyang yaya at siya nalang ang kailangang makapasa sa final interview.

"Yes maam" Ngumiti siya dito.

Tiningnan nito ulit ang pinasa niyang biodata.

"Home schooled ka?" Tila lalo itong nagulat sa nabasa.

"Eh hindi!" Sabad ng kanyang yaya. "Ahm sa Home School siya nag aral..hehe..yan ang pangalan ng school nya..sa..sa Cebu yan!Malayo kaya di familiar sa yo maam!"

Tumikhim ang maliit na babae na napakakapal ng salamin. Parang di sigurado kung maniniwala sa yaya niya o hindi.

"Okay..pero...di ka nakapagtapos?" Umiling ito. "Mahirap to miss..kailangan namin ng atleast highschool graduate.Most of our clients ay hindi basta basta, kaya kung pwede ay best of the best talaga kinukuha namin." Tiningnan ulit siya nito. "Marunong kaba kahit english lang."

"Oo naman maam...malawak ang vocabulary ko." She smiled sweetly.

Tila nagdududa pa rin ito habang palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Marami kang iniwang blanko dito.Bakit?"

"Eh maam..hehe...wala lang po talaga siyang maisasagot diyan." Ngisi ng kanyang yaya.

"Kaano ano ho ba ninyo si Miss..LEigh?"

"Ho!Ay anak ko po to!"

Nagsalubong ang kilay ng interviewer.

"Kayo ho ang nanay niya?Then bakit pati mother dito eh blanko?Di nya kayo kilala?"

Inagaw ni Leigh ang hawak nitong biodata niya.

"Nakalimutan ko lang ho!Ito na ilalagay ko na!"

Agad niyang sinulat ang buong pangalan ng kanyang yaya.

Nagpalipat lipat ulit ang tingin nito sa kanilang dalawa.

Ibinalik niya ang biodata dito.

"Montemayor ka?Tapos ang mama mo ay Soriano?"

"ay maam!Apelyedo ng tatay nya ang montemayor!Di po kasi kami nakasal kasi.." Umarteng tila naiiyak ang kanyang yaya.." Namatay siya bago pa man kami makasal. .pero ipinadala ko parin sa kanya ang apelyedo ng tatay niya...para naman ho di niya ako multuhin!"

Tila nagdududa parin ang babae sa kanila. Sinisipat sipat pa rin siya habang binabasa ang kanyang bio data
Magsasalita pa sana ito ng biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa nito.

"Hello?."Kumunot ang ulo nito. " Ahm, good morning sir....Ah opo...ho? Eh..." Pinagpawisan ang ilong nito. "Sir,medyo kulang po kami ng tao ngayon.Im currently interviewing one of our applicants..."

Nagtinginan sila ng kanyang yaya.

Naka cross finger silang dalawa.Sana napaniwala nila ang interviewer sa mga kasinungalingan nila.

"Sir pwede ho bang maghintay kayo kahit 2 weeks lang ho?" Ibubuka sana nito ang bibig ngunit tila pinigilan ng kung sino mang nasa kabilang linya. "Sige po sir,titingnan kong magagawa ko. Tatawagan ko po agad kayo...opo...opo.Sige po."

May tiningnan ito na tila log book pagkatapos ay iiling iling na tiningnan ang kalendaryo.

Kring!

Ang telepono na naman.

"Hello? Ahm,boss! Opo,katatawag lang po ng assistant niya sa akin..."Natahimik ito ,tantya niya'y inuutusan ito ng boss na kausap.

Kuya Huwag Po!(SIGE NA NGA!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon