Chapter Nine

9.3K 123 23
                                    

***

You Made Me Stronger.

****

Kinabukasan,tahimik lang ang dalaga habang nakasakay sa kotse ng amo. Seryoso din ito sa pag da drive kaya napakatahimik. Marami siyang napag isipan kagabi..tulad ng kung ano ba talaga ang problema ng lalaking ito. Alam niyang bata pa ito pero parang pasan na ang mundo. Ni hindi ito ngumingiti.

Sa isang malaking mall siya dinala ng binata. Na miss nya bigla ang mga shopping escapades nya ng maamoy ang loob ng mall...yong amoy na maraming bago.Parang gusto niyang mangisay at halikan ang fully tiled floors.

"Kailangan nating magmadali,may meeting ako ng 10."

Tumango lang siya.

Sa department store sila unang nagtungo. Pumili siya ng 2 pants at dalawang shorts. Dalawang blouse lang sana ang ipabibili niya pero Pablo insisted on buying atleast 15 pieces. Pipilitin pa sana siya nitong dagdagan niya ang mga pantalon at shorts pero maigi siyang tumanggi. Kakatwa. Sa unang pagkakataon sa buhay niya,ayaw niyang bumili ng bagong damit. Dala na rin siguro ng hiya. Napakaraming emosyon ang nasa sa dibdib niya ngunit ang tanging klaro sa kanya ay ang pagkalungkot..at pagkadismaya.

Mabilis niyang tinungo ang counter at walang magawang sumunod sa kanya si Pablo. Tumalikod siya dito habang ini i-scan ng cashier ang items na napili niya. Nahiya siyang bigla sa binata. Hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Nang maibalot ang kanilang pinamili ay agad silang nag grocery. Napakarami nilang pinamiling gulay at prutas.May manok,baboy,canned goods,bottled drinks at tinapay.Tiyak puno ang malaki at magara nitong ref.

Walang imikan nilang tinungo ang kotse nito. Tinulongan siya nitong iayos ang kanilang mga pinamili.Nang umandar ang kotse ay lalong bumigat ang pakiramdam sa dibdib niya.

"Kumain muna tayo sa fastfood bago umuwi,nagutom ako." Tiningnan siya ng binata.

Tumango siya.

MABILIS lang ang naging kain nila. Ma le-late na daw ito sa meeting. Nang umalis ang binata inabala nalang niya ang sarili sa paglilinis ng ref at pag arrange sa kanilang mga pinamili. Pagkatapos ay naglinis.

Humihingal siyang tumigil sa paglilinis sa ilalim ng upoan.Napakahirap linisan niyan dahil mabigat at hindi niya maitulak ng maayos. At liit naman kasi ng mga braso niya. Napaupo siya sa sofa at di niya namalayang nakatulog na pala siya.

PABLO is pissed off. Kararating palang nya ay bweset na bweset na siya.Hindi naging maganda ang resulta ng meeting nya, nagpadala lang kasi ng representative ang taong kailangang kailangan niyang kausapin. Bigo na ata siya hindi pa man nag uumpisa ang deal na iyon.

"Sir?"

"Kean, akala ko ba inayos mo ang meeting nato?"

"I did sir, I don't know what happened."

Napabuntung hininga ang binata.

Tinungo niya ang kotse at akmang sasakay ng hinabol siya ni Kean.

"Sir..the maid agency told me they can send you a new maid 2 to 3 days from now.Shall I confirm it?"

Pablo certainly did not even think when he answered.." Cancel it,"

"PABLO!!FINALLY OUT OF YOUR BORING OFFICE ,ARE YOU!!!"Pasigaw na tukso sa kanya ng kaibigang si Pint. Malakas ang tunog ng speakers ng club na yon.Bakit nga ba siya nagpunta dito? Sa dami ng nangyayari ngayon sa buhay nya kailangan talaga niyang uminom.

"How's Tita Jo?"

Nagdilim ang kanyang mukha pagkarinig sa pangalan ng ina.Marami siyang naaalalang di magagandang bagay kapag napag uusapan ito.

Kuya Huwag Po!(SIGE NA NGA!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon