Namamaga na ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Kanina pa niya pinakikiusapan ang mga pulis na pakawalan nalang siya. Ngunit ayaw ng mga ito.
Hindi nga raw pwede.
Pinagtatawanan pa siya.
Ang mga manyak na ito, pinagkamalan siyang pokpok kanina.
Ang sama ng mga tingin ng iba sa kanya,parang gusto siyang lamutakin kahit maraming tao.
Bweset na bweset siya pero mas ramdam niya ang takot. Alam niyang wala siyang magagawa kung sakaling may gawing masama sa kanya ang mga taong ito.
Madali lang para sa mga ito ang baliktarin siya kung sakaling magreklamo siya or worst baka patayin pa siya.
Mabuti nalang at may mga babaeng pulis na nakatoka sa mga babaeng nadarakip.
Women's desks.
Nandoon lang siya sa isang sulok habang hinihintay pa daw ang utos ng chief kung anong gagawin sa kanila.
Nakaalis na rin kanina pa ang media.
Pinilit niyang magpakatatag. Kung ipapakita niya sa mga ito na mahina siya ay baka lalo siyang mapahamak.
Nagdarasal na lamang siya. Na sana may magligtas sa kanya sa posibleng kapahamakan na kasasadlakan niya.
"Miss, wala ka bang kamag anak na pwedeng kumuha sayo?"
Tanong ng isang lalaking pulis na kanina pa masama ang tingin sa kanya.
"Me-meron ho, natawagan ko na baka may inasikaso pa ho."
Ngumisi ito ng masama.
"Kung wala ka namang uuwian eh..welcome ka sa apartment ko." Pinasadahan siya nito ng tingin. "Dun tiyak malambot ang hihigaan mo."
"Ano ba Sanchez,kanina pa tapos ang shift mo ah..umuwi ka na!" Sita ng isang babaeng officer dito.
"Wag ka namang ganyan Rina...para ka namang ibang tao eh...hehe"
Pinandilatan ito ng babaeng pulis.
"Miss aminin mo na, prosti ka diba...dali na sama ka na sa akin..." bumulong ito sa kanya. "Magkano ba oras mo?"
Sa galit at takot ay nasampal niya ito.
"Hindi ako pokpok!"
Nagulat din siya sa ginawa.
Nakita niya ang sobrang galit sa mukha nito. Napapikit siya,nanginig sa sobrang takot.
Parang nakikita na niya ang sasapitin niya sa mga kamay nito.
"Aba't!" Akmang sasakmalin siya ng pulis ng may pumigil sa kamay nito.
Isang nagdidilim na mukha ni Pablo ang nakita ng dalaga sa likod ng pulis.
"Don't touch her!"
"Uh..." Di na siya nakapagsalita. Ang alam lang niya..biglang bumuhos ang luha niya ng makita ang gwapo nitong mukha.
Tumakbo siya palapit dito at umiyak sa dibdib nito.
"Fuck you!I saw and heard what you said to her. I will have you sued!"
"Sir..."
Natameme ang manyakis na pulis.
"Ka ano ano nyo po si Miss Montemayor sir?" Ang babaeng pulis ang nagtanong.
"She's my girlfriend. Nag away lang kami kaya siya umalis."
Lalong napahikbi si Leigh sa dibdib ni Pablo,not caring how wet his chest has gotten from her tears. Napakasaya niya sa mga naririnig mula dito.
BINABASA MO ANG
Kuya Huwag Po!(SIGE NA NGA!)
Любовные романыMayaman,naghirap ....nagpamaid. Yon ang masaklap na naging kapalaran ni Leigh Ann.But she refuses to give up ,now that she has no one maliban sa kanyang loyal yaya kailangan niyang magtrabaho para mabuhay. Kaya naman nang mag apply ang yaya niya sa...