Kinabukasan, bored na bored si Leigh. Umaga palang ay tapos na siya sa mga gawain niya. Nasampay na niya ang mga maruruming damit ng amo niya matapos labhan..pero bago pa man niya masikmurang mailagay ang mga iyon sa washing machine ay inubos niya sa kaaamoy ang mga damit ng among pinapantasya. Hinahagkan at niyayakap. Na mi miss lang talaga niya ito,Kung may makakaalam lang sa mga ginagawa niya ay sasabihan talaga siyang lukaret. Napabuntunghininga siya. Di rin niya maintindihan ang sarili. Parang naaning ata siya simula ng mawala ang lahat sa kanya. LAHAT. Pati parents niya.
Hindi naman siya ganito noon. Siguro konti lang.
Lumala lang lahat dahil sa nangyari sa kanya.
Baka defense mechanism lang niya para mag cope sa lahat ng masasakit na nangyari sa kanya.
At ngayon kailangan pa niyang mamasukan bilang katulong...kung baga ang baba na niya ngayon. Walang maipagmamalaki... walang wala.
Pero kahit papaano naman ay may pakonswelo siya.
Nakilala niya si Pablo.
Ang lalaking lalong nagpapa aning sa kanya.
Heto siya,bagsak na ngang lahat...nangangarap naman sa amo niya.
Na kahit hinahalikan siya ay para naman siyang sumusuntok sa hangin...humahalik sa ulap..inaabot ang buwan...
Nangangapa...
Takot siyang masaktan, pero hindi naman ibig sabihin ay ayaw niyang subukan.
Kaya lang ano ba ang aasahan niya sa isang lalaking katulad ni Pablo.
Papatol ba sa kanya?
Eh kahit naman maganda siya ay napakababa niya kompara dito.
Kung sana mayaman parin siya hanggang ngayon.
Baka siya pa ang mag aya ng kasal sa binata.
Pero ngayon sa sitwasyon niya, baka isa lang siya sa mga babaeng nasa statistics na kabilang sa mga nabuntis na walang asawa. Kung baga nagpaka tanga, pinarausan, nabuntis , iniwan.
Mali. Mahirap. Masakit.
Pero bakit sa isip niya OKAY lang. Basta ba ang amo lang ang gumawa nun sa kanya. Okay lang sa kanya..
Gosh,ganon na ba talaga siya Katanga? Ka boba?
Ini on niya ang tv. Nagbabakasakaling may worthy na palabas na baka ma enjoy niya at malimutan man lang saglit ang nararamdamang lungkot, pagkadismaya sa sarili at ang namumuong depresyon sa loob niya.
Ngunit naubos nalang niya ang lahat nga channels ng cable tv sa kakalipat. WALA.
Bweset.
Naramdaman niyang biglang kumulo ang tiyan niya.
Hindi pa pala siya nag aagahan.
Hindi pala kayang busugin ng nakaka ayang amoy ng damit ng amo niya ang kanyang tiyan.
Tumingin siya sa malaking digital clock na nasa ibabaw ng tv stand.
3pm.
Napangiwi siya.
Kahit pala tanghalian nalimutan niya.
Wala siyang ganang kumain.
Kanina pa niya ramdam na parang tatamaan siya ng sakit. Pero binalewala lang niya.
Pero ngayon parang may nakadagan sa kanyang isang toneladang trak.
She's tired.
Mas masarap matulog kaysa kumain , konklusyon niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Kuya Huwag Po!(SIGE NA NGA!)
RomantikMayaman,naghirap ....nagpamaid. Yon ang masaklap na naging kapalaran ni Leigh Ann.But she refuses to give up ,now that she has no one maliban sa kanyang loyal yaya kailangan niyang magtrabaho para mabuhay. Kaya naman nang mag apply ang yaya niya sa...