1.1

200 22 91
                                    

KAPITULO UNO:
Lumbay Na Walang Ngalan

Iba talaga sa pakiramdam kapag nasa katawan ka mismo ng isang tao, hindi bilang sumaping masamang espirito, kundi bilang kapalit ng naunang may-ari nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iba talaga sa pakiramdam kapag nasa katawan ka mismo ng isang tao, hindi bilang sumaping masamang espirito, kundi bilang kapalit ng naunang may-ari nito.

Napakasarap.

Talagang napakasarap.

Kaya naman ang hirap unawain ng mga taong nagpapakamatay at sumisira sa mundong ibinigay sa kanila ng nasa itaas. Nakakatawa sila habang mapalad naman ako---ako na isang dating demonyo.

Sa akin na ang mortal na katawang ito.

Isang napakagandang taong-sisidlan. Pero bago ang lahat, kailangan kong tapusin ang ritwal ng paglipat.

Ang ritwal ng paglipat ay ang pagbibigay ng pangalan sa katawang aangkinin ng isang anghel o demonyo. Ang pangalang ibibigay nila ay hindi dapat nalalayo sa totoo nilang pangalan at dapat lamang nilang gamitin ang apelyido ng taong-sisidlan upang maging epektibo ito. Titignan ng nilalang ang pangalang nakasulat sa dextrose ng pasyente: Mona Devila.

Magmula ngayon, ang katawang ito ay tatawagin na sa pangalang "Godesha Devila".

Pagkabigkas ng pangalang 'yon, nagkusa ang itim na tintang ginamit sa pagsulat ng naunang pangalan na umayon sa mga bagong titik nito. Nakaramdam naman ng labis na panghihina si Godesha habang kinukunan siya ng pulso ng kararating pa lamang na nurse. Ganito talaga sa simula ng paglipat, nahihilo, nasusuka, nanghihina, parang buntis na iniluwal ang mismong sarili sa mundo. Magulo, oo, pero ito ang nararamdaman ngayon ni Godesha. Sa kaso nga lang niya, isa siyang demonyo na handang mag-asal tao. Pansamantala.

Ang pinakamahirap sa lahat ay ang makibagay sa mga mortal at alagaan ang katawang namamatay. Normal sa karamihan ng mga demonyo na masaktan ng higit pa sa kaya nilang tanggapin lalo na kapag lumalaban sila sa mga alagad ng Kalangitan. Madali lang ito para kay Godesha dahil dati siyang Succubus, o demonyong nagbibigay ng aliw sa mga pagod na tao. Sa katunayan, gustong ipagsigawan ni Godesha na hindi lahat ng mga demonyo ay mapanakit! May mga tulad pa rin niya na ang nais lang ay ang magbahagi ng pagmamahal at makamundong saya sa murang halaga. Ang tanging kabayaran lang ng serbisyo niya ay ang paglimot ng taong paliligayahin niya sa mga batas ng tao at ng langit. Alam ni Godesha na maiksi lang ang buhay ng mga tao at para sa kaniya ay wala namang masama na magaliw-aliw at magpakalunod sa paraang kung tawagin ay tawag ng laman.

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon