1.2

156 21 98
                                    

"Tulungan mo ako."

Ito ang maiksing pakiusap ng espirito kay Godesha. Dahil kinuha na niya ang ngalan nito at katawan, wala na ngayong pagkakakilanlan ang ligaw na kaluluwa. Godesha will never take chances and call this lost soul by her former name. Mahirap na, baka bumalik pa ito sa katawan niya at si Godesha naman ang maglaho sa kawalan. She never agreed to become a human just to vanish like that for all eternity.

"Paano naman kita matutulungan?"

"M-may kausap ka talagang multo, Godesha?" Tanong ni Nimuel na hindi man lang itinago ang kabang nararamdaman. 

"Yes, my sweet little bean. Nasa harapan ko nga siya. Gusto mo bang makita?" Pang-aasar ni Godesha ng hindi inaalis ang tingin sa espiritong napadako ang tingin sa lalaki.

"A-ayoko nga! Bibili lang ako ng . . . ng mainit na inumin sa labas. D-diyan ka na muna." Halos madapa pa si Nimuel sa paglabas ng silid bago isinara ng maigi ang pinto sa likod niya. 

Labis na lungkot ang naramdaman ng espirito. Wala man lang siyang pagkakataong makausap ang nag-iisang taong nakasama niya sa paglaki at nagmahal sa kaniya ng totoo kahit na sa huling pagkakataon. Napansin ni Godesha na nakatuon pa rin ang atensyon ng espirito sa nakasarang pinto at hindi niya gusto 'yon. A mere door can't be more interesting than Godesha herself, right? Right. "Too bad, he could have the chance to bring you back. I did give him the chance to say goodbye to you though, didn't I? Kaso matatakutin pala ang pinsan ko."

May something sa ngiti ng espiritong 'yon na hindi niya nagustuhan. 

"Let's stop the dilly dallying, shall we? Alam mo naman siguro na hindi libre ang serbisyo ko?" Tinaasan pa niya ito ng kilay at nang hindi makarinig ng sagot ay nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Tell me what you desire most and I'm going to give it to you. Trabaho ko ang magbigay ng aliw by all means necessary." 

"Hustisya . . . Kapayapaan."

"Then you know the drill?"

"Sa'yo na ang katawan ko. Alagaan mo lang si Nimuel."

"Madali lang 'yan. So . . . can I eat now?" Muling tinignan ng espirito ang pinto kaya napairap na lang ng mata si Godesha. Nang makitang nakapikit na ito ng payapa, sinimulan na niya ang pagkain ng espirito. Masaya niyang ibinuka ang bibig at pumikit habang dinadama ang lasa ng una niyang pagkain bilang tao.



Apat na kabaong ang naroon.

Nakahanay ng maayos ang lahat.

Lumapit sa kaniya si Nimuel at yumakap. Pakiramdam niya ay basa na ang balikat niyang pinaglapatan ng pisngi nito. Sinusubukan ng pinsan niyang magpakatatag. "Tayo na lang tatlo ngayon ni lolo. Matanda na siya kaya ako na ang mag-aalaga sa inyo. Wala kang dapat ipag-alala. Magiging malakas ako, Mona."

"Sana sumama tayo sa bakasyon para hindi tayo naiwan, Nimuel."

"A-ano ba 'yang sinasabi mo?! Kalooban ng langit na maiwan tayo at . . . p-pasensya ka na, Mona. Siguro nga tama ka, pero pangako ko sa'yo na walang iwanan, walang limutan, magpakailan pa man!"

"H-hindi kita maintindihan."

"Nakakainis ka! Ibig kong sabihin, hindi tayo maghihiwalay para mamatay tayo ng magkasama balang-araw. Ayoko ng umiyak ng ganito. Ikaw, gusto mo ba?"

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon