2.3

109 21 22
                                    

Mabilis na pinagbuksan ni Argon ang inaasahan niyang bisita nang kumatok ito sa may pintuan. Lumawak ang naging ngiti niya nang makita ang imahe ng babaeng minamahal. Saglit silang nagkwentuhan tungkol sa panahon at sa mga plano ng araw na 'yon. Nagniningning sa tuwa ang mga mata niya sa kasabikang mayakap muli ang dalaga. Kahit maloko siyang tao, minahal naman niya ng totoo si Erica.

Sinipat niya ang tiyahing natutulog sa may sala. Madalas talaga itong mag-siesta sa tanghali pagkatapos kumain ng tanghalian. 

Bitbit ang isang bag na naglalaman ng kumot, tissue at iba pang mga bagay na kakailanganin para sa kalokohang gagawin nila mamaya, dahan-dahan siyang lumabas ng bahay kung saan naghihintay sa kaniya ang dalaga at ni-lock ang pinto mula sa loob.

Ilang minuto silang naglakad sa direksyong tanging siya lang ang may alam. Lakad dito, lakad doon, hanggang sa maging bilang na ang dami ng mga bahay sa paligid.

Sa wakas, narating din nila ang harapan ng isang mahabang gate na kinain na ng lumot at kalawang. Sa likod no'n ay isang malawak na lupaing naging kakahuyan na dahil sa dami ng puno at baging na kung saan saan na nagsitubo.

"Ano 'to?" Dismayadong tanong ng babae.

"Naalala ko lang na may abandonadong lote malapit sa amin. May mga . . . nagpupunta dito sa gabi para alam mo na? Bakante lang 'to 'pag tanghali. Mas gusto kasi ng iba ang mag-siesta, ako naman, mas gusto ko ang tikman ka." Naitagong mabuti ng dalaga sa likod ng matamis na ngiti ang iba pang emosyong nararamdaman para kay Argon. Aakalain ng iba na bahagyang kaba lang ito sa gagawing kalokohan mamaya 'yon ay kung kapareho sila ng pag-iisip ng nabanggit na binata. Nagpatuloy lang si Argon sa paglakad at nagtungo sa may bandang gilid na natatakpan ng mga damo, hahawiin niya ito at ipapakita kay Erica. "Kita mo? Ginawan na nila ng butas dito para madaling makapasok. Tara." Inuna niyang ipinasok ang bag mula roon at gumapang papasok. Ni hindi man lang niya nilingon ang dalaga. Tiwala siyang susunod ito.

Hindi naman siya nagkamali.

Sumunod rin agad sa kaniya si Erica at nagtanong ng, "Saan tayo pupwesto?"

"May kubo sa banda roon. Pwede nating gamitin 'yon hanggang mamaya. Ano nga pala yang dala mo?" Tinutukoy niya ang may kalakihang handbag ng dalaga.

"Secret! Makikita mo rin mamaya. I brought something that can make you feel better than regular boring sex."

"G-gusto ko 'yan! Tara! Nando'n ang kubo natin."

He's not even trying to hide his excitement anymore, sa isip ni Erica habang nakatanaw sa lakad-takbong si Argon. Nakailang hakbang din sila bago narating ang kubo sa bandang gitna ng lote. Maliit ito na katulad lang sa mga kubong pahingahan at binubuo ang bawat haligi ng sandalan na walang nakalaan na upuan. Diretso sahig agad. Ang mga tabing na maaari nilang magamit doon ay ang dalawang nanggigitatang puting kumot na nakasabit sa magkabilang sulok. Nasa ibabaw naman ng apat na posteng kahoy ang maliit na kubo. Kung pagbabasehan ni Erica ang pagkakagawa sa bahay, itinayo lang ito bilang tanda na may nagmamay-ari ng lugar. Sinamantala naman ito ng mga kabataang gustong magpakasasa sa makamundong ligaya. Matibay naman ang kubo dahil hindi naglangitngit ang alinman sa baitang ng hagdan nang tapakan nila. Napangiwi na lang siya nang marating ang itaas at makitang naninilaw na ang puting mattress na naroon.

"I don't understand why people keep on buying white paraphernalia if no one would bother to clean them! Nakakadiri ang set-up niyo sa lugar na 'to."

"Tama na ang English, Erica. Dudumihan din naman natin ang kama---"

"---Mattress, you donkey. Mukha na bang kama 'yan sa'yo? You and your disgusting standard. Yuck!"

"Lilinis din 'yan gamit ang katas ng pagmamahalan natin mamaya kaya tama na ang pag-iinarte mo."

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon