1.4

122 21 53
                                    

Miyerkules nang maganap ang insidente. Ilang oras ding nanatili ang mga estudyanteng nasa third floor sa kani-kanilang mga classroom upang isa-isang sumagot sa mga katanungang inihain ng awtaridad. Kasalukuyang iniimbistigahan ng mga pulis ang pangyayari subalit tiwala sila na aksidente lang ang lahat. 

Aksidente

Aksidente.

Muntik ng matawa si Erica nang mahimasmasan ng mga oras na 'yon. Right. An accident. Aksidente niyo'ng mukha niyo! Halos hanggang dibdib ang taas ng railings. Imposibleng mahulog doon basta-basta kung hindi ipagtutulakan ng malakas. Pinatay siya at kilala ko ang hayop na kriminal na gumawa no'n sa kaniya! Nang mawalan si Erica ng malay-tao, si Argon na at ang iba pang mga kaklaseng babae ang nag-asikaso sa kaniya. Alam nilang lahat na pinakamasakit ito para sa kaniya na kilalang sanggang-dikit ni Janice. Hinanap agad ng paningin niya si Godesha. Wala ito sa classroom. N-nasaan na ang walanghiya?! Hindi naman maipinta ang mukha ni Ms. Ponciano ng mga oras na 'yon. Natatakot siyang masuspinde dahil hindi niya naayos ang paglabas ng mga estudyante sa hallway. Nabubunton sa kaniya ang lahat ng sisi. Pumaroon agad ang prinsipal na lalaki para makisimpatiya at banggitin sa babaeng guro nila na parating na raw si Mr. Jose Vergara, ang ama ni Janice. Maging ang adviser nilang si Mr. Ilyakov ay naroon na rin. Patuloy pa ring pinakakalma ng prinsipal si Ms. Ponciano na kung pagbabasehan ang labis na pamumutla ng mukha sa takot ay maaaring sumunod na himatayin anumang oras. 

Ang sabi naman ng mga pulis, normal lang na may makaakyat na palaka sa third floor dahil nasa panahon sila ng tag-ulan at h'wag daw sanang paratangan ng kapabayaan ang guro. Palibhasa maganda at maamo ang mukha kaya nakakakuha ng simpatiya. Nanggagalaiti si Erica sa usad ng mga pangyayari. Gusto niyang magsalita---gustung-gusto---pero hindi niya kaya. Katumbas na rin ng pag-amin ang paglalagay kay Godesha bilang may sala. Paano kung palabasin niya na self-defense lang ang lahat at ipinagtanggol lang niya ang sarili mula sa amin ni Janice? And then she will expose us, the real reason behind all these, the bullying and the attempted rape, at si Argon naman . . . Tinignan niya ang lalaki na ngumiti lang sa kaniya.

"Gusto mo ng tubig?"

"No, thank you." Ilalaglag niya ako panigurado! I can't trust this idiot. Kumulo lalo ang dugo ni Erica nang makita si Godesha na kababalik lang mula sa labas at sumisipsip pa ng buko juice sa plastic. Inalok nito ang isa kay Ziwo at naupo pa sa tabi ng lalaki para makipagkwentuhan. Sa kabila ng trahedya ay nagagawa pa ng dalawa ang tumawa at maglandian. Mga makasarili! Hindi ako makapaniwala na nagka-crush ako sa gagong 'yon! Pareho sila ng demonyitang si Godesha na may sariling mundo!

Tumagal ang naging interview at nagkagulo pa ng dumating si Mr. Vergara. Sa bandang huli, napagdesisyunan ng prinsipal na cancel-ahin muna ang mga klase nitong darating na Huwebes at Biyernes para malagyan ng grills ang railings sa second at third floors. Pansamantala ring pinagpahinga ng isang linggo si Ms. Ponciano habang mainit pa ang issue. 

Biyernes ng hapon.

Mabilis ang mga balita sa group chat nilang magkakaklase. Isa sa mga babaeng mag-aaral ang nakatunog at nagbahagi ng latest update patungkol sa eskwelahan nila. Wala raw balak ang prinsipal na tanggalin sa serbisyo si Ms. Ponciano sapagkat mahusay itong magturo at magiliw sa mga estudyante. Gayunpaman, si Ms. Ponciano mismo ang humiling ng isang linggong pahinga na pinahintulutan naman ng principal. Na-trauma daw ito sa nangyari. Unang taon pa lang kasi ng babae sa pagtuturo at hindi nito inaasahan ang ganito. But for Erica, it's some sort of discrimination. Mapalad talaga ang mga taong may natural na magandang mukha---napagbibigyan ng malupit na mundo.

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon