4.1

94 20 31
                                    

KAPITULO KWATRO:
Bukang-liwayway sa Dapit-hapon

"Narinig ko ang pag-uusap ng anghel na si Hesekiel at ni Lavios. Sino ka ba talaga, Esha, at . . . at ano ang totoong nangyari sa pinsan kong si Mona? Kinain mo ba talaga . . . ang kaluluwa niya? Naglaho na ba talaga siya?" Napahigpit ang pagkakabenda ni Nimuel sa binti ni Godesha kaya't napa-aray siya. Agad namang humingi ng paumanhin ang binata. "H-hindi ko sinasadya."

"Okay lang. My fault. Sorry din kung nagsinungaling ako sayo ng matagal. Erm, Godesha ang ipinangalan ng mga kauri ko sa'kin. Ritwal 'yon sa aming mga demonyo at anghel sa oras ng paglipat sa isang taong-sisidlan. Pangalan namin bilang demonyo ang gagamitin sa paglipat at apelyido naman ng taong-sisidlan na aagawan namin ng katauhan. Ito lang ang paraan para manatili ang ibang mga alaala namin bilang . . . you know? Spiritual entities. And at the same time, mapapalitan ang mga records ng taong-sisidlan ng pangalan at identity na gagawin namin. Yung iba sa amin, may mga orihinal na hugis at anyo talaga. Ako, bilang dating succubus, naaayon lang ang anyo ko sa desire ng taong---" biglang nakaramdam ng hiya si Godesha sa mga pinaggagagawa niya noon, "sorry. Tungkol naman kay Mona Devila? Wala akong balak na kainin ang kaluluwa niya kaso gusto niyang pumalit ako sa kaniya at samahan ka habang-buhay." Napahinto sa pagpapaliwanag si Godesha nang makita ang pagluha ni Nimuel, pero nagpatuloy siya. After all, karapatan ni Nimuel na malaman ang katotohanan. "May pangako kayo ni Mona sa isa't isa at humiling siya sa'kin na tuparin ko 'yon kapalit ang kaluluwa niya."

"Bakit hindi siya lumaban at nabuhay?" Malungkot na tanong ni Nimuel.

Nasaktan si Godesha. So it's true. The one you really love is not me, but Mona. Minahal mo lang ako dahil nakikita mo ang anyo niya sa'kin. Without her image, you will never see me as Godesha. Napayuko siya. She's too weak to pretend. Isa sa mga natutunan niya bilang tao ang umiyak. It's one of her best stress relievers and probably her best skill, too. Sa contest ng iyakan, tiyak siyang mananalo! Muntik na siyang matawa nang maalala kung paano umiyak si Nimuel. Baka maglaban pa sila sa finals.

Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ni Nimuel. Niyakap siya nito ng mahigpit, hinalikan sa ulo at hinimas ang likod. Humihikbi na pala siya. How lame, she thought of herself, but she hugged him back and continued to cry uncontrollably.

"Tahan na, Godesha. Sorry kung nagalit ako sayo kanina, ha? Mahal ko si Mona, pero hindi ibig sabihin no'n ay kamumuhian na kita sa mga ginawa mo. Alam kong may rason ka at gusto kong marinig 'yon. Siguro naman kumikilos tayong lahat dahil sa rason? Naku, tunog nagmamarunong na ba ako?"

Natawa ang former demoness. "Ikaw at si Mona ang pinakamabuting tao na nakilala ko."

Kung tumingala lang siya saglit, nakita sana niya ang ngiti at ang pamumula ng mga pisngi ng mortal. "Salamat."

"Lumaban siya, Nimuel. Lumaban siya. Malakas si Mona Devila, pero bumigay ang puso niya." Iniangat niya ang ulo upang makita ang mga mata ni Nimuel. "Naaalala ko na. Hindi kita unang nakita sa ospital. Matagal na kitang pinagmamasdan noong demonyo pa lang ako. Ginusto kong makilala ka pa ng husto. Kanina . . . nang kainin ko ang tatlong kaluluwa sa bahay ni Sir Ilyakov, naalala ko kung sino ka at kung bakit ako nandito, Nimuel. Naguguluhan lang ako dahil sa dami ng mga kaluluwang nakain ko na. Humahalo na kasi ang strong memories nila sa strong memories ko. Maliban sa mga alaala, nakukuha ko rin ang pagkatao nila. Ibig sabihin pwede akong maging sinuman basta't nakain ko na ang kaluluwa nila. Tignan mo."

Nagulat si Nimuel nang makita si Mr. Ilyakov na kayakap niya. Agad siyang napatayo sa bangkong kaharap ng katre niya at napaatras ng ilang hakbang. "P-paano'ng . . . H-Hesekiel!"

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon