4.3

96 20 34
                                    

Biyernes ng gabi. 

Naglalakad mag-isa si Godesha habang nakatingin sa screen ng bago niyang cell phone. "Nag-overtime siguro? Binigyan ko na siya ng cell phone, hindi naman niya ginagamit. Naghintay tuloy ako. 'Di bale na nga." Pagkatapos magisip-isip, nagchat pa rin siya kay Nimuel ng uuwi na ako, h'wag mo na akong sunduin. Ingat ka pag-uwi. Bumili na lang kaya ako ng pagkain sa labas para makapagpahinga ka na lang mamaya? Ingat uli. Uuwi pa lang ako. Nagdadalawang-isip siyang sundan 'yon ng three special words. 

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may humatak sa kaniya sa isang madilim na iskinita. May ilawan sa dulo ng daan no'n kaya't naaaninagan niyang mabuti kung sino ito. She smiled teasingly. "Buhay ka pa pala, Corvitel?"

"Tatapusin na muna kita dito bago pa tuluyang mawala ang mga alaala ko!"

Malisyosa ang naging ngiti ni Godesha sa impormasyong narinig. "So . . . you had finally become an incubus, huh?"

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Nagalit sa'kin si Hesekiel dahil sayo at naparusahan ako!"

"I'm not sure, Corvitel. If I were you, I would have enjoyed every second of it."

"Malas mo lang at hindi ka naging ako."

"Yes, I agree. Ako sana ang nakaluhod sa harap ng anghel mo at hindi ikaw."

"Hanggang ngayon nakakadiri ka pa rin!"

"Pfft, what? Succubus ako, what do you expect me to do? Make a vow of celibacy? I will never do that! And by the way, last time I checked, virgin pa ang taong-sisidlan ko, pero yung sayo---." Hindi na nagawang tapusin ni Godesha ang sasabihin niya dahil sa pagtama ng kamao ni Corvitel sa mukha niya. Nakailang gulong ang katawan niya sa lubak-lubak na sementong daan bago padapang bumangon mula sa pagkakahiga. She can easily recover from this pain salamat sa tatlong kaluluwang nakain niya sa bahay ng dating si Mr. Ilyakov. She smiled sweetly at the angry former incubus in front of her. "Bakit? Masakit ba?"

Malakas ang loob ni Lavios na komprontahin si Godesha. Naisip niyang mas malakas nga naman siya sa anyong lalaki at walang masama kung papatayin niya ang former succubus ng palihim. Bago ang lahat, kailangan muna niyang kumalma mula sa pananabik na gawin ang binabalak sa dalaga at balikan ang pang-aasar nito ng higit pa. "Natuwa nga ako, e. Gusto ko sanang ikwento sayo ang nangyari kaso baka lalo kang mainggit. Wala kang Hesekiel at kahit kailan ay hindi ka magkakaroon ng isang tulad niya."

Tumalab ang pang-aasar ni Corvitel. 

Nakasimangot na bumangon paupo ang nahihilo pang si Godesha. "Sa palagay mo, kanino ko kaya nakuha ang ideya na kainin ang mga kaluluwang ligaw upang mailigtas sila sa apoy ng impyerno? Mag-isip ka nga! Siguradong hindi demonyo ang makakaisip no'n."

"Mas mahalaga bang malaman ang sagot sa tanong mo kaysa ang patayin ka dito at magkaroon ng pagkakataong matupad ang pangako ko kay Hesekiel? Malabo 'yon. Sisiguraduhin kong mabubura ka sa mundong ito!" Agad niya itong susundan ng, "Teka, teka, alam ko. Hindi rin ako bahagi ng mundong 'to bilang tao, pero anghel ang kasama ko. Pinahintulutan niya akong mabuhay kasama niya at ng mga tao. Sa ngayon, isa akong guardian angel at magkatuwang kaming nag-aalaga ng mga bata sa eskwelahan at 'di rin magtatagal maging sa bahay-ampunan ni Sister Fina. Sa madaling-sabi, may angel pass ako. Wala ka no'n kaya dapat kang mamamatay. May huli ka bang habilin? Bibigyan kita ng isang minuto kaya bilisan mo bago ako mainip at gawin kong tatlumpong segundo ang palugit ng buhay mo."

Bahagyang yumukod si Corvitel at napayakap sa sariling mga braso. Labis ang pagpipigil niya upang h'wag basta basta wasakin ang bungo ng dating kapwa demonyo sa bawat sulok ng iskinitang kinatatayuan nilang dalawa. Ikatutuwa niyang marinig ang tunog ng buto't laman nito paglapat mamaya sa semento. Naisip niyang kailangan pa rin niyang pagtuunan ng pansin ang mga sasabihin ng demonyo. Pagkatapos ng huling habilin, saka niya ito gagawin!

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon