3.2

102 21 40
                                    

HABANG LUMILIPAS ang mga araw, mas higit namang nagiging komportable si Godesha sa pinsan ni Mona Devila. Kapansin-pansin din ang mas lalong banayad na pakikitungo ni Nimuel sa kaniya sa tuwing uuwi ito galing trabaho. Hangga't kakayanin ay sabay silang kumakain ng agahan at hapunang iniluluto ni Nimuel. Naging bonding time na rin nila ang manood ng drama serye sa gabi at ang umiyak ng magkasama sa malulungkot na eksena.

Ito ang pinaka-favorite time of the day niya.

Sa katunayan, sinubukan na rin ni Godesha na tumikim ng ibang lutuin sa kantina ng school nila, subalit hinahanap talaga ng dila niya ang luto ng mortal na punung-puno ng pagkalinga. Lingid sa kaalaman ni Nimuel ang ginagawa niyang pag-inom lang ng tubig sa tanghalian. Isa pa, nakarami na rin siya ng mga kaluluwang nakain sa buwan na ito. Sobra-sobra ang lakas niya bago ang susunod na pag-harvest at hindi na rin niya problema ang sunod na kakainin.

Nasa listahan na niya sina Argon, Octavo at yung tatay ni Janice na mapera. Malaki-laki na rin ang nakupit niya sa taong 'yon na inipon niya sa loob ng ginagamit na tandayang unan. One day, she will surprise Nimuel with all that money.

She can already imagine a peaceful college life for him. Matapos lang ang sunod niyang misyon, patitigilin na niya ito sa trabaho. It's time for him to fully focus on his studies and their future together.

Napangiti siya.

Their future together.

Si Nimuel at ako, sa loob ng isang magarang bahay. I can't wait for that dream to happen!

Nasa pagitan pa siya ng pagdi-daydreaming nang maramdaman ang pagtapik sa balikat ng isang estudyanteng may salamin sa mata, gwapo sana kaso nakalimutang ngumiti sa umaga. She smiled though. At least gwapo pa rin ang lumalapit sa kaniya. Masigla niya itong binati ng, "Happy Friday morning, Octavo."

"Don't bother."

Snobbish talaga siya. "Does it piss you off to receive happy greetings?" Pang-aasar pa ni Godesha.

"No. But it's a yes if it comes from you."

"So I'm special?" Lalo siyang napangiti nang makita ang saglit na pagsalubong ng mga kilay ng kamag-aral.

"You're not, and you'll never be. Nandito lang ako bilang business partner mo. Friday na, baka nakakalimutan mo na ang naging usapan natin last Monday?"

"Ang sweet mo naman! Nag-abala ka pa talagang ipaalala sa'kin? Don't worry, I love your money so I won't and I will never forget the deal. I'm a demon, you know?"

"Yes, I can see a demoness na malabong magka-amnesia sa pera."

"Right. I don't see anything bad about loving money and being practical though. Saka gusto kong isama ang sweet bean ko for protection purposes. I have no idea what's going on," she whispered the name, "in Mr. Ilyakov's mind. He never smiles, mas malala pa sa'yo. Ayokong patagalin ang pagkuha sa cursed painting. I want to hold onto it and get my money as soon as possible!"

"Not possible. I can't go out on weekends. Unlike you, busy akong tao. May violin lesson at math tutorial ako tuwing Sabado't Linggo." Napansin nilang dalawa na dumarami na ang mga estudyante sa loob ng classroom. "It's best to end the conversation here. Just do your part."

"But of course! Whoa! Is that you, Argon?!"

Napapitlag ang lalaki nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. With shaking hand, he waved and smiled then briskly walked to his seat at the back row. He knew very well not to associate with the likes of Godesha. She is nothing, but trouble. Tama na ang dinanas niya sa mga kamay nito. Literally.

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon