2.2

115 21 24
                                    

Kinuha ni Godesha ang bag sa ilalim ng katreng nasa likuran ng inuupuang wooden stool chair ni Nimuel. Nakamasid namang maigi ang binata sa kaniya.

Maliit lang ang lupang minana ng pamilya Fortes mula sa kalolololohan nila. Wala pa nga itong forty square meters. Mataas ang bubong ng bahay kaya nagawan ng paraan na malagyan ng pribadong kwarto sa pamamagitan ng isang loft na nakaibabaw sa comfort room at sa katabi nitong kusina sa kanan. Sinadya namang pa-U-shape na naka-rotate pakanan ang kusina upang makatipid lalo sa espasyo. Naging instant lamesa na rin ang bahagi nitong nakatapat sa pinto. Doon kasalukuyang nakaupo sila Nimuel. Sa likuran ng lalaki, naroon ang katreng tinutulugan niya simula nang magsama silang mag-pinsan sa iisang bubong. Ipinaubaya na niya ang higaang nasa loft kay Mona. Nangungupahan lang kasi noon ang pamilya Devila at dahil hindi kakayanin ng kita ni Nimuel ang pagbabayad sa upa nito kasama pa ang pang-aral at pangkain nila, nagdesisyon siyang patirahin na ang pinsan sa kanila. Kulay puti ang pader ng bahay at may isang malawak na bintana sa pader na sinasandalan ng katre kaya maaliwalas ang loob at sa tapat nito ay isang lumang TV na matagal ng hindi gumagana. Ito ang paborito nilang panooran ni Mona noong mga bata pa sila. Ito rin ang huling bagay na naiwan sa kaniya ng yumaong pamilya at wala siyang balak na palitan ang isang importanteng bagay para sa kaniya.

Inilapag ni Godesha ang bag sa lamesa at binuksan. Kahit gutom na ay hindi pa rin magawang kainin ni Nimuel ang hawak na burger dahil sa magkahalong kaba at kuryusidad. Nag-aalala pa rin siya at lalo itong tumindi nang makita ang isang magarang laptop sa mga kamay ng dalaga.

"S-saan galing 'yan, Mona?!"

"Hush ka muna, kuya."

Napansin ni Godesha na epektibong pampatahimik ang terminong 'yon kay Nimuel dahil sa kulay ng mga pisngi nito, and again, she had almost laughed! Nasa laptop na isini-setup ng former demoness ang focus ng hindi mapakaling binata. The silence didn't last though.

"Pinag-isipan kong mabuti ang itinawag mo sa'kin kanina at medyo . . .  hindi pala ako komportable na tawagin mo akong kuya."

"Was that weird?" Tumango si Nimuel. Aww, my cute little bean! Isi-set up na lang niya ang Internet at, "how about calling me Big Sis then?"

". . . Lalong weird. Mas matanda ako sa'yo ng apat na taon."

"Technically, mas matanda ka lang sa'kin ng 3 years, 7 months and 21 days. Saka kaka-twenty mo lang last 4th of May 2018."

"Ang galing mo naman! Paano mo agad nabilang ang agwat ng edad natin?"

Napangiti si Godesha. "Ako pa ba?"

"Malapit na nga pala ang birthday mo." Saglit na nagbilang si Nimuel. "December 25 . . . Tatlong buwan na lang magse-seventeen ka na."

Parang gumuho ang mundo ni Godesha, What a remarkable birth date for a former demon such as myself. So demonic. Pwede namang February 15 kung kailan isini-celebrate ang Lupercalia. Napakaganda sana ng araw na 'yon! Bakit December 25 pa? "Whatever, Virgin Boy." Pang-aasar ni Godesha sa binatang nagkulay kamatis na naman ang mga pisngi. Naalala tuloy niya ang cherry tomatoes dahil sa kulay ng mga pisngi nito. 

"Mona naman! H'wag mo akong tawagin ng ganiyan. Masyado akong abala sa trabaho at pag-aaral para isipin ko pa ang mga gano'ng bagay."

"So, hindi mo itinatanggi?"

Napayuko na lamang si Nimuel. Totoo naman kasi ang sinasabi ng pinsan. Siguro nga nakakapag-isip siya ng isang karelasyong babae kung minsan lalo na kapag nakakakita siya ng mga magkakaparehang naglalakad sa kalsada na magkahawak pa ang mga kamay tuwing Valentine's Day. Napatingin tuloy siya bigla sa palad niya. "Hindi pa nga ako nakakaranas makipag-holding hands tapos iisipin ko pa ang tungkol sa bagay na 'yan? Mag-aaral na muna ako at magpapakayaman. Nandiyan ka naman kaya hindi ako nalulungkot." Seryosong tugon niya kay Godesha. Nakangisi naman ng makahulugan ang dalaga nang tignan niya. Bigla tuloy siyang napahawak sa magkabilang bahagi ng ulo, napagtanto ang mali sa linyang nasabi kanina. "P-pasensya na, Mona, h-hindi ko sinasadyang magtunog wirdo. Please lang, mahal kita, pero h'wag kang mandidiri sa'kin. Ang ibig ko lang sabihin ay kontento na akong kasama ka. 'Yun lang naman. Sorry!"

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon