3.1

107 22 34
                                    

KAPITULO TRES:
Wakas ng Indulhensiya

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Mas mabuti na kaysa noong Sabado. Salamat, Octavo."

"Saka ka na magpasalamat sa oras na gumaling ka na. Kumusta naman ang tita Dalisay? Mahilig pa ring matulog?" 

"Uy, uy! Tita Isay lang. Ayaw niyang binabanggit ng buo ang pangalan niya." Octavo just chuckled though. Maliit na bagay lang naman kasi ito sa kaniya. "Baliw ka talaga! Alam mo namang ayaw no'n na pinagtatawanan siya!"

"Mas baliw sa'kin yung Esha na 'yon. Tignan mo nga yung ginawa niya sa'yo."

"A-ayoko na ngang maalala." Napayakap siya sa katabing bolster pillow. Hanggang pataligid na higa lang sa kama ang kaya niyang gawin habang nakasandal ang likod sa pader. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ng kaibigan na nakaupo sa sahig para magpantay sila. "Pakiramdam ko hindi na ako katulad ng dati pagkatapos ng araw na 'yon."

"Teka lang, bakla ka na ba?"

"S-sira! Ang ibig kong sabihin, parang nagising ang natutulog na moralidad sa katawan ko, Octavo. Sawa na akong magkasala. Biyaya na nga sa'kin na nakauwi pa ako bago mag-gabi dahil kung hindi, baka kung ano ang nangyari sa'kin."

"Lasing na lasing ka nang makasalubong kita sa daan tapos binuhat kita bridal style."

"Gago! Siraulo ka! Bakit hindi mo na lang sabihin na kinaladkad mo ako sa paa? Mas matatanggap ko pa 'yon."

"Didn't you learn how to say thank you to your Savior? Ungrateful, bitch. Kinaladkad na nga lang sana kita." Napansin ni Octavo ang pangingilid ng luha sa mata ng kausap. Emotional brat. Napabuntung-hininga siya. Ang lakas ng loob makagamit ng salitang gago, pero nagiging balat-sibuyas kapag minura pabalik. "Ang mahalaga, alam mo na ngayon ang pakiramdam ng isang rape victim at natuto ka na."

"Oo! Natuto ako ng husto, Octavo! Isang beses ko lang ginawa 'yon. Nabulag lang ako. Hindi naman ako adik at hindi rin naman ako lasing no'ng pinagtangkaan ko si Godesha kaya mahirap para sa'kin na tanggaping magagawa ko pala ang bagay na 'yon."

"Sinubukan mo na bang magpa-test for bipolar disorder?"

"Ang sama mo! Hindi ako baliw. Nasa katinuan ako nang ginawa ko 'yon at doon ako nagtataka. Pero seryoso, pakiramdam ko may sanib ako ng araw na 'yon. Kilala mo ako, mahilig akong mangulit, pero hindi ako rapist. Hindi talaga! Siguro kailangan ko lang kilalanin ng husto ang sarili ko. Ayoko ng makipag-date kahit kanino. Ayoko na. Baka kasi makakilala pa ako ng panibagong baliw katulad ng Godesha na 'yon! Nakakatakot magalit ang mga babae, Octavo. Nakakatakot." Saglit na nanginig si Argon nang maalala ang mga ginawa ni Godesha sa katawan niya! "Mag- . . . mag-pari na lang kaya ako?"

"Tapos mangri-rape ka ng mga madre? Mas makasalanan 'yon. Saka hindi bagay sa pangalan mo ang Father Argon Aristoph Aragones."

Napangiwi si Argon. "Pwede naman siguro nila akong tawagin na Father Aris, 'di ba? Mas magandang pakinggan. Palagay mo?"

"Hmm, pwede na? Sabihin mo agad sa'kin kung saan ka madedestino nang makalayo agad sa simbahang 'yon."

"Gago! Kailan ka ba nagsimba? Simula pagkabata natin, ni hindi kita nakita sa simbahan. Natatakot ka sigurong masunog, ano? Demonyo ka kasi," sabay tawa na sibayan ng isa.

"Bingi ka. Sinabi ko bang magsisimba ako?" Tatayo si Octavo at papagpagin ang likuran. "Kakayanin mo na bang pumasok bukas?"

"Magagalit si tita Isay kapag nagpatuloy ako sa pag-absent. Palagay ko hindi na tatalab yung sakit ng tiyan sa kaniya."

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon