3.4

100 20 31
                                    

Akala niya ay magtatagal ang kapayapaang dulot ng mahimbing na pagtulog, hindi pala. Ginising siya ng matinding sakit na nagmula sa kanang hita. Pinilit niyang imulat ang mga mata upang tignan ito.

Kutsilyo

Nakabaon ito ng husto at umabot hanggang buto!

Sobrang sakit!

Gusto niyang sumigaw, pero hindi niya magawa. Bukod kasi sa packing tape, may isa pa siyang problema sa loob mismo ng bibig niya! Agad na natukoy ni Godesha kung ano ito nang makita ang mga natirang piraso ng binasag na baso sa sahig at maramdaman ang lalong pagbaon ng matatalim na dulo nito sa bawat sulok ng kaniyang bibig na patuloy pa rin sa malayang pagdurugo. Nakakatawang isipin na dugo lang niya ang malaya at hindi siya. Muntik na siyang mainggit kung hindi lang mas lamang ang nararamdaman niyang galit sa demonyong nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kaniya, nakangisi at patawa-tawa. Halatang ninanamnam nito ang anyo ng tagumpay sa mortal na katauhan ni Godesha. 

Namamanhid na rin ang mga braso't binti niyang kanina pa nakatali ng mahigpit gamit ang makapal na tape sa magkabilang bahagi ng sandalan at unahang mga paa ng upuan. Umaasa siyang hindi naman sana ito ang maging huling tanghalian niya. 

Huling tanghalian. 

Yes, that sounds vaguely familiar. Kaso hindi naman itinali ng taksil sa labing-dalawa ang mga kasama niya pagkatapos ng naging hapunan nila. In fact, ginamit niya ang tali sa sariling leeg. Okay, doon siya muntik matawa. That was one of the funniest moments in biblical history ayon sa sense of humor nilang mga demonyo. 

Akala ni Godesha ay dadalhin siya sa malayo ng kaniyang mortal na kaisipan, subalit matinding magbaon sa reyalidad ang kutsilyo sa hita niya. 

Nasa matinding panganib siya at hindi gaya ng mga tao na may malalapitang demonyo kahit ano'ng oras, araw at pagkakataon, tanging ang walang hanggang kamatayan sa mundo ng kawalan ang makakadaupang-palad niya mamaya.

Pero buhay pa siya, ibig sabihin, may pagkakataon pang makatakas. 

Tama. Buhay pa siya. 

Buhay pa.

Hanggang kailan naman kaya?

Stop overthinking! It's not helping at all. Pinagmasdan na lang muna niya si Corvitel at kung ano ang sunod nitong gagawin sa kaniya.

"Magandang dapit-hapon sa'yo, kapwa ko demonyo." Masayang pagbati nito.

She has to stop panicking. Nasa estado siya na kailanman ay hindi niya pinangarap. Siya dapat ang gumagawa nito sa mga mortal na nasa listahan ng susunod niyang kakainin! Naalala niya bigla si Nimuel at nagpalinga-linga. Silang dalawa lang ni Corvitel ang naiwan sa dining area. Gusto niyang malaman kung saan naroon ang pinakamahalagang tao sa kaniya at doon lang mawawala ang matinding kaba sa puso niya. Nakaagaw ng pansin ni Godesha ang ginawang pagkatok ni Corvitel sa isa sa mga nakasarang pintong naroon. Ito ang silid-tulugang itinuro sa kanila ni Mr. Ilyakov kanina. 

"Itinago ko muna sila, tutal naman hindi natin sila kakailanganin dito. Tama na siguro ang isang ako sa pagchi-cheer sayo, 'di ba?"

Dismayadung-dismayado siya na makitang na kay Corvitel ang upper hand. Magpakasaya ka sa ngayon. Kawawa ka sa'kin kapag nakawala ako dito. At kung hindi man, well, siguro nga mas maswerte ka lang sa'kin. Lalong tumalim ang mga titig ni Godesha sa kapwa demonyo.

"Ano 'yon? Masakit ba? Sandali lang at ia-adjust ko ang kutsilyo."

Mariing napapikit si Godesha. Damang-dama niya ang pag-ikot ng talim sa kaniyang laman! 

"Pwede na ba sa'yo 'yan o may reklamo ka pa rin? Ah! Siguro gusto mo ng pantay na butas sa magkabilang hita, ano?"

Mangiyak-ngiyak siya nang dahan-dahan itong hugutin ni Corvitel at napakuyom ang mga namumutla niyang kamao sa muling pagbaon nito sa kabilang hita niya. 

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon