2.1

117 21 23
                                        

KAPITULO DOS:
At Nagkapaa ang Kasinungalingan

"E-Erica?! Ano'ng . . . ano'ng ginagawa mo rito?" Pagtatakang tanong ni Argon nang buksan ang pinto sa tinitirahang bahay ng tita niya. Basang-basa sa ulan ang dalaga at napadako agad ang tingin niya sa dibdib nito kung saan maaaninag ang puting panloob.

"Kung saan-saan ka nakatingin. Heto ang ulam, kainin mo 'yan okay?"

Garapal niya itong iniabot kay Argon na tuwang-tuwa namang tinanggap ang tatlong tupperware na may lamang iba't ibang ulam. Nakita niyang sinilip ito ng lalaki.

"Bawal si tita sa karne kaya ako lang ang kakain nito ngayong gabi!" Nakakaloko sa pandinig ni Godesha ang naging tawa ng kaklase. Akala mo ay may nasabi itong matalinhagang salita at grabe ang tiwala sa sarili. Godesha can't see what's the big deal with sharing meals anyway. "Salamat nga pala dito."

"Luto ko 'yan."

"T-Talaga?! Nagluto ka ng ulam para . . . sa'kin. Sabi na nga ba't hindi mo ako matitiis!" Makahulugan niyang hinablot ang braso ni Godesha at hinimas-himas ito. "Alam kong babalik ka rin sa'kin. Namiss mo ang alaga ko, 'no?" Tinangka niyang halikan sa lábi ang dalaga na maagap siyang inawat sa pamamagitan ng paglapat ng kamay sa kaniyang noo. "Nahihiya ka ba? Pwede natin 'tong ituloy sa loob. Tamang-tama, tulog na si tita Isay. Tara."

"May request lang ako sa'yo, Argon," magiliw na pakisuyo ng babae. Madali namang nakuha nito ang interes ng kausap. So easy.

"A-ano 'yon? Sabihin mo kahit ano, gagawin ko."

"H'wag kang mangangako sa'kin ng ganiyan dahil . . . baka matuwa ako."

Palipat-lipat ang mga mata ng lalaki sa mapupulang lábi at malulusog na dibdib ng dalaga. As a former demoness, it's quite flattering. May alindog rin palang itinatago ang taong-sisidlan niya. Kailangan lang ng kaunting confidence and voila! Isa na siyang ganap na femme fatale.

"H'wag ka ng mahiya! Sabihin mo na kung ano ang gusto mo, ibibigay ko. Seryoso ako."

Lumapit si Godesha sa kanang tainga ng lalaki at bumulong. "Maghanap ka ng abandonadong gusali na para lang sa'ting dalawa and I will let you do whatever you want on me. Break me." Pagkatapos ay dali-daling siyang umatras ng tatlong hakbang bago pa tuluyang masunggaban ni Argon.

Napahawak naman agad ang lalaki sa harapang bahagi ng salawal na bahagyang umumbok sa narinig. "Bakit hindi pa ngayon, Erica? Tulog naman ang tita ko. Matanda na 'yon kaya hindi na niya tayo maririnig. Tara na sa loob!"

"'Yan ang ayaw ko sa'yo! Ang boring mong kalaro. Bahay ng tita mo? Seriously, Argon? You know what, try to be creative and spice things up a bit. Akala ko pa naman ready ka na sa mga hot surprises ko. Hindi pa pala." Nag-pout pa si Godesha to show how cutely irritated she was gamit ang maamo at inosenteng mukha ng taong-sisidlan niya. She really likes her appearance as Mona Devila the most.

"S-surprises? Ready ako! Ready. Promise. Ite-text kita bukas na bukas kung saan tayo pwedeng magkita. Same pa rin naman ang number mo, hindi ba?"

"Actually," base sa memories ni Erica, nagchange na siya ng number dahil wala kang sawa sa pagtetext at tawag sa kaniya, "nagpalit ako ng new SIM. Ang dami kasing scammers na tumatawag sa dati kong number." Kinuha ni Godesha ang phone ni Erica, "Natatakot akong baka hindi mo naman ako siputin," at iniabot kay Argon. "Ganito, let's exchange cellphones."

"P-Pero---"

"---May mga nakakatuwang bagay sa loob ng phone ko. Tinanggal ko na rin ang passcode niyan kaya easy access na for you," sabay kindat.

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon