3.3

103 21 31
                                    

"Housewarming party po pala ninyo ngayon, Sir?" Magiliw na tanong ni Godesha kay Mr. Ilyakov. Tumango lang ito. "Bakit ngayon lang po?"

"Obvious ba? Syempre kalilipat lang niya ng bahay dito." Pang-aasar ni Lavios.

"Ay, gano'n ba? Masyado mo yatang alam ang mga bagay-bagay tungkol kay Sir Ilyakov? Pati first name niya ginagamit mo na."

Naku naman! Gulo nga ito! "Esha, nakakalimutan mong gumamit ng 'po', teacher ang kausap mo." Bulong ni Nimuel sa pinsan.

"I'm sorry. Masyadong bata tignan si Sir Lavios. Nakalimutan ko tuloy ang paggalang sa kaniya."

"Mamaya na kayo mag-away. Kumain na muna tayo. Maupo kayo." Kalmadong pag-awat ni Sir Ilyakov na nakaupo na sa kaliwang bahagi ni Lavios. Sa kanan nito naupo si Nimuel. Kinuha naman ng pinsan niya ang natitirang bakanteng upuan kaharap mismo ang kinaiinisan guro.

Aminado siyang masarap ang mga nakahaing pagkain sa lamesa. May tatlong putahe ng ulam doon---menudo, nilaga at lechon manok. In-order siguro ng lalaki sa kakilala niyang nakakapagluto sa lugar dahil malinis ang buong bahay at walang amoy ng nilutong mga pagkain. Naroon din ang paborito niyang pancit bihon. Isang pitsel ng malamig na orange juice ang inumin at isang malaking plato ng kanin. Nakahanda na rin ang mga gagamitin nilang plato, kutsara at tinidor. Talagang pinaghandaan ang okasyon na 'yon. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman niya maramdaman ang gutom. Pakiramdam ni Nimuel ay nasa pagitan siya ng nakamamatay na staring contest nila Godesha at Sir Lavios. Kapwa sila nakangiti, pero damang-dama niya ang inis ng dalawa sa isa't isa.

"Nandoon ang lababo kung gusto niyong maghugas ng kamay."

Sinundan ni Nimuel kung saan nakatingin ang gurong walang ka-emo-emosyon. Kung ibang guro ang nag-imbita sa kanila, naisip niyang baka napalayas na sila ng mga oras na 'yon. Naroon nga ang lababo sa may bintanang nakaharap sa daang tinahak nila ng pinsan kanina. Simple lang ang disenyo ng bahay. Kung tatayo ka mula sa balkonahe, kusina at hapag kainan ang makikita mo sa kalahati ng pangalawang palapag samantalang ang kanang bahagi ay nahahati sa dalawang kwarto. Siguradong isa doon ang comfort room samantalang ang silid-tulugan naman ang nakakuha ng kanang bintanang natanaw niya mula sa labas. "P-pahugas po sana ng mga kamay, Sir. Tara, Esha. Hugas muna tayo ng kamay."

Marahan niyang hinatak ang pinsan patungo sa lababong ilang hakbang lang naman ang layo mula sa lamesa. "Baka mapahamak ka kapag hindi ka nagpakabait. H'wag masyadong mainit ang ulo, Esha."

"Sorry, sweet bean. I can be on my best behavior today. Promise!"

"Promise 'yan, ha?"

Isinandal ng dalaga ang ulo sa balikat niya habang naghuhugas sila ng kamay. Sa wakas, nawala rin ang inis nito. Hindi alam ni Nimuel na may mahika ang boses at pangaral niya na nakapagpapakalma sa galit ni Godesha. "Sorry uli."

"Balik na uli tayo sa lamesa?"

Nakangiting sasagot si Godesha ng, "Sige!"

Paglingon nila sa hapag kainan, nakatingin na ang dalawang guro sa kanila at naghihintay. Mabilis na naupo si Nimuel sa parehong pwesto kanina at hihingi muli ng pasensya.

"Alam mo masyado kang magalang, Nimuel. Sigurado ka bang magka-anu-ano talaga kayo ni Godesha?" Tanong ni Lavios habang nakuha ng manok at kanin. Si Mr. Ilyakov naman inuna ang pancit. Nakatingin ang binata sa mismong handang 'yon na nasa lamesa. 

Taon na rin ang lumipas noong makatakim siya nito na siyang huling lutong natikman niya mula sa ina. Nagluto ang nanay niya ng pancit bago bumiyahe kasama ang tatay niya at ang mga magulang ni Godesha. Lagi niyang iniisip na hindi dapat ikalungkot ang mga bagay na nakakapagpa-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, sa halip, maging paraan ito ng paggunita sa kanila. Kukuha rin siya ng pancit pagkatapos ni Sir Ilyakov. Ginaya na lamang niya si Godesha at kumuha na lang muna ng orange juice.

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon