2.4

109 21 27
                                    

"Your name?"

"Corvitel Lavios po. Maga-apply po sana akong teacher sa kahit ano'ng bakanteng asignatura." Maaliwalas ang ngiti ng aplikanteng may maputlang balat, balingkinitang pangangatawan at hindi katangkaran. Napansin niyang inuusisa ng prinsipal ang kulay pilak niyang buhok kaya nagpaliwanag na siya bago pa man pagdudahan ang kredibilidad niya. "Kung mapapansin po ninyo, gano'n din po ang kulay ng kilay ko, pilikmata at ng ilang hibla ng buhok sa braso na posibleng makita agad ng mata. May sakit po ako sa dugo at kulang sa tinatawag nilang pigment cells para sa hair follicles na siyang dahilan ng pagputi agad ng buhok ko."

"Ibig sabihin hindi mo rin 'yan pwedeng pakulayan ng itim gawa ng gagamit ka ng kemikal at masama 'yon sa kalagayan mo?"

"Gano'n na nga po."

"I can see that you're smart in science and you're good at explaining things na magagamit mo sa ibang subjects gaya ng Values at Makabayan. Base dito sa resume mo, you took Bachelor of Science in Secondary Education and you majored in English. Natapos mo?"

". . . Hindi po. Hanggang third year lang po ang natapos ko."

"Oh, an undergrad. And why should we hire you then?"

"May experience po ako bilang school volunteer teacher sa . . . orphanage na kinalakihan ko na siya ring nagpaaral sa'kin."

Bahagyang natigilan ang prinsipal. "Lumaki ka sa orphanage? So itong three years of teaching experience mo ay galing dito sa," babasahin niya ang nakasulat sa papel, "Agrafina Ceres Orphanage habang nag-aaral ka?"

"Opo. Si Sister Fina po ang may-ari ng orphanage at ang mabuting taong kumukupkop ng mga bata sa lansangan na wala ng pamilya at tahanan. Doon na po ako lumaki at nagkaisip. May maliit na paaralan po sila mula kinder hanggang grade twelve. Nagsimula akong magturo ng iba't ibang asignatura sa edad na labinlima. Nahinto lang ako sa pag-aaral nang . . . magkasakit ako last year. Ngayong mas maayos na ang pakiramdam ko, magta-trabaho naman po ako para sa mga bata ng orphanage namin."

Kakaiba ang kislap ng paghanga sa mga mata ng prinsipal. Subalit alam niyang hindi siya pwedeng tumanggap lang basta-basta ng bagong guro. He needs to ask two more questions. "Paano ka nga pala naging third year undergrad sa edad na nineteen, hijo?"

"Accelerated po ako. Hindi po ako gano'n katalino, pero masipag po akong mag-aral at matuto."

That's it. Ngumiti siya sa binatilyo at sinabing, "You have more than enough teaching experience for this job, Mr. Lavios, and you, being a third year undergrad, is not an issue anymore. Nasa unang tatlong taon ang mahahalagang kaalaman sa pagtuturo samantalang experience naman ang sa huling taon. You have all the requirements we need." Tatapikin niya ang mga dokumentong nasa ibabaw ng desk. "Sa ngayon, bakante pa ang history subject dahil nagpapahinga pa si Ms. Ponciano, ang guro para sa subject na 'yon. Habang wala siya, pupwede kang mag-sub muna sa mga classrooms niya. Ilan lang ang grade and sections na tuturuan mo sa ngayon. Kakayanin mo ba?"

"Opo naman! Ipinanganak po talaga ako para magturo."

"Kung gano'n ay aasahan ko ang mahabang pasensya mula sa'yo. Kumusta na nga pala ang lagay mo, medically speaking?"

"Mabuting-mabuti po. Sabi ng doktor na tumingin sa'kin, milagro daw po ang paggaling ko. Siguro babalik na sa itim ang buhok ko, hindi ko nga lang po alam kung kailan. Pagdating naman sa problema ko sa dugo, may maintenance po akong gamot para doon. Ito na po siguro ang tinatawag nilang second chance? Wala po akong balak na sayangin ang buhay na 'to sa hindi pagkilos. Gusto ko pong magkaroon ng direksyon ang buhay ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataang makakasalamuha ko. Hayaan niyo po sana na maipakita kong karapat-dapat po ako sa school ninyo."

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon