1.3

135 20 91
                                    

"Narinig mo na ba ang balita, Janice?"

Papuputukin ni Janice ang pinalobong bubble gum at ngunguyain uli ito. "Para kang praning. Try mo kayang mag-relax, ano?"

"Kapag narinig mo ang ibabalita ko, good luck na lang sa'yo kung makapag-relax ka pa!" Naupo muna si Erica sa upuang katabi ng sa kaibigan. "Buwisit naman! Akala ko natuluyan na."

"Bakit, ano ba 'yang tsismis mo para sa'kin, bessie?" Napanganga si Janice nang makita ang taong pumasok sa pinto ng classroom nila. Sa lahat ng taong inaasahan niya, ito na yata ang nasa pinakahulihan ng listahan. Nakatalikod sa pinto si Erica at abala sa pagsusuklay ng mahaba nitong buhok kaya wala itong kaalam-alam sa kung sinumang nasa likuran niya ngayon.

"Magaling na raw si Godesha at papasok na siya ngayon!" Hihinaan niya ang boses at lalapit ng bahagya kay Janice. "Hindi pa namatay ang gaga."

"Sorry to disappoint you, girls."

Nanigas sa kinauupuan si Erica at saka lang niya nakita ang pamumutla ng mukha ni Janice bago siya tuluyang lumingon. Sa likod niya, naroon at nakatayo ang isang masigla at mas magandang Godesha Devila. Pakiramdam niya ay ibang tao na ito dahil sa nakakatakot na aurang nakapalibot sa babae. "G-Godesha?"

"Yes, it's me, mga bessie." Nagpunta ang former demoness sa harapan ng dalawa at tumawag ng estudyanteng lalaki. "Psst! Pogi. Yes, ikaw nga. Halika dito at pakibuhat itong bangko paharap sa kanila, please? Thank you."

Tulalang nakamasid ang dalawang babae kay Godesha. Ibang-iba na ang dating ng dalaga. Nagawa pa nitong papuntahin agad ang lalaking kamag-aral upang utusang iharap ang bangko sa kanila kahit káya naman niya itong gawin mag-isa! Ngayon lang nila nakita si Godesha na unang tumawag at kumausap ng lalaki. Talagang nakakapanibago at higit sa lahat ay nakakatakot.

"Sana maasahan uli kita next time? Ano'ng pangalan mo?"

"A-ako si Ziwo."

"Last name?"

"Espiritu."

"Pfft, talaga ba?"

Natuwa naman ang lalaki na napasaya ang former demoness at nagsimula silang magkwentuhan ni Godesha na para bang matagal ng magkakilala. Inis na inis naman si Erica dahil ito ang ultimate crush niyang may crush naman kay Godesha. Sabi na nga ba't malandi ang gagang 'to!

"Bye, Ziwo! Usap tayo later."

"O-oo naman! Sabay tayong mag-lunch mamaya?"

"Makakatanggi ba ako?"

"Sorry, but that's not an option. Sige, iwan ko muna kayo. Gagawin ko pa kasi ang homework ko. Later, Godesha."

Kumaway pa si Godesha sa lalaki at nang humarap kina Erica at Janice, may mapang-asar na siyang ngiti para sa dalawa. "Hindi ba 'yon ang crush mo, Erica? He's such a nice boy to the point that I want to devour him whole. Secret lang natin, ha?" Pabulong niyang sabi. Kanina pa naman nahalata ni Erica ang pang-aasar niya. Hindi nga lang makapag-react ang babae dahil nai-intimidate siya kay Godesha. "So iba na ang crush mo? I like his face and he has a good body. Akin na lang siya, ha? Walang bawian."

"You know that I like him very much, you bitch!" Nanggigigil na bulong ni Erica. "Subukan mo siyang agawin sa'kin, masasaktan ka uli!"

"Oh . . . you were talking about that time?" Kinabahan ang dalawa. "You know what, malala na ang asthma ko and that dusty storage didn't help at all. Sana sa classroom niyo na lang ako ni-lock or maybe sa damuhan somewhere, mas malinis pa, pero kung hindi ako hinika, that rape scene would have been reversed."

SINS to REMEMBER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon