Simula

80 33 8
                                    

"Rain, ayos lang ba talaga?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ng kaibigan kong si Neya, "Bakit naman hindi magiging ayos?"

Huminga ito nang malalim, hindi na muling sumagot at ipinagpatuloy na lang ang pag i-impake.

"Kung ayaw mo naman, uh, ayos lang kung ako na lang."

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago muling itinuloy ang ginagawa. Bumuntong hininga na lang din ako't isinara ang maleta.

Bukas na kami aalis, nakapagpaalam naman na kami sa mga magulang namin. Natutuwa si mama dahil aniya'y magandang marami kaming experience bago kami tumuloy sa ibang bansa. Ang mga magulang naman ni Neya'y pabor din na sa malayo kami makapagtrabaho, anila'y mas makakaipon kami at para na rin matuto na kaming mamuhay mag isa.

After graduation, naging busy kaming pareho sa pag aayos ng resume para sa pag a-apply ng trabaho. Hindi rin gano'ng naging madali dahil nakapagtapos ma'y mahirap pumasok sa mga kompanya. Ang hirap pa dahil hindi naman talaga business management ang pinangarap naming kurso. Pero ayos lang naman, sa ilang taon ding pag aaral ay nagawa na rin naman namin itong mahalin.

Magkasama kami ni Neya sa bourding house mula pa noong college. Hindi na rin kami nagkahiwalay dahil parehas naman kaming natanggap sa parehong kompanya. Ngayon ay sinabi sa amin ng manager na ililipat kami sa Manila. Hindi ko naman talaga sana iyon tatanggapin. Ang kaso...

"Mas mapapadali rin kasi ang promotion niyo, marami rin naman kayong lilipat. Pag isapan mong mabuti."

We both need a better experience. Kalahating taon na rin naman kaming halos nagtatrabaho sa kompanyang 'to at wala namang naging problema. Maayos ang sahod at maayos ding mantrato ang mga katrabano, gaano man kataas ang posisyon nila sa 'yo.

Dahil maaga kaming natulog ay maaga rin kaming nagising. Alas otso pa naman ang sinabing oras nang pag punta namin ng pier pero dahil alas kwatro pa lang ngayon ay marami pa kaming oras.

Gano'n pa man ay agad na 'kong naligo. Malamig ngayon dahil ber months kaya marami rin akong dalang hoodies at jackets. Hindi naman din ako sigurado kung hanggang kailan kami magta-trabaho roon. Pero siguro nama'y hindi aabot ng isang taon.

I wore a simple white formal dress partnered with a pair of black sandals. Kinuha ko rin ang denim jacket para kung sakali mang lamigin sa byahe mamaya.

Matapos kong maligo'y si Neya naman ang sumunod. Napagkasunduan din naming sa labas na lang kumain para hindi na namin kailangang magluto at maghugas ng plato. Inayos ko na lang muna ang buhok ko habang nag hihintay sa kaniya.

Dahil matagal itong maligo'y nagawa ko pang mag bukas ng social media accounts ko. Inuna ko ang facebook, as usual, wala namang bago roon. May mga messages lang na natanggap galing sa ilang kaibigan at notifications dahil sa dami ng aking shared post.

Matapos doon ay nagpunta akong twitter. May kaunting likes dahil sa iba't iba kong tweets. Napangiti rin ako sa ibang mga nakita at dahil relate ay ni-retweet iyon. Sa huli'y nag tipa ako.

@rainn_
Hopefully.

Iyon lang at nagpatay na ako ng data. Hindi talaga ako masiyadong tumatambay sa instagram dahil hindi rin naman ako nag po-post. I'm not that confident o sigurong hindi lang talaga ako sanay.

I live a very private life. Kung sa social media'y puro memes at kaunting rants ang laman ng accounts ko, sa real life naman ay bilang na bilang lang ang kaibigang meron ako. I don't trust people... kung meron man akong pinagkakatiwalaan, si Neya lang iyon.

Matapos ang ilan pang minuto'y lumabas na rin ito sa banyo. Napangiti ako nang makitang halos parehas kami ng suot. Gusto ko pa sana siyang asarin na gaya-gaya pero dahil alam kong med'yo nagtatampo siya sa 'kin ay hindi ko na ginawa.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon