Kabanata 14

22 18 0
                                    


Mag kahawak-kamay kami pag labas ng kotse at ganoon na rin papasok sa loob, nag titinginan tuloy ang mga kasamahan sa trabaho. Agad din naman silang ngumingiti at bumabati.

Nakangiting lumapit sa 'kin si Tita Jen para bumeso, "I have a gift for you," bulong pa nito.

Inilapag ko na muna ang regalo sa ilalim ng malaking Christmas tree. Kulang pa kami kaya hindi pa nag sisimula, tumulong na lang muna ako sa pag aayos ng pagkain.

Chicken, spaghetti, carbonara, palabok, pancit, pizza, fries, shanghai, chocolate cake at lechon ang lahat ng iyon. May mga inumin ding alak, tubig at soft drinks.

Nang masigurong kumpleto na ay nag simula na kami. Nag patugtog si Arly matapos naming mag batiang lahat.

Tumabi sa 'kin si Jes, "Sabi ni Papa, sa iyo na raw ako tumabi," ngiti nito, "Advance Merry Christmas, Ate Rain!"

I smiled, "Merry Christmas, baby girl."

She giggled, niyakap niya rin ako kaya agad akong natawa. Tiyak na magiging close sila ni Ryz, halos parehas silang sweet at clingy.

"Bago tayo kumain, sayaw muna tayo!" sigaw ni Belle bago patakbong pumunta sa sound system para siya na ang mag request ng kanta.

Nag tawanan ang lahat at agad na sumang-ayon.

Gulat ako nang tumugtog ang paborito kong kanta. Ang Perfect, tumayo na ang halos lahat kasama ang kani-kanilang partner. At dahil mas marami ang babae at konti lang ang lalaki, halos babae rin ang partner ng iba.

"Sayaw kayo ni Kuya, Ate." Kinagat ni Jes ang labi niya matapos 'yong sabihin. Tumingin muna ako sa mga magulang nilang sumasayaw din, ang sweet nilang tingnan.

Kung siguro'y ganito na sila noon pa, tiyak na lalaking masiyahin si Jec. Pero sabagay, at least natuto ang lalaki. Base rin kasi sa kwento ni Tita, umayos lang ang relasyon nila ni Tito nang ipanganak si Jes. At ilang taon din ang age gap nito sa Kuya niya, hindi ko maisip kung paanong tiniis ng boyfriend ko ang lahat ng problema nila sa pamilya.

The boyfriend doesn't sound right. O baka hindi lang talaga 'ko sanay. Winala ko na lang 'yon sa isip at mas nag focus sa ibang bagay.

Babaling pa lang akong muli kay Jes nang may mag lahad ng palad sa harap ko.

"Can I?" Ngiti ni Jec. Kinikilig na halos itulak na ako ng kapatid niya palapit dito. Inayos ko muna ang buhok ko at saka inilapag ang bag sa upuan bago ko tinanggap ang nakalahad niyang palad.

Ang init no'n ay agad na dumaloy din sa katawan ko. Tila ba hinihintay lang nito ang hawak niya na kahit air conditioned ang buong room ay magagawa nitong painitin ang nararamdaman ko.

Iginiya niya 'ko sa gitna, tumabi ang mga nakaharang na sumasayaw para bigyan kami ng daan. Nang makontento siya sa kung nasaan kami ay saka niya nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Nanginginig naman ang kamay ko habang ipinapatong iyon sa balikat niya.

Mas hinigpitan niya ang hawak sa 'kin kaya mas nag lapit din kami. Nang igalaw niya ang mga paa'y sinabayan ko na 'yon.

Nag tagal kami sa gano'ng posisyon hanggang sa pinagdikit niya ang mga noo namin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pag tibok ng puso ko, nag aalala't nahihiya rin akong baka naririnig niya rin ito.

He hugged me, "Parang kailan lang, ipinangako ko 'to sa 'yo."

Kung kanina'y ikinakahiya ko pang marinig niya ang tibok ng puso ko, ngayon ay wala na 'kong pakealam. Ako na ang kusang mas nag lapit ng katawan namin sa pamamagitan ng pag yakap. I hugged him tight.

"I love you..." namamaos niyang sabi, "Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, love."

Hindi pa 'ko nakakasagot ay tinawag na kami ni Tito Lim para kumain. Halos gusto kong mag palubog sa lupa nang makitang ang lahat ay nakatingin sa 'min, tila inaalam kung anong pinag-uusapan at bakit kami biglang naging emosiyonal.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon