Kabanata 2

56 31 5
                                    


Hindi ko alam kung paano akong nakalabas ng opisinang 'yon sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy ay hingal na hingal ako nang makabalik sa lamesa.

Walang nakapansin sa 'kin dahil abala ang lahat. Kinuha ko na lang ang pulbos at liptint para maglagay no'n, pakiramdam ko'y namumutla ako. Hindi nga ako nagkamali dahil nang tingnan ang itsura sa salamin ay pansing pansin iyon, morena ako kaya halatang halata. Mabuti na lang talaga't abala si Neya ngayon dahil paniguradong mag aalala siya kung makikita niya 'kong ganito.

"You're familiar."

Two words. Iyon lang naman ang sinabi niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Sa totoo lang, wala naman na dapat akong pake. Masiyado nang matagal ang lahat at pilit ko naman nang ibinaon ang mga 'yon sa limot, kaya para saan pa't kailangan kong umarte ng ganito ngayon?

Pumikit ako't pilit pinakalma ang sarili. Nang med'yo naging ayos na'y itinuloy ko na lang ang ginagawa.

Dilim na nang nakarating kami sa bahay. Nagbuhay ako ng ilaw at dire-diretsong pumunta sa kwarto para ilapag ang bag, kumuha rin ako ng suklay para ayusin ang magulo kong buhok.

"Kung magluluto pa raw ba tayo o kakain na lang sa labas?" tanong ni Neya pagkasara ng pinto, hinubad niya ang uniform niya't nagpalit ng white t-shirt at pajama.

"Kain na lang sa labas. Palit lang din muna ako."

Tumango lang ito kaya't pumili na lang din ako ng komportableng damit.

"Lamig ngayon, grabe," reklamo nang reklamo si Kier, anito'y naiinis siya't sando pa ang isinuot niya. Natatawa na lang tuloy kami sa iritadong mukha niya. Alam naman kasing ganito ang panahon, ganoon pa ang napiling isuot.

Sa restaurant malapit sa tinutuluyan lang kami kumain. Hindi na rin ako nag abalang magbayad ng order ko dahil nangako naman si Clair na ililibre niya 'ko.

"Ano ngang nangyari, Rain?" kanina pa 'kong inuusisa ni Belle, naririndi na rin ako sa paulit-ulit niyang tanong kaya nag desisyon na rin akong sabihin sa kaniya, kahit binalak ko namang hindi na dapat.

"Pumasok ako ro'n tapos tinanong niya lang ako kung bakit, pinapirmahan ko lang 'yung utos ni Clair."

Umismid siya, "'Yon lang?"

"Oo, 'yon lang."

Ngumuso ito't hindi na muling nagsalita. Tinitigan ako ni Neya habang nagkekwentuhan naman ang iba. Natahimik lang ang lahat nang dumating ang order at nagsimula na kaming kumain.

"Hindi ka na magha-half bath?" tanong ko pagkarating sa kwarto. Humilata na kasi agad ito sa kama.

"Maya-maya, I feel so tired."

"Ha? Marami ka bang ginawa?" nag-aalala akong lumapit dito, hinawakan ko pa ang noo niya para malaman kung mainit ba ito.

"Oa mo, masakit lang likod ko."

Huminga ako nang malalim bago nagpaalam sa kaniyang ako na lang muna ang maglilinis.

Habang nasa cr ay naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Akala ko'y hindi naman 'yon magiging big deal sa 'kin pero talagang kailangan ko pang mag isip nang mag isip ngayon. Nakakainis.

Ang dapat na fifteen minutes na paglilinis tuloy ay naging kalahating oras. Inis na inis tuloy si Belle sa 'kin dahil antok na raw siya'y hindi pa nakakapag half bath dahil sa kabagalan ko.

Magkekwento sana ako kay Neya pero pagkabalik ko sa kwarto'y mukhang mahimbing na ang tulog nito. Hindi ko na rin ginising dahil mukha talaga siyang pagod. Nakakaawa naman.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon