"Sige na, ako na riyan," pangungumbinsi niya habang inilalagay ang mga nagamit na pinagkainan sa lababo."Sigurado ka?"
Tinaasan niya 'ko ng kilay. Pinasadahan niya ng daliri niya ang kaniyang buhok bago dinilaan ang ibabang labi.
"Yes, maligo ka na."
Wala na 'kong nagawa kundi sundin 'yon. Nakahanda naman na ang pantulog kong damit kaya dumiretso na 'ko sa CR. Nando'n na rin naman ang tuwalya.
Unang buhos pa lang ay parang gusto ko nang tumigil. Ang lamig. Halos manginig na nga ako habang naglalagay ng shampoo. Sana pala'y nag half bath na lang muna ako tutal maliligo rin naman bukas.
Pero dahil nasimulan na'y wala na rin akong choice. Mabilisang pagligo na lang ang ginawa ko.
Natagalan nga lang ako sa pagbibihis dahil sinigurado kong tuyo na kapag lumabas. Iyon nga lang, tulo nang tulo ang aking buhok. Sa huli tuloy ay binalot ko na lang 'yon sa mas maliit na towel.
"Yes naman, Sir! Kanina ka pa?"
Nasa pinto pa lang ako'y rinig ko na ang malakas na boses ni Belle. Doon pa lang ay halata nang may tama ito ng alak. Nakumpirma ko nga 'yon nang pagbalik ko sa sala, nakahilata na ito sa sofa.
Naiilang na nakaupo sa gilid si Jec. Naka-krus ang mga braso nito habang seryosong nakatingin sa ibang mga kaibigan. Lahat kasi sila'y nasa lapag na ngayon, nakahiga o hindi kaya naman ay nakasandal sa sofa.
Napapikit ako bago lapitan si Neya. Napasapo ako sa noo ko nang bigla itong tumakbo palapit sa 'kin para yumakap.
"My beloved best friend!" animo'y proud niyang bati. Halos masakal na 'ko sa higpit ng hawak niya.
Tumayo rin si Jec nang makita niya 'ko. He smiled at me. Mukha ring natatawa siya sa ginagawa ng aking kaibigan.
"Oh, Sir! Andito ka pala!" pumikit si Neya't napahawak saglit sa kaniyang sintido. Ngumuso siya, "Lintik! Ang bilis ko talagang tamaan sa alak."
Maya-maya pa'y nagyaya na ang ibang pumunta sa mga kwarto nila para makatulog. Kinuha ko pa sila ng tubig para makainom naman do'n bago ako umupo sa tabi ng lalaki. Hinapit niya 'kong agad sa bewang kaya mas napalapit ako sa kaniya.
"I might sleep here," bulong niya.
Sasagot pa sana ako pero tinapik ni Clair ang pareho naming balikat ni Jec.
"Alagaan mo kaibigan namin, laging malungkot 'yan nitong mga nakaraang araw. Huwag mong sasak-Ano ba!" padabog niyang hila ng braso niya nang subukan siyang yayain ni Belle na makaalis na sa harap namin.
Nginitian ko na lang sila't hinayaan na. Hiyang hiya ako sa mga sinabi niya pero wala naman akong magagawa. Baka pa kapag sinabi ko 'to sa kaniya bukas, hindi niya na maaalala!
Bumuntong hininga ang katabi ko kaya sa kaniya ko na itinuon ang buo kong pansin. "Ano 'yon? Hmm?"
Umiling ako. "Wala 'yon, lasing lang."
Mukha siyang hindi kumbinsido pero sa halip na muling magsalita, niyakap niya na lang ako't ibinaon ang mukha niya sa aking leeg.
Pinatakan niya 'yon ng marararahang halik. "Don't overthink, 'kay? Magsabi ka sa 'kin."
Napangiti ako.
"Nandito lang ako palagi," dagdag niya pa.
Sa amin nga siya natulog. Pero dahil kasama ko sa kwarto si Neya, wala siyang choice kundi sa sofa. Nagprisinta naman akong maglatag na lang ng comforter sa baba para tabi na lang din sana kami pero tinanggihan niya na.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...