Kabanata 24

19 17 0
                                    


Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Nahihilo na rin ako sa haba ng byahe at gusto ko na lang matulog at magpahinga.

"Sa McDo ba?" rinig kong tanong ni Jec sa dalawa. Nakapikit kasi ako't siguro ay iniisip niyang tulog ako kaya 'di na inabala.

"Uy, oo! Natatakam din ako sa fries," singit ni Clair.

Sumang-ayon din sa kaniya si Neya at sinabi pa nitong ite-text niya sila Rion para sabihing doon na magkita-kita.

Nang tumigil ang sasakyan ay nagkusa na 'kong nagmulat ng mata. Ayoko siyang kausapin kaya hindi ako nagbigay ng pagkakataon para ro'n.

Pagbubuksan pa nga sana ako ng pinto ng lalaki pero naunahan ko na siya. Bumaba akong mag-isa habang nag aayos ng sarili kong buhok. Ipinuyod ko muna 'yon para hindi sagabal sa pagkain.

He volunteered that he'll be the one who will order. Nagsabi pa itong ililibre niya na kaming lahat, hindi na 'ko umangal kahit hindi ako sang-ayon. Ilang minuto lang din ng pagkakaupo namin do'n ay dumating na ang ibang kaibigan.

They greeted us and choose their own table. Malapit lang din 'yon sa amin. Nagulat pa ang mga ito nang sanay mag o-order pero sinabi na ni Clair na nagawa na 'yon ni Jec. Siyempre'y hindi naman nababagong boss namin siya, hindi rin sila panigurado sanay na ganito kabait at mantrato ang lalaki.

Tinabihan niya 'ko kalaunan, sa harap namin ay si Neya at Clair. Sa gilid naman ay sila Rion, Kier, Sam at Belle.

"You okay?" kalaunan ay hindi na ito nakatiis, pabulong pa ang pagtatanong niya no'n.

Para hindi na mangulit ay tinanguan ko siya. Kita kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko pero hindi na nakapagsalita dahil dumating na ang mga pagkain. Nanahimik na rin kaming lahat dahil nagsimula na.

Chicken, rice, spaghetti and fries ang in-order niya. Pare-parehong gano'n.

I started eating. Inabala ko ro'n ang sarili at dahil masarap, nag enjoy din ako sa pagkain. Palagi akong sa Inasal kumakain kaya naninibago.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain at umiinom sa coke nang tumunog ang cellphone ko. They looked at me and I excused myself.

Tumayo ako't lumayo saglit para sagutin ang tawag. Si Mama iyon.

"Hello po?"

"Buti nasagot mo na! Kanina pa akong tumatawag," sabi nito.

"Ah, wala pong signal kanina. Kararating lang po namin at kumakain," paliwanag ko.

"Matutulog ka na rin agad mamaya 'pag uwi mo?" tanong niya, saglit din akong napaisip. Pero wala naman na rin akong gagawin.

"Opo, Ma. Bukas na lang siguro namin aayusin ang mga gamit."

"Oh siya'y sige. Mag iingat ka, tumawag ka kapag may pagkakataon."

Natapos do'n ang pag uusap. Pagbalik ko sa lamesa'y nagulat ako nang makitang may balat ng chicken joy ang plato ko. Naubos ko na ang akin kanina at tanging laman na lang ang tira kaya 'di ko alam kung paanong merong ganito.

"Ah..." ani Jec. Napatingin ako sa kaniya't nagawi ang atensiyon ko sa plato niya, mukhang sa kaniya nga iyon galing.

"Salamat," tipid kong sabi. I know that Neya's looking at me, ramdam ko kasi sa peripheral vision ko ang titig nito.

"You're welcome, kain ka na."

Iyon na nga ang ginawa ko. Nang matapos do'n ay kita ko ring tapos na ang mga kaibigan. Sumandal muna ako sa upuan at hinimas ang tiyan, nabusog ako.

Saglit kaming nagpahinga roon bago lumabas para makauwi na. Malayo pa rito ang apartment na tinutuluyan. Nag-aalala na rin ako kay Jec dahil paniguradong pagod na ito.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon