Madaling araw na nang ihatid niya 'kong muli sa resort. Hindi pa sana ako uuwi pero nag pumilit siyang kailangan. Aniya'y mas mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko kung hindi niya 'ko maibabalik do'n ngayon.
"Mas lalo akong aayawan ng Papa mo kung hindi kita ibabalik do'n ngayon," tandang tanda ko pa ang eksaktong linya ng kaniyang sinabi.
Bumuntong hininga 'ko at hinayaan na rin siya. Tama naman siya, paano niyang makukuha ang tiwala ng mga magulang ko kung ganito na agad ang ipinakita naming kaya naming gawin? Gusto ko ring humingi ng tawad kay Papa at maging kay Mama sa naging asal ko kanina.
Nag tagal kaming ulit sa byahe dahil kahit bilisan niya ang andar ng sasakyan, malayo talaga kami sa lugar. Naaawa na rin ako sa kaniya dahil alam kong pagod siya. Kailangan niya na ring mag pahinga.
Gising pa naman ang mga pinsan ko dahil umiinom din ang mga ito ng soju. Buti pinayagan sila, noong ako kasi ang nasa ganitong edad, ang daming bawal.
Hinatid ako ni Jec papasok. Bumungad agad sa 'kin si Papa, wala na ang galit sa mga mata niya nang makita ako. Puno na iyon ng pag aalala, kumirot tuloy ang puso ko.
"Sir, pasensiya na po," sabi ni Jec. Hindi siya nilingon ni Papa, si Mama naman ay lumapit sa kaniya para pribado raw siyang makausap. Nag aalinlangan pa 'ko kung hahayaan ko ba pero base sa tingin sa 'kin ng lalaki'y sinasabi niyang ayos lang, na gusto niya ring makausap ang nanay ko.
Nag mano ako kay Papa nang mawala na sila sa paningin ko.
"S-Sorry, Pa," handa akong makarinig ng kung ano at tanggapin ang galit niya. Wala ring problema sa 'kin kung sisigawan niya 'ko dahil alam ko namang mali akong tinalikuran ko siya kanina... lalo pa't binalak ko ring huwag na munang umuwi.
Tumango ito sa 'kin, yumakap ako sa kaniya. Gustong pumatak ng mga luha ko pero masiyado na 'kong pagod para ro'n. Nang yakapin niya 'ko pabalik ay mas hinigpitan ko ang yakap ko, tila batang nag susumbong at nanghihingi ng kakampi.
"Kumain ka na ba?" tanong niya makalipas ang ilang sandali. Napangiti ako dahil nag aalala pa rin siya sa 'kin kahit masama ang loob.
Tumango ako, hindi pa rin bumibitaw sa yakap.
"Saan ka ba nag punta? Alalang-alala kami ng Mama mo."
Huminga ako nang malalim, "Pasensiya na po."
Nilipat ni Papa ang direksiyon ng mga mata niya nang maaninag ang papalapit na si Mama at Jec. Napalingon din tuloy ako sa kinaroroonan nila. Nag sasalita si Mama habang nakikinig naman si Jec. Gusto kong mangiti sa nakikita kahit 'di ko naman alam ang pinag uusapan nila.
Mabilis lang din naman silang nakalapit sa 'min.
"Dito ka na mag palipas ng gabi," nabalik ang atensiyon ko kay Papa nang sabihin niya 'yon. Gulat na gulat si Jec nang tumango rito, ilang beses pa niyang ginawa 'yon na tila nawala siya sa sarili. Maski ako'y napaawang din ang labi. Malamig ang pag kakasabi no'n ni Papa pero sa wakas, kinausap niya na nang maayos ang boyfriend ko! At sinabi niya pang dito na ito matulog!
Nag latag ako ng carpet sa buhanginan, gusto ko kasing mag star gazing ngayon. Nilagyan ko rin 'yon ng may kalakihang mga bato bukod sa unan para 'di liparin ng hangin dahil babalik pa ako sa cottage.
Akmang tatawagin ko na si Jec pero napatigil ako nang makitang kinakausap siya ng mga pinsan ko, maging si Ryz ay nag tatanong ng kung ano ano sa kaniya. Sinasagot niya naman 'yon ng ayos.
He looked gentle. Bagay na 'di niya ipinapakita sa opisina o kahit sa sarili niyang pamilya.
Bigla ko tuloy naisip na mahilig siya sa bata. Hindi naman ganoon ka-bata ang mga pinsan ko pero sa nakikita ko ngayon, mukha siyang Daddy na tinuturuan ang anak!
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...