Nagkabuhol-buhol ang isip ko sa pagkalito. Ni hindi ko alam kung papaano akong nakalabas sa restaurant na 'yon nang maayos. Matapos niya kasi iyong sabihin ay tumayo na siya para makaalis, hindi manlang nga ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong kung bakit o ang tumanggi sa nais niyang mangyari.Gabing gabi na. Bagamat may ilaw naman sa malapit ay hindi no'n mababagong madilim na rin sa kinatatayuan ko. Nanunuot na rin sa balat ko ang lamig. Bukod do'n ay nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Jec. Kung gagawin ko 'yon, paniguradong pupuntahan niya 'ko rito para maihatid sa bahay. At kung hindi naman, paano akong uuwi?
Sa huli'y isinantabi ko ang lahat. Saktong may dumaang taxi na agad ko namang pinara. Maging sa loob no'n ay ginaw na ginaw ako dahil sa aircon.
"Saan po kayo, Ma'am?" tanong ng driver na sa tingin ko'y matanda lang sa 'kin ng ilang taon.
Maging ang pagturo sa kaniya ng lugar ay hindi ko maisatinig ng ayos. Buti na lang at naintindihan niyang agad.
Pagkabayad ko'y agad akong bumaba. Patay na rin ang ilaw sa bahay kaya ginamit ko na lang ang cellphone kong flashlight hanggang sa makarating sa kwarto. Ipinagpapasalamat kong tulog na rin si Neya, baka pa kasi magtanong ito. Paniguradong hindi ko alam kung anong isasagot.
Puyat na puyat ako. Halos isang oras lang yata ang naging tulog ko sa buong magdamag sa dami ng iniisip. Iba't ibang tanong ang gusto kong masagot. Hindi ko rin alam kung paanong pakikitunguhan ang lalaki matapos ang mga sinabi ng kaniyang ina.
Sa halip nga lang na tanghaliin ng gising, mas maaga pa ang pagmulat ng aking mga mata sa katabing kaibigan. Tulog na tulog pa siya habang hindi ko naman na magawang umidlip manlang kahit ilang minuto.
"You're kinda late, huh..." Tinapik ni Mira ang braso ko habang nakangisi sa 'kin. Hindi ko nga lang 'yon magantihan kaya tipid ko nalang siyang nginitian.
Nag commute lang kami papuntang opisina. Takang taka nga sila kung bakit, sinabi ko na lang na busy ang lalaki kahit hindi ko naman talaga alam kung anong ginagawa niya. Hindi ko na rin kasi pinansing wala akong nakuhang text galing sa kaniya mula pa kagabi. Ayoko na munang mag isip. Masakit na nga ang ulo ko't ayoko nang dagdagan pa 'yon.
Pagkalapag ko ng bag sa aking upuan ay tumayo akong muli para bumaba. Oorder ako ng kape sa malapit na coffee shop. Siguro rin ay bibili ng pancake tutal naman ay hindi pa 'ko kumakain.
Mag isa ko lang iyong ginawa. Pakiramdam ko'y lutang na lutang ako habang naglalakad.
"Isa lang po, Ma'am?" the waiter smiled at me.
Tumango ako.
Ilang minuto kong hinintay iyon hanggang sa mailapag niya sa table. Hindi na 'ko nagpakatagal do'n dahil malapit na rin ang oras ng trabaho.
Sumubo ako sa pancake pagkatapos humigop ng kape. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko sa sarap ng pagkain. Hindi ko nga lang talaga lubusang ma-enjoy.
Tapos na 'ko nang mapansin ko ang table hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Nakatalikod ang lalaki sa 'kin habang may nasa harap naman niyang tila kaniyang kinakausap. Napayuko ako nang napagtanto kung sino 'yon.
Katulad kahapon, nakasuot pa rin ng kaniyang uniform ang babae. Nakapuyod ding muli ang mahabang buhok at may light make up.
Kitang kita ko kung paanong nabago ang ekspresyon niya nang mamataan ako. Bago pa nga lang ako makita ng kasama niya'y nagmadali na 'kong lumabas sa lugar na 'yon.
So kaya hindi niya 'ko nasundo, huh... Magkasama pala sila.
Wala akong gana habang ginagawa ang trabaho. Ang bigat na nararamdaman ay tila nag triple. Ayokong mag isip ng kahit ano pero bakit naman sila magkikita nang hindi ko alam? At talagang kumakain pa nang sabay?
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...