Nag uunahan ang pag babalikan ng mga ala-alang noon pa ma'y pilit ko nang kinakalimutan.
"Kumain ka na raw, Ate," naiinis na ani Ryz. Palagi na lang kasi siyang nauutusang dalhan ako ng makakain. Hindi ako lumalabas ng kwarto, mabuti na lang talaga't sembreak ngayon.
Nilingon ko ang itlog at hotdog na nakalagay sa plato, may tinapay din sa tabi no'n at mainit na gatas.
Wala akong gana. Pero kailangan ko ring kumain.
Tumayo ako para lumapit do'n. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng dibdib ko nang diretso kong ininom ang gatas. Agad na kumalat ang init no'n, napabuga ako ng hangin dahil napaso pero natuwa rin nang mapagtantong kahit papaano, nawala ang bigat at lungkot. Kahit napalitan naman 'yon ng sakit galing sa mainit na nainom.
Umuulan sa labas. Nag yaya kanina sila Mama na sumimba pero hindi ako sumama. Alas onse na rin nang dumating sila at hindi manlang ako kumain. Siguro nga'y nasasanay na rin silang ganito ako, halos tatlong araw na rin nang 'di manlang ako makausap ng matino, palaging tulala at tila may malalim palaging iniisip.
Palagi kong binabantayan ang cellphone ko. Kahit pagod na pagod na 'ko sa isang buong araw kaiisip, hindi ko nalilimutang i-charge 'to. Hindi rin ako nag papatay ng data hanggang sa ma-lowbatt na.
Hinihintay ko siyang tumawag o kahit mag chat manlang. Umaasa akong babawiin niya ang sinabi, na babalikan niya pa 'ko, na mahal niya pa rin ako.
Nakipag-break ako, oo. Pero binawi ko rin naman 'yon. Ginawa ko lang din 'yon kasi gulong gulo na 'ko, nahihirapan na 'ko sa paulit-ulit naming away. Akala ko maiintindihan niya manlang... pero wala, sa huli ako lang din pala ang mag hahabol at mag mamakaawa para lang bumalik siya.
Hindi ko na alam ang gagawin. May pasok na 'ko sa lunes at hindi ko alam kung paano akong haharap sa mga kaibigan ko nang ganito.
Namumugto pa rin ang mga mata ko dala nang walang tigil na pag iyak. Naliligo naman ako araw araw dahil kailangan pero ramdam ko pa ring hindi ko 'yon nagagawa ng maayos. Pinapabayaan ko na ang sarili ko... nang dahil lang nag hiwalay kami ng ka-internet love ko!
Gusto kong matawa sa sarili. Mukha naman talaga 'kong tanga. Sino ba namang iiyak at masasaktan para sa taong ni minsan ay hindi niya manlang nakita?
Hapon nang araw na 'yon, sinubukan ko ulit siyang kausapin. Kabadong kabado ako nang pindutin ang call button. Buti na lang at naka-save pa ang number niya.
"Oh?" malamig ang tono ng boses niya nang sagutin iyon. Lumunok ako nang paulit-ulit pero 'di ko alam kung paanong mag sasalita.
"Naglalaro ako, bakit ka tumawag?"
I ended the call.
Muli na namang pumatak ang luha ko. Araw araw na lang ba 'kong ganito?
"Hindi ka makatulog?" iniabot sa 'kin ni Papa ang isang baso ng tubig. Pupunta sana 'ko sa ref ngayon para uminom pero dahil nando'n din siya ay siya na ang nag bigay ng maiinom sa 'kin.
Lumagok ako roon bago ipinatong sa lamesa. Umupo rin muna ako, masakit ang mga mata ko dahil sa pag iyak.
Naramdaman ko ang pag tabi ni Papa pero hindi ko siya nilingon. Inabutan niya 'ko ng chocolate.
"Noong bata ka, bigyan lang kita nito tuwang tuwa ka na," kwento niya.
Nakinig lang ako.
"Anak, hindi ko alam kung anong pinagdaraanan mo ngayon pero nandito lang kami ng Mama at kapatid mo."
Ngumiti ako sa kaniya, ayokong mag kwento dahil masiyado na 'kong pagod para mag sabi pa sa iba ng nararamdaman ko.
"Thank you, Pa."
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...