Kabanata 13

25 19 0
                                    

"Anong pinag-uusapan niyo, ha?" curious na tanong ni Jec pag kapasok niya. Kasunod niya si Arly na may dala ng mga pagkain.

Ngumiti ang secretary niya sa 'kin matapos bumati kay Tita. Matapos niyang mailapag ang mga pagkain at juice ay nag paalam na siya para lumabas.

Tumayo ako para ayusin ang mga 'yon. Kahit talaga halos araw araw na ganito ang kainin ay hindi ako mag sasawa, amoy pa lang ay nakakagutom na. Lumapit din si Jec sa 'kin para tumulong, nakangiting pinag mamasdan naman kami ng kaniyang Mama.

"Pray muna tayo," sumang-ayon kami sa sinabi ni Jec. Katabi ko ngayon si Tita at nasa harap naman namin siya.

We started eating. It feels so good to be with them. Kung tutuusin ay hindi ko naman naisip kahit kailan na posible itong mangyari. Siyempre, sa layo ba naman namin sa isa't isa at matagal na rin kaming hiwalay, ni kumustahan nga'y hindi namin nagawa sa pag lipas ng mga nag daang taon.

"7 PM bukas, ha. Susunduin na kita," paalala sa 'kin ni Jec. Lumapit naman ako sa kaniya para bumeso, kabababa lang namin ng sasakyan.

"Ingat ka!" pahabol ko pa, kumaway din ako hanggang sa mawala na ang kotse niya sa paningin ko.

Gabi na kaming natapos sa pag aayos, alas kwatro naman nang umalis si Tita. Bibili pa raw siya ng regalo para sa nabunot.

Kinabukasan nga'y excited kaming lahat. Umagang umaga pa lang ay pinag-uusapan na namin ang gaganaping Christmas party. Animo'y mga highschool students kami sa pagiging atat. Ang mga boses tuloy namin na 'di matigil sa pag sasalita ang bumalot sa buong sala.

"Mag de-dress ba kayong lahat?" tanong ni Kier, umiinom ito sa kaniyang kape.

"Oo, kayo ba?" may laman pang tinapay na may palamang itlog ang bibig ni Belle nang sumagot ito. Inilingan tuloy siya ng mga kaibigan.

"Ubusin mo nga muna!" sita pa rito ni Sam.

"Bumili rin kami ng mga bagong damit para sa isusuot mamaya at saka kapag umuwi," sabi naman ni Clair.

Nag patuloy lang ako sa pagkain. Namiss ko ang ganitong breakfast, madalas kasing sa fast food kami kumakain o 'di kaya naman ay nag o-order. Ngayon ay kape, itlog, hotdog, tinapay, sinangag at bacon ang umagahan kaya nakakagana talagang kumain.

"Sino bang nabunot niyo?" mahinang tanong ni Neya pero rinig naman naming lahat. Abala siya sa cellphone niya ngayon, narinig ko rin silang nag tatalo ni Jord kagabi kaya baka ito pa rin ang ka-text niya.

"Secret, 'no? Baka pa mamaya'y nandito lang din ang nakabunot sa 'kin, mawawala na ang thrill."

Umismid si Rion sa mahabang litanya ni Belle. Natawa na lang ako sa kanila.

Sa isang araw lang din ay babyahe na kami pauwi. Kaya sa kada wala kaming ginagawa'y inaayos namin ang mga gamit dito sa bahay, sinabihan na rin namin ang may ari na ilang araw din kaming mawawala. Ayos lang naman iyon sa kaniya basta raw ay babalik kami, sayang naman daw kasi kung walang mangungupahan dito. Isa pa'y natutuwa siya sa 'min dahil nag bayad na agad kami ng renta para sa unang tatlong buwan nang pag tira at pananatili rito.

Nag babalot ako ng regalo ko nang pumasok si Neya sa kwarto, agad ko naman siyang sinabihang isara niya ang pinto dahil baka makita kami ni Rion, siya pa naman ang nabunot ko.

Ginawa kong parang candy ang balot. Tuwang tuwa pa ako nang makita ang ayos niyon, kulay green ito kaya pansing pansin agad. Sana lang ay magustuhan ito ni Rion, ayoko kasing may nadi-dissapoint sa mga bagay na binibigay ko. Siyempre't masarap sa pakiramdam kapag alam mong na-appreciate ang regalo mo para sa isang tao.

Kapag yata talaga excited ka'y bumabagal ang oras. Nakakabagot na rito't wala akong magawa. Ayoko pa namang maligo dahil maaga pa, baka bago pa mag alas siyete'y mukha na akong haggard.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon