Paikot-ikot ang paglalakad ko sa loob ng kwarto, hindi ko pa rin kasi ma-proseso sa utak ko ang nangyari kanina. Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?
"Sinabi ko naman na sa 'yo," bumuntong hininga si Neya. Kakalabas niya lang ng banyo galing sa pagha-half bath.
Ngumiti ako sa kaniya para hindi na siya mag alala, "Ayos lang naman."
She rolled her eyes. Kinuha niya ang lotion para magpahid no'n, "Sa tingin mo nakilala ka niya?"
Hindi ako agad nakasagot kaya nagpatuloy siya, "Sabagay, matagal na rin naman. Baka nga nakalimutan ka na no'n."
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang pantulog na damit. Magha-half bath na lang din muna ako para kahit papaano'y mahimasmasan sa dami ng iniisip.
Tama naman si Neya, masiyado nang matagal 'yon. Hindi ko rin naman talaga inaasahang makikilala niya pa rin ako. Isa pa'y hindi ko naman talaga alam na magkikita kami. Alam kong taga rito siya pero sobrang galing naman ng tadahanang kailangan talagang magkasama pa kami sa isang kompanya? At siya pa talaga ang boss ko, ha.
Pagbalik ko sa kwarto'y naabutan kong naroon din sa loob si Belle. Mukhang nagkekwentuhan sila ni Neya kaya hindi na muna ako nagsalita. Inayos ko na lang ang mga gamit ko dahil hindi naman ako nagkaroon ng oras para ayusin ang mga 'yon kagabi.
"Sungit ni Sir."
Napalingon ako nang magsalita si Belle, tinaasan lang siya ng kilay ni Neya kaya nagpatuloy siya, "Kanina kasi inutusan ako na dalhin sa kaniya 'yung kape niya. Aba, pinaalis ba naman ako't hindi raw siya nagpapapasok do'n."
Hindi ko maiwasang ma-curious kaya lumapit ako para magtanong, "Sinabi niya 'yon?"
Nilingon ako ni Neya para taasan ng kilay. Makikita sa mga mata niyang hindi niya gusto ang pakikiusisa ko. Samantalang humarap naman sa 'kin si Belle at maganang itinuloy ang sumbong, "Oo, 'te. Ganito pa ang sabi, ha?" Umubo-ubo siya bago nagpatuloy, "Bago ka? Hindi mo ba alam na ayokong may pumapasok dito?" Ginaya niya ang boses kaya parehas kaming natawa. "Arte-arte, akala mo naman talaga. Kung hindi lang ako nautusan, e."
Umiling na lang ako bago umupo sa kama. Nagpaalam na rin naman si Belle para bumalik sa kwarto nila dahil maaga pa kami bukas.
"Gano'n ba talaga ugali ng ex mo?"
Kinunutan ko siya ng noo, "Sinong ex?"
"At bakit, may iba ka pa bang ex?"
Sinimangutan ko siya, "Oo, uh, wala talagang pake 'yon sa mga... hindi naman malapit sa kaniya."
"Kaya pala wala siyang pake sa 'yo."
Gusto ko siyang batuhin ng unan pero agad siyang nagtalukbong ng kumot, "Good night."
I sighed. Hindi pa rin siya nagbago kung gano'n ang trato niya kay Belle, hmm?
Kinuha ko ang cellphone at agad na binuhay ang data. Saktong may load ngayon kaya agad kong binuksan ang account ni Neya para i-search siya.
Hanggang ngayon kasi'y naka-block pa rin ako sa kaniya, 'ni wala na talaga siguro siyang balak na maging friends manlang kami sa facebook.
Jec Arzela
Private pa rin. Hindi ko na halos maalala kung kailan ko siya huling in-stalk. Matagal ko naman na 'yong tinigilan dahil wala na rin namang dahilan.
Tulad noon, wala pa rin akong makitang kahit ano sa account niya. Hindi pa rin siya nagpapalit ng profile at wala namang kahit anong updates tungkol sa kaniya. Ang add button sa account niya'y hindi niya pa rin binubuksan. He's still the same Jec I know, such a private person.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...