Pumikit ako nang mariin para pigilan ang nagbabadyang galit. "Pasensiya na po, Tita. Pero bakit po ba pinipilit niyo akong hiwalayan si Jec?""Are you seriously asking me that?" kahit sa tawag lang ay ramdam ko ang panggagalaiti niya. "Umuwi ka rito at sasabihin ko sa 'yo! Tingnan lang natin kung gugustuhin mo pang ilaban ang relasyon niyo!" then the call ended.
I shrugged it off. Kung ano mang dahilan ang meron siya, sa oras na ito ay wala na akong pakealam. Marami na kaming pinagdaanan mula pa noon, ngayon pa ba ako susuko? Kung nagawa niyang ipakita sa pamilya ko na malinis ang intensiyon niya sa 'kin, kaya ko rin iyon! Magugustuhan din ulit ako ng Mama niya. I'll make sure of that.
Nilingon ko ang boyfriend kong nanatiling nakatayo roon, hindi niya pa rin inaalis ang titig sa 'kin. Bumuntong hininga nalang ako bago dahan dahang lumapit.
"Love…" I whispered, enough for him to hear.
He leaned, slightly hugging me now. "Hmm?"
Agad akong namula. Ang gwapo niya talaga. Paano ko ba namang pakakawalan ang lalaking 'to, ha?
"Who called?"
Pinagsalikop ko ang mga daliri namin at saka nagsimulang maglakad. Siya naman ay wala ring nagawa kundi sumunod dahil hila-hila ko na rin naman siya.
"Ah, si Belle lang. May tinatanong," sagot ko. Tumango nalang din siya ro'n, siguro'y iniisip na about lang sa trabaho o sa tinutuluyan kaya hindi na ginawa pang big deal.
"Uuwi na tayo bukas, 'di ba?" tanong ko makalipas ang ilang sandali. Tanaw na namin mula sa pwesto ang iba't ibang surf boards at ang ilang mga naroon. Hindi na masiyadong marami ang tao kumpara kahapon dahil siguro nag-uumagahan pa sila o hindi kaya naman ay tulog pa.
"Ayoko pa nga sana…" nangiti siya. "Kung hindi lang tambak ang tatrabahuhin sa opisina, gugustuhin kong manatili nalang muna tayo rito."
I looked at him, "Marami pa namang ibang araw. Pa-boss boss ka pa kasi, e!"
"Aba! E, kung sisantehin kaya kita?"
We both laughed.
"As if kaya mo naman. Hindi ka na nga matali kapag hindi ako nakikita," asar ko pa. Kinunutan niya ako ng noo at pinilit liitan ang mga mata. Natawa akong muli. "Tara na nga!"
Naging abala kami sa pag ta-try ng iba't ibang water activities. Tuwang tuwa ako sa pag se-surf kahit na paulit-ulit lang namang bumabagsak sa tubig. Tuloy ay hindi matigil sa pag sulyap sa 'kin si Jec, mukha pa itong nag-aalala sa kada nasa malalim dahil alam niyang hindi ako marunong lumangoy.
"Kapagod." Huminga ako nang malalim habang nakapamewang. Mabuti nalang at malapit lang ang tindahan ng iba't ibang juice kaya bumili muna ako ng dalawang buko flavor. Fresh din daw ito at kitang kita nga iyon dahil marami ring laman, idagdag pang ang creamy dahil sa gatas.
Pinanood ko nalang muna ang lalaki. Malayo siya at nasisiguro kong pang mga professional na iyon. Hindi ko na kasi kayang mag surf doon dahil baka malunod ako kung babagsak sa tubig kahit pa alalayan ni Kuya'ng nagtuturo.
Swabe ang bawat galaw ni Jec. Kahit may alon ay hindi siya natutumba, kayang kaya niya talagang i-balanse ang sarili niya. I really wonder… is there something he can't do?
Umupo nalang muna ako sa malong kong nakapatong sa buhangin. Kinuha ko na rin ang dress na suot kanina para muling isuot. Hindi naman ako nag swimsuit, naka-one piece man ay mas pinili kong patungan iyon ng white maong short. I am not that comfortable with showing skin kaya hindi ko na pinilit. Isa pa'y wala pa rin akong confidence para sa gano'n kapag maraming tao ang makakakita.
"Love!" sigaw ni Jec. Kumaway ako sa kaniya at itinaas ang buko juice.
"Inom ka muna!" sigaw ko rin pabalik para marinig niya 'ko.
Mayabang niyang sinalubong ang malaking alon pero dahil nawala ang balanse niya ay agad ding nahulog. Napatayo ako sa gulat, bumundol pa ang kaba pero nang makitang tumatawa siya pag-ahon ay natawa nalang din ako.
"Ayan, hangin mo raw kasi!" asar ko. Palapit na siya sa akin ngayon. Tumayo na rin ako para salubungin siya bago inabot ang buko. Kinuha niya naman 'yon sa kamay ko, sumimsim at hinila na 'ko para makabalik sa inuupuan kanina.
Siya ang naunang umupo, pinaghiwalay niya ang parehong binti bago minuwestrang maupo ako sa gitna.
"Here…"
He locked me with his arms and legs. Yumakap siya sa 'kin mula sa likod at inamoy-amoy pa ang leeg ko bago ipinahinga ang ulo roon.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga pero nawawala rin dahil sa tubig dagat na tumutulo sa buhok niya.
"Nagugutom ka na ba?"
Nakagat ko ang labi nang ibulong niya 'yon. Natawa naman siya sa reaksiyon ko at bahagyang lumayo.
"Let's eat, hmm?"
I pouted. "Hindi naman ako gutom. Gusto ko sanang mag-ikot para makahanap ng souvenir at mga pasalubong na p'wedeng iuwi."
Mukhang nakuha niya rin naman ang sinabi ko dahil tinulungan niya na akong makatayo, inayos niya rin ang malong para makabalik kami sa room.
"Let's take a shower first."
I agree with him. Gusto ko rin kasing mag snorkeling sana mamaya pero nilalamig na rin ako kaya mas mabuting magpatuyo na muna habang nag-iikot.
Inabot niya sa 'kin ang towel nang makapasok ako sa CR.
"Doon muna ako sa balcony. I'll answer some calls about work."
I nodded then proceed to wash myself.
Nakaka-halina ang bath tub pero wala naman na akong oras pa para magbabad doon. Nagmadali nalang din ako sa pagligo dahil ayoko namang ginawin si Jec.
Isinuot ko muna ang roba, nakataas din ang buhok ko para maipatuyo iyon sa tuwalya bago ako lumabas ng banyo.
Naabutan ko roon si Jec na naka-upo. Tila natuyo na ang short niya, may nakalagay ding towel sa balikat dahil nanatili siyang topless. May kausap pa siya sa telepono pero nang makita ang paglabas ko ay nagmadaling nagpaalam doon.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Nahihiya akong nilabanan din iyon. Sa huli ay tumayo na siya para siya naman ang makapag-shower.
I decided to wear a white short and spaghetti pink top. I apply my lotion and sunblock, nagpabango na rin ako at blower ng buhok. Maging ang paglagay ng liptint kaya ready na talaga akong mag-ikot. After doing all of that ay nagtimpla na muna ako ng kape. Feel ko lang uminom kahit mainit.
Dahil mabilis lang namang maligo ang lalaki ay naabutan niya pa ako sa pag inom. Muntik ko nang maibuga iyon nang makita siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tanging tuwalya lang ang saplot, kitang kita ko ang abs niyang nasa tamang pwesto. Ang laki rin ng muscles at biceps niya na tila masisira ka kung dadaganan ka niya. Umiling ako at pumikit. Kaagad ko ring iniiwas ang tingin at pinilit nalang na libangin ang sarili sa pag-sulyap sa paligid.
I bite my lower lip. Pulang pula na rin ang pisngi ko ngayon.
Ano 'to sahig?
"U-Uh..." hindi ko maituloy kaya siya na ang nagsalita.
"Mag bibihis lang ako saglit. P'wede kang maghintay na sa labas kung gusto mo," aniya.
Lumunok ako at tumango. Tama! Doon nalang muna ako kesa ma-tukso rito sa ganiyang ayos niya.
Tanginang dumi ng isip mo, Rain. Fuck.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...