Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala rin kami sa trabaho kaya sa kada uuwi ay diretso tulog na agad. Madalas na rin kaming sa labas kumain dahil wala nang gustong magluto, habang tumatagal din kasi'y mas dumarami ang mga ginagawa lalo na dahil ang ibang kasamahan ay nagli-leave o kumukuha ng day off.Dahil do'n ay hindi na rin ako nababakante. Maging ang pag bubukas ng mga social media accounts ay madalang ko na lang magawa. Ayos lang din naman 'yon dahil nakakatulong iyon para mabawasan ang aking mga iniisip.
Naaalala ko noon, palagi akong nagde-deactivate sa kada hindi ako okay, iyon din kasi ang paraan ko para makaiwas sa mga pwede kong mabasa online.
"Hoy! Tulala ka na naman!"
Napahawak ko sa dibdib ko nang halos mahulog ako sa upuan sa gulat kay Rion.
Inerapan ko siya matapos hampasin sa balikat, tawa pa rin ito nang tawa na kulang na lang ay mapahawak siya sa kaniyang tiyan.
"Epal mo na naman," sita ko rito.
Itinaas niya ang dalawang braso na animo'y sumusuko. Tumabi siya sa 'kin, hinila niya rin ang kaniyang laptop palapit at inabala na ang sarili roon.
May report kaming gagawin sa isang araw. Dahil gano'n ay halos lahat kami'y abala para ma-finalize 'yon. Siyempre'y hindi naman namin gustong mapahiya kung sakaling hindi iyon maipasa. Maayos nang may maganda silang impression sa amin.
Inabot sa 'kin ni Belle ang kape. Gabi na kaya inaantok na rin talaga kami. Kung hindi lang kailangan ito ay tutulugan ko nang talaga.
"Gusto ko na matulog," humikab si Sam.
"Tulog ka na, kaya na namin 'to," pag pi-prisinta naman ni Kier. Humarap pa siya sa 'min para malaman kung sang-ayon ba kami, nang tumango kami'y ngumiti siyang muli kay Sam, "Sige na, kami na ang bahala rito."
Nag dadalawang isip pa ang lalaki pero sa huli'y wala na ring nagawa kundi tumango. Siguro nga'y inaantok na talaga ito. Natatandaan ko rin kasi noong nakaraang araw na madalas siyang mag sabing masama ang pakiramdam niya.
"Nasagutan mo na 'to, Rain?" tanong sa 'kin ni Belle nang ipakita ko sa kaniya ang aking laptop.
Tumango ako, kinuha ko iyong muli para maituro sa kaniya kung nasaan ang nasagutan ko at ang part na hindi.
"Kung gusto niyo nang matulog, sige na. Kami na ni Clair ang bahala rito," sabi ko sa kaniya. Nag lingunan silang lahat sa 'kin pero isa-isa ring umiling.
"Anong? Bakit kaya 'di na lang ikaw? Idadamay mo pa 'ko!" reklamo ni Clair. Inerapan ko siya pero natawa rin nang napagtanto kong hindi ko nga manlang siya naabisuhan sa binabalak.
Halos isang oras pa ang itinagal namin do'n kaya puyat din kinabukasan. Wala na rin naman kaming oras para sa mahabang tulog kaya wala rin kaming nagawa kundi mag intindi at mag ayos na para sa trabaho.
"Rain, pinapatawag ka ni Sir," bungad sa 'kin ni Arly pagkaupo ko pa lang sa desk ko. Dahil doon ay gulat akong napatingin sa kaniya, itinuro ko pa ang sarili para makasiguradong ako nga ba ang sinasabihan niya. Nang tumango ito'y kinagat ko ang labi ko bago nag desisyong pumunta na sa opisina, marahil ay hindi ito matutuwa kung paghihintayin ko siya.
Hindi na ako kumatok dahil alam ko namang inaasahan niyang pupunta ako, pagpasok ko sa loob ay naabutan ko siyang kinakagat ang sign pen niya habang nakatingin sa lamesa, animo'y may malalim na iniisip.
Tumikhim ako dahilan para mapalingon siya sa 'kin, agad itong umayos ng upo bago iminuwestra na lumapit ako.
Sinunod ko naman 'yon bago nagtanong, "Bakit, Sir?"
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Novela JuvenilThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...