Kabanata 30

33 16 0
                                    


Hila hila ni Jec ang maliit na maletang dala ko at ang malaking bag na naglalaman ng mga gamit niya.

"A room for two po?" bungad na tanong sa amin ng babaeng sa tingin ko'y nagbabantay sa buong resort.

Agad na umiling si Jec, "Isa lang."

Natigilan ang babae pero agad ding tumango. May tinawag pa siya at maya-maya ay lumapit na sa 'min ang isang binatilyo. Nagprisinta na siya na ang magdadala ng mga dala hanggang sa maihatid niya kami sa room na rerentahan.

Pagdating do'n ay iniwan niya na rin kami. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Katamtaman lang ang laki nito. Malinis at maayos ang lahat ng nasa loob. May isang maliit na lamesa sa tabi ng kama bago ang aparador na tingin ko'y maaaring lagyan ng mga gamit.

Dalawang araw lang kaming mananatili rito. Sa dami kasi ng mga ginagawa sa bawat araw, ito lang ang pagkakataong makakapagpahinga kami. Mabuti nga at hindi hectic ang schedule ni Jec. Kung tutuusin kasi'y kung ako ang nasa posisyon niya at ganoon karami ang trabaho, hindi ko na alam kung paano iyong pagsasabay-sabayin.

"Gusto mong dito na lang kumain o sa restaurant na?"

Nilingon ko siya. "May restaurant dito?"

"Of course. Marami, lilibot tayo kung gusto mo."

Kumain naman na kami kahit papaano kanina. Hindi pa rin naman ako gano'ng kagutom pero dahil gusto ko ring lumabas para ma-enjoy muna ang gabing 'to, niyaya ko na siya.

Nagpalit muna ako ng beach dress para mas maging kumportable. Si Jec ay nagpalit na rin ng itim na short at puting sando. Hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan kaya talagang napalunok ako.

"Tara na?" aniya.

Pumikit ako saglit bago tumango. Hindi na 'ko nag abalang mag ayos pa dahil kakain lang naman. Mawawala lang din ang liptint kung sakali. At dahil kahit papaano'y mapula naman ang labi ko, hindi na rin naman iyon gaanong kailangan.

"What's your order, Ma'am/Sir?"

Hinayaan niya na 'kong pumili. Puro seafoods iyon, takam na takam na agad ako kahit tinitingnan pa lang ang menu.

Sakto lang ang mga tao. Hindi gano'n karami pero hindi rin naman masasabing maunti. Kumbaga ay nasa tamang bilang lang.

"Your phone?" tanong ko. Pansin ko kasing nakatitig lang siya sa 'kin. Nakapatong ang dalawang siko sa lamesa habang nakapangalumbabang titig na titig sa gawi ko.

"Iniwan ko roon," sagot niya habang nananatili sa posisyong iyon.

Kinunutan ko siya ng noo. "May dumi ba sa mukha ko?"

Mabilisan siyang umiling. "Wala, just loving the beautiful view." He winked.

Napaawang ang labi ko at handa na sanang manghampas pero natigilan din nang ilapag na sa harap namin ang pagkain.

Excited ko iyong sinundan ng tingin. Sa tingin ko ay mapaparami ang kain ko kahit kasasabi ko lang kaninang hindi naman ako gutom.

Pag alis ng waiter ay agad ko na sana iyong susunggaban. Kung hindi lang ako tinawag ni Jec para magdasal.

"Pray muna," banayad niyang sabi.

Hinayaan kong siya ang magdasal. Ipinikit ko na lang din ang mga mata at saka nag concentrate do'n. Nang matapos ay napapalakpak ako.

Umiling siya na tila natatawa. "Enjoy your food."

Pagkasabi niya no'n ay nagsimula na 'kong agad. Unang tikim pa lang ng lobster ay ganado na 'ko. Tila ba isa akong batang ibinigay ang pinakapaboritong pagkain para sa espesyal na araw.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon