"Saan kayo nag kakilala, hija?" nakangiting tanong ni Tito Lim, ang Papa ni Jec."Ah," hindi ko alam kung papaanong sasagot. Alangan namang sabihin kong ex ko siya at naging kaming dalawa five years ago, 'di ba?
"Boss ko po siya. Magkasama kami sa iisang kompanya," tanging naisagot ko.
Tumango ito't hindi na nang-usisa, siguro ay nahalata niyang hindi ako komportable.
Katatapos lang naming kumain. Napakarami ng tira sa dami ng inihain, gusto ko ring mag prisintang mag hugas ng plato o ang mag ayos ng lamesa pero dahil ayaw ng Mama ni Jec, hindi ko rin nagawa. Sabi pa nito'y bisita nila 'ko at hindi ko naman kailangang gawin ang mga bagay na 'yon.
"Nakekwento ka sa 'kin ni Kuya dati pa, Ate Rain," bulong sa 'kin ni Jes, ngumisi pa ito habang iminumwestra sa 'king huwag akong maingay.
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol do'n kaso'y katabi ko rin si Jec. Tumayo lang ito kanina para kunin ang susi ng kotse, maya maya lang din kasi'y ihahatid na niya 'ko.
"Tara, Ate. Ililibot kita sa bahay!" excited na yaya nito sa 'kin.
Nilingon ko muna si Jec, nang tumango ito sa 'kin ay tumayo na 'ko para samahan si Jes.
Inilibot ko ang paningin sa mga picture frames na nakasabit sa may hagdan paakyat sa second floor nila. Hindi ko maiwasang purihin kung gaano kalinis ang bahay na 'to. Maging ang mga dingding ay puting puti, siguro ay kaka-renovate lang din nito. Wala ring kahit anong dumi sa kisame. Ang alam ko noon ay may mga kasambahay sila Jec pero wala naman akong nakita ngayon kaya baka wala na rin o kaya naman ay day off. Tutal ay bukod sa may bagyo, mukha rin namang wala nang lilinisan dito.
"Si Kuya 'yan no'ng bata pa siya." Itinuro niya ang litrato ng lalaki na may subo-subong lollipop.
Tinitigan ko 'yon, mukha siyang inosente ro'n. Napangiti pa ako nang maisip na ganito siya ka-cute noong bata pa siya.
"How did you met my brother, Ate Rain?"
Napabaling ako sa tanong nito, ngumiti siya sa 'kin nang mapansin niyang kinakabahan ako sa presensiya niya. She even held my hand to make me feel comfortable.
"Through internet, bebe."
Tumango siya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa pinakamataas na picture frame. Sa tingin ko'y high school graduation iyon ni Jec. Nakasabit ang mga medals sa leeg niya, nasa apat siguro 'yon. Ngiting ngiti rin siya sa litrato, ang aliwalas din ng itsura niya ro'n.
Nang umakyat si Jes ay sumunod ako sa kaniya. Hindi naman mahaba ang hagdan na 'yon, mabilis na mararating. Bumungad sa 'kin ang tatlong pinto na sa tingin ko'y mga kwarto.
"Ito ang kwarto ko," turo niya sa naunang pinto. "Ito naman ang kayla Mama't Papa."
Tumango ako sa kaniya, hindi na nag abalang pumasok sa mga 'yon dahil alam kong privacy na nila ang sari-sarili nilang rooms.
"Akyat sana tayong roof top kaso umuulan," malungkot na anito.
Ngumiti ako sa kaniya, "Ayos lang, ano ka ba?"
Hindi na rin kami umakyat sa third floor nila. Ayon kay Jes ay nandoon ang kwarto ni Jec. Pupuntahan sana namin pero sumulpot na ang lalaki. Agad niyang nahanap ang bewang ko at mabilis na ipinulupot ang braso roon.
"Tara na?" yaya nito sa 'kin.
Marahan akong tumango. Naiinis ako sa sarili ko kasi kung umarte ako'y akala mong hindi makabasag pinggan.
Sabay sabay na kami sa pag baba. Nakaupo pa rin doon si Tito Lim na ngayon ay nag babasa ng dyaryo.
"Uh, Tito, una na po kami." Ngumiti ako bago lumapit para mag mano, tumawa naman ito sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...