Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang nararamdamang hilo kanina'y animo'y naglaho. Halos hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso. Natulala ako, hindi ko alam ang sasabihin habang nakatitig sa kaniya.
Kinagat niya ang labi niya bago nagsalita, "Okay lang bang makausap ka?" mahinahon nitong tanong.
Hindi ko alam kung papaanong sasagot. Gusto ko siyang tanggihan pero hindi ko magawa. Paniguradong maiinis sa 'kin si Neya kung sakaling malalaman o makikita niya kami rito, nagkasundo pa naman kaming lalayo ako sa lalaking nasa harap ko.
"Kung hindi ka pa handa-"
"Sige," hindi ko na siya pinatapos, agad na 'kong sumagot. Nauna akong naglakad papuntang parking lot, mas tahimik kasi roon. Hindi kami magkakaintindihan kung dito kami sa loob.
"Uh, andito kotse ko," turo niya sa Ford na naka-park malapit sa entrance ng bar.
Lumingon ako sa kaniya, hindi na nagulat. Noon pa man ay alam kong may kaya ang pamilya niya. Napangiti rin ako nang mapagtantong totoong natupad niya ang mga pangarap niya.
"Kumusta?" panimula ko nang maisara ang pinto, tumingin ako sa kaniya na tahimik na pinapaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero wala rin namang problema sa 'king sumama.
"Ayos naman, ikaw?" simple niyang sagot. Ni hindi rin siya nag abalang lingunin ako, inabala niya lang ang sarili sa pagmamaneho palayo sa lugar na 'to.
Hindi ko maiwasang malungkot sa kung paano kaming mag usap. Halos hindi ko alam kung paanong mago-open ng topic. It feels like ang layo niya, halos hindi na rin mag pang-abot ang antas ng buhay naming dalawa.
"I'm sorry," dugtong niya nang hindi ako sumagot. Gulat akong napatingin. Hindi ko rin napansing itinigil niya na ang kotse, nasa harap kami ng coffee shop ngayon.
"S-Sorry?" nautal pa ako nang itanong 'yon, hindi ko halos ma-proseso ang dalawang salitang nasabi niya.
"Sa lahat, Rain. Patawarin mo 'ko sa lahat."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi pa 'ko handang pag usapan ang mga nangyari, ayokong bumalik ang sakit sa oras na aalahanin ko lahat.
Noon, kahit gaano karaming beses akong nasaktan dahil sa kaniya, wala akong narinig na pag hingi ng tawad. I always thought that I deserve to have an acceptable reason and sincere apology. But it never happened.
Na hanggang sa pag lipas ng panahon at sa mga nag daang taon, natanggap ko na lang sa sariling baka wala na talaga. Na mas dapat ko na lang kalimutan at patawarin siya para makaahon na rin ako. Hindi ko na nga inasahang hihingi pa siya ng tawad dahil kung gusto at binalak niya rin namang gawin 'yon noon, bakit hindi niya ginawa, 'di ba? Bakit hinayaan niya lang akong malugmok sa dilim habang hindi alam kung paanong uusad? Bakit hindi niya ibinigay ang paliwanag na matagal ko nang hinahangad?
Kaya ngayong narito siya sa harapan ko para banggitin ang dalawang salita na 'yon, gusto kong magalit. Gusto kong manumbat. Gustong gusto kong malaman niya kung gaano kasakit para sa 'kin ang lahat. At ang kapal din ng mukha niya para manggulong muli! Ayos na 'ko, 'di ba? Masaya na 'ko... bakit nagpaparamdam na naman siya na animo'y walang nangyari? Bakit parang ang dali dali lang sa kaniyang mag pabalik balik sa buhay ko na parang kahapon lang ang lahat?
I looked up to stop my tears from falling.
Ngumiti ako. "It's been years," tanging nasabi ko, napayuko siya dahil do'n. Hindi na rin muling nagsalita kaya matagal din kaming nanahimik.
Halos maririnig ko na ang tunog ng aircon, dagdag pang nilalamig na rin ako dahil sa suot. Gusto ko na lang makauwi at matulog.
"Bili lang akong kape."
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...