Kabanata 32

19 1 0
                                    


Maybe they are right, days passes by easily when you are happy. Halos hindi mo na nga mapapansin na lumilipas iyon dahil na-e-enjoy mo naman. Isang araw nalang ay magugulat ka na tapos na pala… at doon mo lang din mari-realize na wala ka na sa posisyong iyon. Hindi ka na masaya at hindi na matatapos nang mabilis ang araw. Babagal pa nga ito kung tutuusin.

Sabi ko ay ilalaban ko si Jec, na hindi ako magpapatalo sa nanay niya at kahit ano mang dahilan ang meron siya ay gagawin ko pa rin ang lahat para hindi masira ang relasyon namin.

After the three days we had with each other, I didn't expect that it was also the last time that I'll be happy with him.

Nag i-impake palang ako ng mga gamit pauwi nang makatanggap ng text kay Papa. He's asking me to go home. Immediately.

Hindi na rin ako makapagtanong dahil noong sinubukan ko naman siyang tawagan, walang sumasagot. My calls can't even get through him, too.

"Okay ka na ba rito?" si Jec.

Mapungay ang mga mata niya, halata ring pagod. Ilang oras ba naman din kasi ang ibinyahe namin. Ewan ko rin pero hindi kami nag stop over, maliban lang kapag napapadaan kaming drive thru at bumibili ng pagkain.

"Kaya mo pa bang umuwi? You can stay naman, gabing gabi na rin," suhestiyon ko.

Umiling siya. "Hindi na, love. Hinihintay din ako sa bahay, may dinner daw. Ia-update nalang kita, ha? Halika na para makapagpahinga ka na rin."

"Oh, sige. Mag-iingat ka."

Matapos niya akong maihatid sa loob at maibaba ang mga gamit sa kwarto ay agad na siyang nagpaalam para umalis. Mukha siyang nagmamadali kaya wala na rin akong nagawa.

"Call me if you need something, okay? I love you," paalam niya bago ako halikan sa noo.

I thought things are still going to be okay after that… but I was wrong.

Kinabukasan lang din ay nakatanggap ako ng text message mula kay Tita Jen.

Tita Jen:
Magkita tayo sa coffee shop malapit sa Mall. 5PM. Urgent.

Hindi na ako nag reply, I have no energy for that na. Pero gano'n pa man, alam ko sa sarili kong pupunta pa rin ako. I still respect her. Kahit naman din kasi pagbali-baliktirin ko ang mundo, siya pa rin ang nanay ng taong mahal ko. At walang magpapabago roon.

Dahil maaga pa naman ay tumulong na muna ako sa paglalaba ng mga kaibigan. Marami na rin akong maruming damit kaya inabala ko nalang muna ang sarili.

"Kumusta naman ang ilang gabing magkatabi? Goodbye virginity na ba?" asar ni Neya na ginatungan pa ng dalawang babae.

"Kung ako 'yang si Rain, aba siyempre! Baka nga unang gabi palang ay bibigay na 'ko," tawa ni Clair.

"Kahit ako pa ang mag yaya," pag sang-ayon naman ni Belle.

Agad na nag-init ang pisngi ko. Wala namang nangyari sa 'min pero nakaka-guilty pa rin lalo na kapag naaalala ko kung paanong naisip ko rin iyon!

"Tumigil nga kayo," suway ni Sam. "Kapag nalaman ni Sir Jec na pinag-uusapan niyo siya nang ganiyan, baka masi-sante pa kayo."

Ngumuso silang tatlo at nagturuan. "Kill joy naman nito," sabi pa ni Neya para dipensahan ang mga sinasabi nila.

Nang marinig naman ang maingay na si Kier at Rion ay natahimik na kami.

"Oh, nakabili na kaming cup noodles niyo. Tara na munang kumain," si Rion.

Binuksan nila ang paper wrapper na sa tingin ko'y galing sa 7/11. Silang mga lalaki na rin mismo ang nag ayos no'n sa lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon